2. Broken

71 7 1
                                    

ONE week ago. Oo, one week bago ang araw na iyon nang mangyari ang lahat. Magsimula tayo sa scene namin ni Lanz.

Nasa rooftop ako, naghihintay ng sunrise. Ang daming sinampay kaya ang mukha kong wala pang hilamos, nasa pagitan ng nakabiting panties at briefs. "Walang forever!" Sigaw ko with feelings. Ang bitter. Mas mapait pa sa ampalaya. Wala akong pakialam kung gising na ang kapitbahay. Family friend naman namin sila. Sanay na sa topak ko.

"Akala mo lang wala pero meron!" biglang sagot galing sa likod. Nilingon ko ang pakialamero, sure akong mas deadly pa sa laser ang talim ng tingin ko. "Ikaw lang ang wala! Wala! Wala!"

"Fishtea!"

Tumawa si Lanz—Alano Perdido Jr—ang younger brother kong sikat sa social media. Seventeen years old, may glow ng youth kaya ang guwapo. Hindi ko ma-gets kung bakit kailangan pang i-filter lahat ng photos. Hindi pa sapat na guwapo na, kailangan mas guwapo pa?

Mga kabataan talaga!

"Ang bitter mo, Love!" Si Lanz, nakangisi. Hindi niya ako tinatawag ng Ate. Mas feeling matanda pero isip bata naman. Baby ng parents namin kahit mas matangkad na sa akin. Five feet one inch lang ako. Si Lanz, five feet seven inches na yata or eight inches. Mana sa height ni Papa. Ako, walang namana sa kanina kasi nga...

Okay, later na lang. Malungkot kasi ang fact na iyon. Dagdag lang sa masamang pakiramdam.

"Ang aga aga pa, o? Drama na agad? Nauna ka pa talaga sa sunrise—"

"I don't care!" Ang balik ko agad, may American accent pa. "Layuan mo ako, adik sa selfie!"

"I do care, adik sa ex!"

"Hayuf kang bata ka!"

Ang lakas ng halakhak ni Lanz. Naghabulan na kami sa rooftop. Bakit ko ba naging kapatid by affection itong batang walang puso? Tawa pa nang tawa habang ako, halos umusok na ang ilong sa pagkaasar.

May one week nang 'sira ang buhay' ko after ng break up.

ONE week pagkatapos ng break up, may big reveal na naman. Of course, hindi pa ako okay. Sino naman ang magiging okay sa seven days lang? Pero walang kasalanan ang Universe. Hindi naman magbabago ang ikot ng mundo dahil lang broken hearted ako, 'di ba? At ang lahat ng totoo sa buhay ko—na ang iba nga ay hindi ko alam—hindi talaga babaguhin ng isang particular situation lang.

Piliin ko man na ma-stuck sa stwasyon, tuloy ang buhay. Hindi ako hihintayin ng mundo na maging okay.

Okay, 'balik sa news na pinasabog ni Papa that week. Nahanap na raw niya ang place kung saan ko puwede puntahan ang Mama ko—ang biological mother ko, ang ibig niyang sabihin. Eldest daughter ako nina Rodora at Alano Perdido Sr. pero hindi sila ang totoo kong parents. Adopted ako. Fifteen pa lang ako noon, sinabi na nila sa akin. Iniwan daw ako ng totoo kong ina kay Papa. Kumuha ng pera kay Papa ang biological mother ko. Ibig sabihin, ibinenta ako ng totoo kong kapamilya.

May ina pala talagang walang puso? Gusto ko nga isipin na may sakit ako no'ng baby pa. Na hindi kaya ng biological parents kong suportahan ang gamutan kaya ako ibinenta. Parang teleserye lang. At least 'pag gano'n nga, madali ko silang maiintindihan. Pero sabi ni Papa, healthy baby ako. Ang cute ko pa nga raw. Ang sakit lang na ni-reject ako ng totoo kong parents.

Sakit lang ang na-recognize kong pakiramdam noon. Sakit na ang tagal mawala. Hanggang ngayon, sa mga moments na mag-isa ako, naiisip ko pa rin ang ginawa sa akin ng biological mother ko—at nasasaktan ako. Ang teenage self ko noon, hindi na ginustong makilala pa ang Mama o ang Papa ko. Bakit pa 'di ba? Ni-reject nga nila ako. Bakit magsasayang ako ng oras na hanapin sila at kilalanin? May mababait akong parents at mahal nila ako. Totoong anak ang turing nila sa akin. Ang ginawa ko na lang, nag-focus ako sa pagiging good student. Nag-aim ako ng mas mataas na grades—ang way ko para maibalik man lang ang kabutihan ng kinilala kong parents.

