ZAHARA ELLIS
Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa lalaking nakahiga ngayon sa kama ni Kuya. Binuhat ko pa siya papunta rito dahil parang ang sama ko naman na iwan siyang nakahandusay roon sa malamig na tiles ng c.r namin.
Hindi ko nga lang alam kung pa'no ko nakayanan 'yon dahil medyo may kabigatan siya. Nahimatay ata siya nang makita ako. Nakakapagtaka lang dahil tinawag niya pa akong multo? Kailan pa ako namatay? At saka, mukha ba talaga akong multo?
Nahulog kasi 'yong tabong hawak ko dahil medyo madulas ang kamay ko at yumuko ako para sana kuhanin 'yon. Saktong pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa akin ang takot na takot niyang hitsura. 'Yong tipong luluwa na ang mga mata niya at namumutla na rin ang kaniyang labi. Nanginginig ang kaniyang tuhod at para bang maluluha na siya.
Hindi man lang ako nakasigaw ng magnanakaw dahil mas nauna pa siya sa akin. Hindi ko na nga rin napukpok sa kaniya 'yong tabong hawak ko pero nahimatay na agad siya. Makikita tuloy 'yong medyo malaking umbok sa gilid ng noo niya dahil sa biglaan niyang pagbagsak.
Matatakutin pala 'tong kaibigan ni Kuya. Hindi halata sa hitsura niya, ha.
Napatingin ako sa hitsura ko, hindi naman ako mukhang multo. Sinuot ko lang 'tong bestida ko dahil nasa labahan pa 'yong mga t-shirt ko at ito agad 'yong una kong nakuha sa cabinet. Umangat ang tingin ko sa orasan ni kuya at halos manlaki ang mata ko nang mapagtanto na wala pa pala akong nagagawang activity. Panira kasi 'tong lalaking 'to, e. Hayst.
Lumabas na lang ako ng kwarto ni kuya at bumalik sa kwarto ko. Binuksan ko 'yong laptop at nagsimula ng gawin ang mga dapat kong gawin.
Lumipas ang ilang minuto at wala pa rin akong nasisimulan nang biglang tumunog ang cellphone ko.
From: Kuya Isaiah
Ellis, pumunta ba riyan si Hendrix? Kanina pa kasi namin siya hinihintay, e.
Seen, 10:03 a.m.
Siya pala 'yong Hendrix.
To: Kuya Isaiah
Ahh, 'yong lalaki pong nakahiga sa kama niyo?
Sent, 10:03 a.m.
From: Kuya Isaiah
Loko-lokong lalaking 'yon. Oh, sige... uuwi muna ako riyan para gisingin 'yang lalaking 'yan.
Buti naman. Nagdadalawang-isip kasi ako kanina kung gigisingin ko ba 'yon o hindi, e. Kapag kasi nagising ko siya, makikita niya ako at baka sumumpong na naman ang phobia ko. Buti na lang kanina nang makita niya ako ay hindi ko siya gaanong nakita. Natatakpan kasi ng buhok ko 'yong mga mata ko kanina.
Hindi ko na nireplyan si Kuya at nagsimula ng bumalik sa ginagawa. Ang kaso nga lang ay napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ulit 'yon.
Puyaters Squad
Jhumela:
Nakabobobo naman 'tong mga modules na 'to. Ba't ba kasi 'to naimbento.
BINABASA MO ANG
Silence in the Ocean Depth
Teen FictionSilence... Darkness... Sorrow. Zahara Ellis Taylor just wanted to be happy, but fate had other plans for her. She is a nineteen-year-old girl who prefers to be alone and finds it difficult to forget her traumatic past that keeps on holding her back...