Origami - Is it Carlos Again?!?!

31 2 1
                                    

<Abby P.O.V>

Nandito ako ngayon sa may field umupo ako sa may ilalim ng puno at isinandal ko ang ulo ko sa katawan ng puno.Nagpapahinga lang ako kasi kanina ko pa hinahanap si Anne..pero di ko sya nakita halos na-ikot ko na yung buong school pero ni anino nya di ko nakita >.< pinuntahan ko na din yung mga lugar na pwede nyang pagtambayan..wala din sya dun pinagtataguan ba ako nun? di naman siguro..hayss nawala naman sya bigla kung kailan ko yung pagiging love guru nya...

 Sa inis ko ay inuntog-untog ko yung ulo ko sa puno..paulit-ulit ko iyong ginagawa hanggang sa may naramdaman akong malambot sa kung saan ko inuuntog ang ulo ko..teka kaylan pa naging malambot ang katawan ng puno?! O____O idinilat ko naman ang mata ko at nakita ko naman ang dahilan ng pagtatambling ni mr.heart..at nakaharang ang kamay nya sa kung saan ko pa inu-untog ang ulo ko..

 "Bakit mo ba inuuntog yang ulo mo sa puno ng paulit-ulit ha?!" inis na tanong nya..

 Pero di ko sinagot ang tanong nya at nanatili pa rin akong tulala sakanya..at tuloy pa rin ang panenermon nya sa'kin..

 "tapos kanina tinatawag kita tiningnan mo  lang ako..tas bigla-bigla ka na lang tumakbo tinawag kita paulit-ulit di ka na lumingon..paguusapan sana natin yung sa project..huy! naririnig mo ba ako?!"

"h-huh?"

" Aish!!!sabi ko na nga ba di ka nakikinig..e"iritang sabi nya at tumayo na sa kinauupuan nya..

"H-ha..anu ba sinasabi mo? sorry di ko narinig..may iniisip lang ako.." nakayukong sabi ko..

"Halata nga e..psh sabi ko pag-uusapan sana natin yung tungkol sa project di ba sabi ni Ma'am mas malaking grades ang makukuha" paliwanag nya ulit at tumango-tango naman ako sa sinabi nya..

"Kaya gusto ko sana mamimili na tayo ngayon..half day lang naman tayo ngayon eh"

" Eh~ half day lang tayo?" gulat na tanong ko sa'kanya

"Oo half day lang tayo..yan kasi takbo ng takbo"napayuko ako sa sinabi nya "sasabihin ko na dapat yun kanina sayo sa room kaso bigla mo naman ako tinakbuhan..bakit mo nga pala ako nun tina-takbuhan?"

"Ah ano kasi..ganito..ahm hinanap ko si ...Anne ..tama si Anne may tatanung dapat ako sa kanya eh hehehehe kaya pala di ko sya makita nun....umalis na siguro yun 'no? tsk yung babaeng yun talaga"

"haha oo kanina pa yun umalis ..ang alam ko gagawa na din sila ng partner nya ngayon din ng cake" tamango-tango na lang ako sa sinabi nya "So tara na? alis na din tayo para makabili na ng ingredients.."

"Hmm...tara na ^__^ lagot talaga sa'kin yung babaeng yun di man lang nagtext na umalis na sya" sabi ko habang pinapag-pagan yung uniform ko..

"Hahaha hayaan mo na yun..tara na" sabi nya sabay abot ng kamay nya

Nagulat ako ng inabot nya yung kamay nya kaya palipat-lipat ang tingin ko sa kamay nya at sa kanya..'aabutin ko ba yun o hindi?' sabi ko lang sa isip ko ang tagal ko tiningnan yun hanggang sa narinig ko sya na tumawa ng mahina..hanggang sa sya na rin ang umabot mismo sa kamay ko..

Mukhang magiging masaya 'to

~~~~

Nandito  na kami ngayon sa may Grocery Store namimili na ng mga ingredients na gagamitin namin..sya ang may hawak ng basket at kumukuha ng mga ingredients di ko kasi alam kung anung klaseng cake yung lulutuin namin hehe galing ko talgang partner walang cooperation..natigil ako sa pagde-day dream ng bigla syang magsalita..

"Ah Abby san nga pala natin 'to lulutuin sa bahay nyo o bahay namin?" tanong nya "malapit-lapit na rin dito yung bahay namin dito  pero kung gusto mo sa inyo ok lang ^__^"

&quot;Origami&quot;(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon