Chapter 9 -embarrassing

35 8 0
                                    

Vice's Pov.

Pagka dating namin sa restaurant ay kunting chicka lang sa babaeng nasa cashier. Si jackie naman ay nasa likod ko lang, diko sya pinapansin baka mag tarayan lang kami.


Umakyat na kami pagka tapos ko makipag usap sa cashier.


Dumeretso naman si jackie sa malaking glass wall, pinanood ko lang sya habang manghang mangha sa nakikita.


"Parang bata" nakangiting turan ko sa sarili


Maya maya pa ay lumapit din na ako sa kinaroroonan nya.


"Ang ganda" rinig kong bulong nya nang makalapit ako.


"Mas maganda ka" sambit ko at nag salita ulit


"Pero mas maganda ako" natatawang dugtong ko. Bigla naman syang humarap habang nakatulala.


"Jackie?" di naman sya tumingin sakin at naka tulala lang..


Ginagawa ng babaeng to?


"Hoyyy jackie!" Bigla syang ngumuso kaya pinitik ko lang ito, ngunit nanatili padin syang nakatayo



"Jackiee huyyyy!" kahit anong tawag ko ay nakatulala lang sya.


"Jackie"


Tsngina anong nangyayari sa babaeng to.


"Jackieeee anoooo baaaaaaa" yugyug ko na sa kanya para magising na sya.
Bigla naman syang nagulat.



"A-ate vice? A-anong-"


"Bwesit kang babae ka pinag alala moko!" yun lang ang tanging nasambit ko at sa inis ay umupo na sa upuan.


Sinundan naman nya agad ako.


"Bakit kaba natulala ha?" nakita ko naman syang namutla.


May sakit bato?


"A-ah eh, m-may naisip lang po" tanging sagot nya ng hindi makatingin ng deretso sakin.


Kaya hinayaan ko nalang sya, naririnig ko syang bumubuntong hininga at mag isang nag sasalita.


"Tsngina nakakahiya"


"Ano ba kasing ginagawa mo jackieee"


"Nag d-day dreaming kapa talaga ah"


"Nakakahiya yun aishhhh" isa lang yan sa mga binubulong nya na narinig ko.


Hindi ko naman maiwasang matawa ng palihim sa tuwing nakikita ko syang naiinis sa sarili nya.


Nag space out siguro sya kanina, yan kasi kung ano ano ang iniisip.


Bigla naman dumating yung mga inorder ko.


Inilapag na ng waitress yung mga pagkain sa lamesa at umalis na.


Si jackie naman ay nakayuko lang, mukang hindi pa maka get over sa ginawa nya kanina.


"Huy jackie, kain na" umangat naman sya ng tingin at pinasadahan ng tingin yung mga pagkain.


"Oh ano, tititigan mo lang? Hindi mo na kakainin?" pag tataray ko pa, bigla naman syang natauhan at kumain na.


Kung alam ko lang na nag sama ako ng bata, ako nalang pala sana ang umalis mag isa.


Hindi ko din naman kasi intensyong hilain sya, bwesit na bwesit lang ako kela vhong dahil panay ang asar sakin kaya nag walk out ako.


Sakto namang nakita ko syang nakasilip sa dr ng girl trends.


Maybe this timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon