1. Love and Fame

111 8 4
                                    


February, 2020

Lanz Jr Official added 13 new photos

ANG NILOKO MO, MAHAL KO!



GULAT na gulat ang wasak ko pang heart. Kaya ayokong nagpa-pass out sa kalasingan, eh. Paggising ko, feeling lost ako sa mga ganap. Bumaba sa photos ang tingin ko—para lumuwa lang halos ang mga mata sa mga nakita.

Oh, no! Ano'ng ginawa mo, Lanz?

Six photos nina Ricci At Naja na super sweet, five photos na screenshot—landian conversation sa Messenger, isang photo namin ni Ricci noong happy pa kami at wasted photo ko kagabi lang, kinukumutan ako ng dalawang kamay.

Oh, God! Oh, God...

Shocked pati ang bagong gising kong kaluluwa. Ano'ng ginawa ni Lanz? Alam naman niyang nagbago na ang isip ko sa plano naming 'ganti ng pusong wasak'. May ilang beses na na niya akong ni-remind at hindi ako nagbigay ng pictures. Mga pictures na nasa phone ko lang.

Na-unlock niya ang phone ko? Sobrang lasing ako kagabi na hindi ko na naalala ang nangyari. Kaming dalawa lang naman ni Lanz ang magkasama. At walang ibang makikialam sa phone ko. Na-share ko ba sa kanya ang mga photos—na proof ko ng landian ni Ricci at Naja sa sobrang kalasingan?

Wala akong maalala. Hindi ko rin alam kung paano na-unlock ni Lanz ang phone ko!

Nag-ring bigla ang gadget. Si Kathy ang caller—ang source ko ng photos. Kung tama ako, ang post ni Lanz ang dahilan ng tawag. Paulit-ulit ang hagod ko sa batok. Sa dami ng followers ni Lanz, alam ko na agad na viral na ang post.

Nasa list na ba ako ng mga babaeng may viral cheating issues sa social media? Kumusta naman ang ipinaglalaban kong private life?

Nag-stop na ang ring ng phone ko. Ilang minuto lang, nag-ring uli. Another friend ang caller. Na sumuko rin. May tumawag na naman. Na sumuko rin. Napaungol na lang ako nang malakas nang ring-silence-ring na ang cell phone ko nang mga sumunod na minuto. Nahulaan kong post ni Lanz ang dahilan ng mga tawag.

Nag-martsa ako papunta sa pinto.

"Lanz!" Ang lakas ng sigaw ko. "Lanz! Mag-usap tayo!" Para akong amasonang handa na sa giyera. "I deserve an explanation!" Bigay na bigay ang emosyon sa pagkopya ko sa linya ni Piolo Pascual. "I deserve an acceptable reason—"

"Mag-breakfast ka na, Love." Biglang agaw ni Papa. May dala siyang mug ng kape. Marahan ang mga hakbang paakyat. Hindi man lang pinansin ang pag-iingay ko. Napaisip ako kung may iba siyang iniisip o sanay na sanay lang sa ingay namin ni Lanz sa bahay.

Parang 'yong huli.

"Hindi talaga lahat pinipili. Malas na lang ang mga niloko na, hindi pa pinili. Ganoon talaga. Ipagdasal mo na lang ang kaluluwa." May dagdag pala ang linya ni Papa. Kung nasa boxing ring ako, bagsak agad sa atake niya. Knock out!

"Pa!" Nanlaki ang mga matang hinarap ko siya. "Ang sakit na nga, eh. Ang sakit sakit na!" Exaggerated na balik ko, may kasunod na fake na hikbi—na bigla rin nahinto nang may ma-realize ako. "Saan n'yo pala nalaman?"

"Sa Facebook—"

"Love! Love! Totoo ba 'to? Totoo ba?" Si Mama na parang may emergency ang mga hakbang. Naka-apron pa. Halatang galing sa kusina. Nakataas ang isa niyang kamay na hawak ang cell phone. Nahuhulaan ko na kung ano ang nasa screen ng gadget.

"Ma..."

Ah, gusto kong ngumawa at magpagulong-gulong na lang pababa ng hagdan. Ang tingin sa akin ni Mama, parang mortal sin na sa Facebook pa niya nalaman ang 'pagkasawi' ko.

Para akong warrior na biglang nanghina at lumupaypay na lang sa puwesto. Biglang baba na ang energy ko, na gagamitin ko sana sa mga nonsense hirit para ma-knock out din si Papa. Pero may nanalo na sa #bestreaction sa failed relationship ko.

Hay...

"Totoo ba 'to? Niloko ka ni Ricci? Ipinagpalit ka sa babaeng ito?"

"Ma..."

"Sumagot ka, Lovelyn!"

"Ma..."

"Ano?"

"Galit ka, o. Bakit parang kasalanan ko?"

"Hindi! Tinatanong ko lang!"

"Mama, 'wag masyadong OA," si Papa na hindi pa pala nakakaakyat. Sinadya yatang huminto para makinig sa usapan.

At hayun, silang dalawa na nag-argue tungkol sa relasyon, sa mga lalaking manloloko, sa mga babaeng biktima at nagpapakatanga, hanggang si Papa na bigla ang issue. Ina-accuse na ni Mama na nambabae rin daw noon.

Umawat na ako bago pa sila ang mag-away. Sabay lang na napatingin sa akin ang mga nakilala kong magulang. "Ako 'yong issue 'di ba? Ako 'yong broken hearted dito. 'Wag kayong mag-away diyan."

"'Tong Mama mo, best in history kasi."

"Ano'ng best in history? Umayos ka Alano, ha?"

"Best in history, 'Pa?"

Itinuloy na ni Papa ang mga hakbang paakyat. "Ungkat nang ungkat sa mga eksenang lipas na. Dumaan na 'yon. Tapos na. Parte na lang ng kasaysayan—best in history."

Sa kabila ng sitwasyon, gusto kong matawa. Pinigil ko lang. Lalong mapipikon si Mama. May point nga naman si Papa.

Pero paano nga ba kami umabot dito? 

Love's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon