Babala : Ang kwentong ito ay hango lamang sa aking imahenasyon, pawang kathang isip lamang ang lahat na ito. Ninais ko lang mabuhay sa nakaraan.
∆∆∆
Marami mang pipigil, marami mang hahadlang, marami mang may ayaw, wala may pakealam. Dahil kahit anong mangyari mananaig parin ang pagmamahal.
Ang kwentong ito ay magmumula sa isang binibini na hinangad lang ang isang masayang pamilya.
1890Abala ang lahat sa loob ng Hacienda Santiago mag katulong ang dalawang taga pagsilbi sa ayos ng mesa ang lahat ay may kanya kanyang ginagawa.
Ang Pamilyang Santiago ay kilala sa buong lungsod dahil sa kabutihan na ginawa ni Señor Juaning sa kaniyang bayan, kung kaya't ang kanilang lungsod ay pinangalanang DELA SANTIAGO.
Si Señor Juaning ay kilala bilang isang negosyante at tumutulong sa kaniyang bayan kung kaya't maraming humahanga at na iingit sa kanilang pamilya isa din siyang alkade ng bayan na ngayon ang kaniyang anak naman nag papatuloy nito na si Don Juanito.
Lahat ay natutuwa sa muling pag titipon ng bawat opisyal at ng mga alkade at ang sahig ay pinakintab walang bahid na alikabok ang haciend, kumikinang ang ilang kagamitan dahil ang iba ay ginto.
Iba't ibang bulaklak ang nilagay ni Binibining Juanita sa kanilang tahanan upang maakit ang mga panauhin, si Juanita ang bunsong anak ni Don juanito pinalaki nila na mabait at magalang ang dalaga.Iilan lang ang nakakakilala sa dalaga kong kaya't ang alam ng karamihan dalawa lamang ang anak ni Don Juanito.
" Binibining juanita dumarami na ang mga kalesang nag papasokan . " napatingin si juanita kay Amelia ang kanyang taga pagsilbi.
" Ganon ba? Halika samahan mo ako at ako'y maghahanda upang hindi mapahiya ang aking ama at ina. " nakangit na wika ni juanita hangang hanga si amelia sa kabaitan ng kaniya amo.
Lagi siya na papasalamat sa itaas na hindi masamang tao ang pamilyang kanyang na pagsilbihan sa kabilang banda dumarami na ang mga taong nag pupuntahan sa tahanan ng SANTIAGO.
Iba't ibang kalesa ang masisilayan mo iba't ibang kasuotan ang mga nagagandahan lahat ay puro mayayaman kanya kanya sila ng kumpulan sa lawak ng hacienda ng pamilyang santiago ay hindi mo aakalain na mapupuno ito sa dami ng tao ang iba ang namamangha sa kagandahan ng loob ang iba ay hinihintay ang pagbaba ni Don juanito at ng kaniyang pamilya.
Namatay ang lahat ng ilaw ng kinagulat ng lahat at muli ito nag bukas sa Mahabang hagdanan kung saan lumabas dito si Don Juanito at si Doña Marie ang kaniyang pinakamamahal na asawa nag simula mag palakpakan ang lahat ng tao lahat sila ay nakangiti.
Kumikinang ang kasuotan ni Doña Marie ang lahat ay namamangha dahil sa kagandahan ni Doña Marie kumaway si Don Juanito ng malapit na silang makababa sumunod naman ang kaniyang panganay na anak na si Ginoo Juancho kasabay non ang malakas na palakpakan .
Si Ginoo Juancho ay kilala bilang isang magaling na manggagamot nakapag tapos ito sa europa at may sariling itong pagamutan sa kanyang pangunguna kong kaya't maraming humahanga sa binata.Nang makababa na si Juancho sumunod naman ang pangalawang anak nila na si Binibining Josephine lahat ay nag palakpakan dahil tunay na maganda ang lahi ng Pamilyang santiago.
Maraming humahanga sa dalaga dahil sa taglay niya din kagandahan maraming na iingit na kababaihan sa dalaga dahil sa dami nitong talento tinatapos niya ang kursong pag aabugado hindi hadlang ang kanyang pag kababae sa kursong kinukuha niya nung una ay maraming hindi sumasang-ayon ngunit natalo ni Josephine ang lahat ng hukom dahil sa galing niyang makipagtalastasan ng makababa na si josephine tumagal ang ilang segundo na wala ng sumunod na bumaba.
Ang iba ay nag tataka kung sino pa ang hinihintay ang alam ng lahat ay dalawa lamang ang anak ni Don Juanito ang iba ay nag simula na mag bulongan.
Nagtataka si Don Juanito kong bakit hindi parin bumababa ang kaniyang bunsong anak habang si Doña Marie ay nag aalala na baka may nangyari ng masama sa bunsong anak niya.
Kinakabahan si Juanita sa pag pili ng kaniyang susuotin hindi siya mapakali dahil bumaba si amelia upang kumuha ng kanyang maiinom dahil sa kaba na nararamdaman niya.
" Binibini ito na po ang iyong pinag-uutos." napalingon si juanita kay amelia mabilis na lumapit si juanita sa kaniya hindi siya mapakali sa kaniyang gagawin kung kaya't natawa si Amelia sa kaniya amo.
" Bakit mo ako pinagtatawanan? anong nangyayari sayo amelia? " kinakabahan at nagugulohan na sabi ni juanita tila tumawa lang si amelia .
Si Juanita at amelia ay matalik na mag kaibigan kong kaya't nakakatawa siya ng mapayapa, labing lima taon gulang si amelia samantala si juanita labing walo taong gulang.
" Wag kang kabahan ate juanita nandito lamang ako sa iyong tabi aalalayan kita sa iyong pag baba halika na at isuot mo ito kay ganda hindi ba? " nakangiti na wika ni Amelia, hindi alam ni juanita kong bakit lagi siya napapangiti tuwing pinapagaan ang kanyang loob ni amelia tunay na kapatid ang turing niya kay amelia kong kaya't pinayagan niya na tawagin siyang ate.
Agad na sinuot ni Juanita ang baro't saya na binigay sa kaniya ni amelia habang nag lalakad sila ni juanita ay panay dasal nito sa isip na sana ay wag siyang mapahiya.
BINABASA MO ANG
Te amo con todo micorazón "I Love you with all my heart
Ficção HistóricaNaghihintay, nag aabang Malapit na ako, hintayin mo ko pinagdarasal na sana ito na nga sana sa aking pag dating ay masilayan ko ang iyong muka. Tanda ko nung huling sinabi sakin ni ina Ang pag-ibig ay hindi minamadali ito ay hinihintay upang hindi...