Prologue

29.2K 470 12
                                    

Nakailang hagod na ako sa aking buhok pababa, maging ang pabalik balik na paglalakad pero wala pa rin akong maisip na ibang dahilan. I don't think I can solve this alone. 

Marahas akong napalingon sa pinto nang pumasok sa loob si Maria na seryoso ang mukha at parang wala sa mood na kausapin ako.

Hindi ko ipinahalatang sobrang nagulat ako sa biglaan niyang pagpasok. I smiled and slowly approached her. Halatang kinakabahan dahil bahagya akong napapakapit sa laylayan ng paldang suot.

Hinila niya ang upuan sa harap ng kaniyang table saka umupo. Kahit na napansin niyang lumapit na ako sa kaniya'y tahimik pa rin siya't walang imik. She's in a bad disposition, I guess. But I can't let her mood stop me from telling this. I have no idea as to what will happen next, but I'm risking it.

"Ah, Maria? Pwede ba kitang makausap?" Diretsa kong tanong. Ayoko nang magpaliguy-ligoy pa. Mukhang may kutob na rin naman siya dahil nitong mga nagdaang araw, pansin kong palagi niyang binabantayan ang bawat kilos ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa iyon, pero hindi ko na rin siya tatanungin tungkol doon.

"Sige," tipid niyang sagot. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin pero kahit gano'n, desidido na akong sabihin sa kaniya ang totoo.

"Maria..."

A few minutes ago, I thought I have full control of my feelings. But now that I'm speaking up, I think I failed. Hindi ko kinaya ang biglaang pamumukol na pakiramdam sa aking lalamunan. Huminto ako sa pagsasalita dahil baka hindi ko na maituloy pa ang pag amin sa kaniya kung tuluyan akong magpapadala sa emosyon ko.

Humugot ako ng isang malalim na paghinga saka matuwid na tiningnan ang repleksyon niya sa salaming nasa harap namin. She didn't bother to look at me even when we're both looking at the same mirror. I think she knew. She knew all of it and she's just waiting for me to spill it. 

"May... gusto sana akong ipagtapat sa'yo," I said nervously. Seconds had passed after I finally said that and all I can hear was the movements from combing her hair and adding colors to her cheeks with the blush on in her left hand. Humugot muli ako ng isang malalim na hinga upang mapakalma ang sarili. I know she thinks she doesn't need to respond to that so I continued.

"B-buntis ako..." Nangingilid na ang mga luhang ilang araw ko nang pinipigilan. Nagpapahiwatig na gustong-gusto na nilang kumawala sa aking mga pagod na mata.

I watched her intently as she put the blush on palette down the table. I am slightly hoping to see any negative reactions from her pero wala akong nakuha. She didn't show even the slightest shock on her face. And so, I was right. I don't like it the way it turned out! She knew and she did not tell me about it. She knew but she kept all her feelings from me! This calm demeanor she's emitting is scaring me. But I know what I should do. I know she's just waiting for this part, as to who impregnated me, for her to explode. She wants to take it all at once, so hearing it directly from me is the best timing she could get. And I am not going to disregard her feelings even when it means being loathed by her.

"Si Gil ang ama."

Marahas akong suminghap dahil sa pagkagulat. Agad na tumayo si Maria at marahas na sinampal ang kaliwa kong pisngi.

Napaatras ako ng isang hakbang dahil sa lakas ng sampal niya, pero hindi dahil doon kaya patuloy sa pag agos ang aking mga luha. Dahil iyon sa posibilidad na hindi na kami magiging magkaibigan pa.

"H-hindi ko... hindi ko alam kung paano nangyari Maria-" isa pa uling malakas na sampal ang natanggap ko sa kanang pisngi na nagpatigil sa aking pagpapaliwanag. Naiintindihan kita. Kahit ngayong sinaktan mo ako, iintindihin kita.

"Estupida! Anong hindi mo alam kung paanong nangyari iyan, ha?! Sabihin mo nga,"

"Nabuntis ka... May nangyari sa inyo ni boss. Ano? Tulog ka ba habang malugod kang nakabuka para sa kaniya, ha?! Gano'n ba ang gusto mong sabihin sa akin, Aleighna?!"

Impregnated by a Mafia BossWhere stories live. Discover now