Author's Note
This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either a product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is purely coincidental.
ETERNAL FLAME © 2021 by BlueDevine
All rights reserved. No part of this book may be reproduced or used in any manner without the written permission of the copyrighted owner.
Catherine
"Aray naman!" sigaw ko sabay himas sa aking ulo. Tiningnan ko ng masama si Belinda na abo't tainga ang ngisi at nakapamaywang. Nasa likod ko siya habang nasa harap ako ng laptop at busy sa panononood. HIndi man lang kumatok, basta pumasok sa kuwarto ng may kuwarto. "Tigilan mo nga ang kababatok sa akin. Isang tonelada kaya ang bigat ng kamao mo!"
"Pasalama't ka nga at batok lang ang ginagawa ko sa iyo. Sa susunod na abutan kita diyan na pinagpapantasyahan mo si Axis, mamasohin ko na talaga iyang ulo mo," anito sabay hila ng monobloc chair at umupo sa tabi ko.
Napaismid ako sa sinabi niya. Kunwari pa siya, eh halos tumulo na ang laway niya katititig kay Axis. "Huwag ka ngang plastik diyan! If I know, you're drooling over him din ano."
"Okay, aaminin ko, there is no denying that he is godly handsome. Pero beshie naman, hindi ka mabubuntis ng mga litrato no! Kaya gumising ka na, puwede," anito habang nandidilat ang mga mata sa akin.
I rolled my eyes. "Hindi ako naghahanap ng lalaking bubuntis sa akin, Belinda. One is enough. Wala na akong balak maghanap pa ng kung sinong Poncio Pilato diyan na pagkatapos kang pangakuan ng langit, eh impiyerno naman ang ibibigay sa iyo," sagot ko sa kaniya. May anak na ako, tama ang ang isang pagkakamali.
"Come on, Beshie, you know what I mean. Hindi literal na ganoon nga. I mean, instead of fantasying over him, find someone who's real. Iyong lalaki na puwede mong makasama habang buhay. Iyong makakatuwang mo sa pagpapalaki kay Nathaniel," mahabang litanya nito.
Nabatunghininga ako sa mga sinabi niya. Alam naman niya na malabong mangyari iyon. I'm done with it. What happened before was the first and last. Hindi ko na hahayaang maranasan uli ang nangyari dati.
Itinuloy ko ang panonood ng video sa YouTube. Isa itong music video ng disbanded P-pop boy group na Eternity Five. Isa si Axis sa member nito, ang aking ultimate bias. Marami namang boy group na naglalabasan ngayon at nasa spotlight, pero, I don't know, siya talaga ang nakahuli ng atensiyon ko. Lagi akong updated sa lahat ng activities nila. Naka-follow ako sa lahat ng account nila. Pati personal account niya sa lahat ng social media platform, wala akong pinaligtas, maski iyong mga fan account lang.
Malay mo, mayroon activities sila Axis na hindi ko alam, makikita ko through their fan account. Hindi ko alam kung masasabi ba akong die hard fan, stalker or what. Basta ang alam ko, sa tuwing sinusumpong ako ng stress, o iyong panahon sa feeling ko mag-isa lang ako sa mundo, si Axis ang nagiging tagapagligtas ko. He always made my day. Tuwing nakikita ko ang ngiti at ang magandang mga mata niya, masaya na ako.
"Hay naku Catherine, kung ganyan ka rin lang kapatay kay Axis, bakit ni misan hindi ka pumunta sa mga fan signing event nila." Itinupi nito ang laptop ko bago tumayo at hinila ako patayo.
"Alam mo, nagsisisi na nga ako ngayon. Sana nga nagpunta ako sa mga fan event nila. Kung alam ko lang na mag-di-disband ng maaga ang grupo nila, hindi na sana ako nagdalawang-isip pa. Ngayon tuloy, wala na akong balita sa kanya. Mahigit two years na na walang update sa mga account niya." Umupo uli ako at ini-unfold ang laptop.
BINABASA MO ANG
Eternal Flame
عاطفيةCatherine Sabales once believe in destiny until her first love left her broken. Iniwan siya nito nang mabuntis siya kaya mag-isa niyang itinaguyod ang kanilang anak. Mula noon, ipinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal at pagtutuunan n...