RIA's POV
Riaaaaaaa!!! Bakla ka talaga!! Hindi ka na naman nakapasok sa klase! Aba ano ang akala mo ipapasa ka na lang ng mga prof natin dahil enrolled ka? Hoy teh, nagkakamali ka!
Oh, that's Justin. My BF. Yes po. My bestfriend...
Hindi mo naman kasi ako dinaanan sa bahay. akala ko susunduin mo ako. nalate tuloy ako ng gising! hmp!
Ang lagay pala bakla ay kasalanan ko pang reyna ka ng katamaran?? UMIGAD!!! bakit ba kasi naging BestFriend pa kita ee. May iniintindi pa tuloy ako bukod sa mga lalaki kooo!!
Ang landi mo talaga!! Tara na nga at baka hindi na naman ako makapasok!!
Kay payn.. Lezzzz gooo!!!
Andami ng nagbago. Antagal na din pala. 4th year college na ako ngayon. Dito pa din sa AU. Hindi ko pa din iniiwan ang skwelahan na to. Haaayyy. Wag na nga natin pag-usapan yan. Nga pala, BSBA ang napili kong kurso. Ang totoo niyan ay wala lang talaga akong ibang mapili noon.
Madami na ang nagbago sa akin. Mahaba na ulit ang buhok ko. Sa palagay ko ay mas gumanda naman ako kumpara noon at mas confident na ako ngayon. Iba na din ang pananalita ko. Iba na ang pananamit ko. Marunong na din akong mag-ayos ngayon. Nagsusuot na din ako ng killer heels!!
Ang mga naging kaibigan ko nung HighSchool ay may kanya-kanyang buhay na ngayon. Ang ilan ay nag-aaral pa din kagaya ko, ang iba naman ay may trabaho na. Mayron ng may asawa at anak. Mayron ng may sariling sasakyan.
Halos lahat nagbago na, halos lahat sumasabay sa agos ng buhay. Lahat gumagawa ng hakbang para makausad. PUSO ko na lang yata ang hindi.
- - - -
Ano bakla dyan ka na lang ba sa labas? Ayaw mo bang pumasok? Ay teh libre ang upo dito. Kaloka talaga!!
Hayy. Naghuhurementado na naman si Justine. Hindi ko napansin na nakatulala pala ako sa pinto ng classroom. Ang totoo niyan ay kinakabahan talaga ako na pumasok. Panigurado kasing maalala ko na naman siya.
Eto na nga e. Papasok na po. Ang sungit-sungit wala namang matres!
Hoy ah, sumosobra ka na bakla. Kahit wala akong matres ang puso at kaluluwa ko ay mas babae pa kesa sayo! Tse!
Bwahahahaha. Oo na. Lipat ka sa kabila, jan ko gusto sa bintana eee.
Psh. Napaka daming demands!! O ayan. Sige mag day dream ka na naman jan ng mapagalitan ka ng husto ni Ms.G!
Tsk. Oo na po. Hindi na ko mag da-day dream.
Maniwala sayo! Ikaw pa, e kilalang kilala ka nga ng mga prof natin e. Dont worry girl pag graduation na may award ka!!
Osya. Anoo???
Ikaw ang "Pinaka Matigas ang Ulo na Studyante Awardee!" Oh diba ang bongga!
Tse! Bakla ka talaga!!
- - - -
Bakla tulala ka na naman! Lezzz gooo na!! Uwian na! Pero punta muna tayo ng mall. Alam mo na!
Ikaw na lang Justin!
Hoyyy!! Napaka sama mo talaga! Sabing wag mo akong tinatawag niyan ee. Call me JAZZ okay??!! Not that.... Ugh! I hate you!
Hahaha. Inaasar ko lang naman siya. Ayaw niya talagang tinatawag ng Justin just like how I hate to be called Althea.
Hahaha. Sorry na. Sige sasamahan na kita sa mall. Libre mo ah!!
Grabe ka talaga bakla! Super kuripot!! Tara na nga!!
Dala mo ba kotse mo?
Oo! Lika na!
Yesss!! Tara!
Pag dating sa car park ay nakita ko ang hindi ko inaasahan. Sa tapat ng sasakyan ni Jazz ay yung Honda Civic na Navy Blue. Ang madalas niyang gamitin sa school.
Napahinto ako sa pagbukas ng pinto. Halos hindi ako makagalaw. Alam kong siya to. Naibalita sakin na uuwi nga siya at dito na mag-aaral. Nasa loob siya ng sasakyan. Hindi ko alam kung may kasama siya o wala. Tinted kasi. Pero alam ko.. alam ko nandiyan siya. Nakabukas ang makina e.
Girl, okay ka lang? Kaya pa ba? Halika na.
O-oo. Sige tara na.
Pinagbukas at pinagsara na ako ni Jazz ng pinto. Tulala pa din ako. Hindi ko alam ang mga dapat kong ikilos. Napaka tagal na, pero bakit parang andito pa din yung sakit? Bakit ang sakit pa din?
Nagulat ako ng pinunasan ni Jazz ang mga luha ko. Umiiyak na pala ako. Siya lang ang nakakapagparamdam ng ganito sa akin. Siya lang.
Girl, nandito lang ako. Sorry ah. Hindi ko naman alam na dun siya magpa-park e. Hindi ko din inexpect na pupunta na siya ng school ngayon.
Okay lang Jazz. Hindi din naman talaga maiiwasan yun e. Magkikita din talaga kami. Kailangan ko lang talaga mag handa. Hindi ko pa siya nakakaharap niyan, nasa loob siya ng sasakyan pero naiiyak na ako. Kailangan pag nagkita kami mas matapang na ako. Kailangan kaya ko na siyang harapin.
Oo girl. Kaya mo yan. Hindi kita iiwan. Sasamahan kita palagi, Ria.
Salamat Jazz. Alam ko dadating din ang panahon na makakaya ko ng harapin si Aki.
- - - -
\(^_^)/
Ano kaya ang nangyari kila Ria at Aki??? Ano ang nangyari ng mga nakalipas na taon??? SOON. :P
Vote & Comment!!
Twitter: @CelinaLigaya
Insta: celinaligaya
FB: facebook.com/celina.official
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
Fiksi RemajaThis story was inspired by the song THE ONE THAT GOT AWAY by Katy Perry. :)) A story of finding THE ONE and trying to KEEP it but for some reasons you just DIDN'T.. Hope you guys will like it. This is my first story <3