Babala : Ang kwentong ito ay hango lamang sa aking imahenasyon, pawang kathang isip lamang ang lahat na ito. Ninais ko lang mabuhay sa nakaraan.
∆∆∆
" Ano ang ginagawa niyo rito?!!"
" Alejandro!!!? "
" Juanita!! "Nakaramdam ako ng takot sa aking pamilya kita ko kay ama na dismaya siya sa kaniyang nakita ngunit anong magagawa ko? hindi ko kaya maglakad mag isa ng walang tulong ng iba.
Napatingin ako kay alejandro gulat akong napaiwas ng tingin ng makita kong nakatitig siya sakin hindi ko alam ang sasabihin ko sa Ginoo ngayon ko pa lamang nakita.
Tumingin ako kay ina habang hawak siya ni Ate pina ( josephine ) napayuko ako sa sinapit ko hindi ko nais ipahiya ang aming pamilya, kita sa mata ng panauhin na hindi sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan.
Nais kung sumigaw na mali ang kanilang ngunit alam kung hindi nila kami paniniwalaan hindi maganda tignan ang Binata at dalaga na mag kasama sa oras ng hating gabi.
" Hindi ko nais magkaron ng hidwaan ang ating pamilya " napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni kuya juancho hindi ko napansin na nakalapit na siya samin ganon din ang pag buhat niya sakin nanlalamig ang aking buong katawan hindi ko alam ang aking gagawin." Matagal niyo na bang inililihim ang inyong pagkikita?" napapikit ako ng marinig ko ang isang boses na hindi ko mawari kong kanino ngunit nakakasigurado ako na ama iyon ni Ginoo Alejandro.
napatikhim si ama " umuwi na ang lahat maiwan lamang ang pamilyang Fernandez kailangan namin pag usapan ang hindi kaya ayang kilos ng dalawang batang ito. "
MAINGAT na hinilot ni kuya juancho ang aking paa tila napakalalim ng kaniyang iniisip hindi manlang niya ako tapunan ng tingin nais kung malaman kung nasan si Ate pina ngunit wala akong lakas na loob na magsalita.
" ika'y mamahinga na wag ka ng mag tangka pumuslit muli hindi ako mag dadalawang isip na saktan ang lalake na yun." napayuko ako ng sabihin iyon ni kuya juancho alam kung hindi tama ang aming ginawa kung kaya't nagsisisi ako kung bakit ako pumayag sa gusto ni Ginoo Alejandro." Patawad kuya juancho hindi ko nais na ika'y magalit sakin." biglang tumulo ang aking luha nasasaktan ako sa pwedeng mangyari hindi ko nais na mag kagulo ng dahil sakin.
" Patawarin mo ang iyong kuya sa pinapakita ko sayo Mahal kita at ayokong makita kang talo sa huli, kung kaya't wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao." naramdaman ko ang kamay ni kuya juancho napatingin ako sa kaniya habang pinupunasan niya ang mga luha ko.
Sa tuwing ako'y umiiyak lagi nar'yan si kuya juancho at ate pina upang damayan ako handa sila masaktan maprotektahan lamang ako.Napatingin kami ni kuya juancho sa pintoan nakita ko si ate pina na nakatingin sakin nag paalam si kuya juancho na aalis mo na siya kung kaya't dalawa kami ni ate pina nandito sa loob ng silid.
" Ako'y nag dadamdam sayo marunong ka ng mag lihim saiyong ate tunay na ganap ka ng dalaga." bigla ako napangiti hindi dahil na meron siya tampo sakin masaya ako na hindi siya galit sakin.
" Hindi ka galit sakin ate pina?" hinawakan ni ate pina ang aking kamay saka ngumiti.
" bakit ako magagalit sa aking pinakamamahal na bunsong kapatid? Ako'y natutuwa na ika'y may iniibig na ginoo, hindi ko lang akalain na handa ka mag buwis buhay para sa kaniya. Hindi mo na lamang sabihin ito kila ama at ina tiyak na matutuwa sila kung ika'y magsasabi ng totoo." nakaramdam ako ng hiya sa nangyari kanina kaya huminga ako ng malalim isiniwalat ko sa kaniya ang lahat kung paano ako na punta sa puno ng mangga.
" kung ganon walang namamagitan sainyong dalawa? " gulat na gulat si ate pina sa nangyari kung kaya't tumango na lamang ako upang sagot sa katanongan niya.
" ngunit bakit hindi pinaglaban ni Ginoo ang kaniyang sarili? " nagulat ako sa sinabi ni ate pina kung ganon ay hindi siya umalma? Anong nais niyang mangyari?
BINABASA MO ANG
Te amo con todo micorazón "I Love you with all my heart
Historical FictionNaghihintay, nag aabang Malapit na ako, hintayin mo ko pinagdarasal na sana ito na nga sana sa aking pag dating ay masilayan ko ang iyong muka. Tanda ko nung huling sinabi sakin ni ina Ang pag-ibig ay hindi minamadali ito ay hinihintay upang hindi...