Simula
My memories of that day were still vivid.
I can still remember how much I cried for help. I can still recall the sound of the ambulance siren. The chatters of people around us. The deafening silence from my mother and father. Their silence was the proof that they had already no life.
It was a moment of torment for me. I had lost my mother and father that day, in the time I didn't think I would lose them.
It was a cold Sunday morning nang napagdesisyonan ng parents ko na pumunta sa beach para maka-relax sila dahil holiday season noon. I was seven years old that time.
My parents were the most lovable people I've ever known. I've always questioned why it had to happen to them. I wished I had more time to be with them. I had lost my parents at such a young age.
December 26, 2007, that was the worst day of my life. I didn't know that was the last Christmas I had with my mother and father. That tragedy made me so vulnerable.
After my Parents died, My Aunt (Mom's sister) adopted me. She isn't nice to me, I was the one she blamed for my Mom's death. Sa tingin niya ay kasalanan ko iyon. Palagi kong ipinagtataka ang ugali niya sapagkat mababait naman ang mga pinsan ko, siguro ay sadyang galit lang talaga siya sa akin.
Hindi madali ang buhay ko pagkatapos mamatay nina mommy and daddy. Hindi naman Ako minamaltrato nina Tita Prudence pero sa akin niya iniatas lahat ng mga gawaing bahay, maliban lang sa paglalaba ng mga damit dahil ayaw niya daw magusutan ko iyon. Palibhasa'y mga mamahalin ang gamit niya kaya't ingat na ingat ito dito.
I'm an only child kaya naman ay ulila na ako ngayon. Simula ng mag-sixteen ako ay kinailangan ko nang magtrabaho sa Store nina Tita Prudence at nang kanyang asawa na si Tito Amos na nasa Ibang bansa para mas lalong maasikasuhan ang kanilang mga branch doon. Sabi ni Tita ay kailangan ko ng magtrabaho para sa pang-college ko dahil hindi na daw niya sagot pati iyon. Wala naman akong problema sa ganon dahil hindi naman mahirap ang mga kinakailangan ko gawin doon. Ang mahirap lang talaga ay kung paano ko pagsasabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.
May kaya din naman ang aming pamilya ng nabubuhay pa sina mommy and Daddy pero lahat ng mga negosyo namin ay nalugi matapos silang nawala, Ang tanging natitira na lamang sa aming yaman ay Ang aming mga ari-arian at Ang yamang ipinamana nila sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakukuha dahil kailangan ko pang tumungtung sa edad na dise-otso para makuha ko iyon.
“Miss? Miss pwede po bang makiraan?” Namulat ko ang aking mata ng magsalita ang katabi ko para sumenyas kung pwede ba siyang makiraan. Mabilis kong itinango ang aking ulo at binigyan siya ng daan. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko na siya pabalik.
Bumalik Ako sa pagkakaluhod para tapusin ang aking ipinagdadasal, narito ako ngayon sa Simbahan para gunitain Ang death anniversary ng parents ko. Mariin kong ipinikit ang mata ko para ipagdasal ang kapayapaan ng kaluluwa ng mommy and daddy ko, isinabay ko narin sa aking panalangin ang Iba pang mga tao na nawala din ang buhay ng araw na iyon. Noong December 26, 2007 din kasi ay nagkaroon ng aksidente ang eroplanong sinasakyan ng kaibigan ko. Nalaman ko lang ang tungkol doon ng nasa Hospital na kami pero ay wala ako sa tamang pag-iisip sa sobrang pagdadalamhati.
Ipinalangin ko silang lahat nang panghabang buhay na kapayapaan. Tumulo ang luha ko nang inalala ang lahat ng nangyari ng araw na iyon. Ang hirap isipin na wala na akong mga magulang pero kinakailangan kong maging matatag dahil walang ibang sasalo sa akin pagbumigay ako. Siyam na taon na pala silang wala, siyam na taon na din akong nag-iisa.
Pinahiran ko ang luha sa aking mga mata at tumayo na ako sa aking pagkakaluhod para umalis na. Inilibot ko ang aking paningin sa Simbahan para makita kung marami na bang tao. Alas-nuebe palang ng Umaga ngayon, maaga kasi akong nagising para maaga din akong Makapamasyal ngayon. Hindi kasi ako naka-enjoy ng mabuti kahapon.

BINABASA MO ANG
The Tears of Heaven
Ficção AdolescenteAmelia Eve Santiago was tired of losing everything, so when her closest friend Casspian admitted his love for her, she was threatened that it might ruin their friendship just because she didn't feel the same way. She did everything to make Casspian...