Fast forward eight years later? Ah, sa totoo lang, hindi ko na gustong makita pa ang sino man sa parents ko. Naging sobrang gulo lang ng utak ko after ng break up namin ni Ricci. Mauricio Masiva ang full name niya, ang ex kong hayuf. Ang break up ang dahilan kaya biglang emo ang peg ko at napa-look back sa roots. Parang gusto kong hukayin ang past ko. Baka kasi may paliwanag akong mahanap kung bakit kailangan kong pagdaanan ang pinagdadaanan ko ngayon sa present.

Naisip kong baka may mga kasalanan sa past ang biological parents ko, at napasa pa ako sa hinahabol ng karma dahil kadugo nila ako. Hindi ko alam kung saan galing ang ideya. Siguro, hindi lang mawala sa isip ko na ako nga mismo na anak, nagawang ibenta. Kaya hindi imposibleng may iba pa silang ginawan ng kasalanan.

Ah, ang ex ko? Hayuf talaga iyon. Hindi ako palamura pero kapag naalala ko siya, chain mura ang gusto kong ibuga. Ang saklap lang na minahal ko talaga siya. Feeling ko, ang sama sama ko bigla ngayon. Ang hirap kasing maging mabait kung niloko ka. Mas nakakaasar lang na dapat mas focus ako sa paghahanap ng sarili, pero pagkatapos ng pasabog ni Papa, heto na ako ngayon, lalong magulo ang utak habang pinipilit ibalik sa normal lahat.

Wala rin kasing puso 'tong si Ricci. Ang selfish lang. Sa birthday ko pa talaga pinasabog ang bad news. Mas dagdag lang sa galit ko na hindi ako binigyan ng chance ma-enjoy ang isang araw na iyon. Sabi ng isang friend ko, ang mga lalaki kapag ayaw na, gagawa ng kung ano anong bad actions na magti-trigger sa babae para makipag-break nang kusa. Si Ricci, walang gano'n. Siya talaga ang tumapos sa relasyon namin. Siya na ang nagloko, aba, siya pa ang excited maging free agad agad! Hindi na talaga naghintay ng isang araw man lang. Sa birthday ko talaga tinapos ang relasyon namin.

Atat much!

Alam ko naman na ang panggagago niya. Ako naman si gagang marupok, gusto ko pang mag-celebrate ng birthday kasama siya—sa huling pagkakakataon. At least, gusto kong matandaan ang memories ng birthday ko na happy kami. Willing na akong i-give up siya pagkatapos. Ayoko nang ipaglaban pa. Malinaw naman na nag-cheat siya. Baka nga hindi unang beses. Ayoko nang malaman ang iba pang kasalanan.

Singtigas nga lang ng aspalto ang pagmumukha ni Ricci. Lakas makasira ng plans and moments. Babanatan pa ako ng linyang hindi ko siya deserve kaya he's setting me free raw? Wow! Hindi na lang amining marupok na malandi siya at makati pa sa gabi ang best friend niyang 'reserve lang'. Salamat sa common friend namin na concerned sa akin, hindi ako naging forever tanga. Nalaman ko ang panggagago nilang dalawa. Ang dami kong photos na ebidensiya ng kalandian nila!

Hindi na ako nagtaka. Hindi na rin ako naghabol. Ramdam ko naman na talagang may nagbago sa amin. Na hindi na kami gaya dati. Ako pa ba ang hindi makakahalata? Pero sabi ko nga, at uulitin ko na naman—oo, kasama ako sa listahan ng mga tanga na gusto pang kumapit muna para sa isang araw na saya.

Masisisi ba ako? Sino'ng ayaw maging masaya?

Pero dahil may Naja Cuison—ang Naddie ni Ricci—wala na. Ang chance kong maging masaya, gumuho. Ang tagal ko nang ramdam na hindi ako gusto ng babaeng iyon. Best friend siya ni Ricci. Ang na-share na na kuwento sa akin ng magaling kong ex, mula Elementary, classmates na sila. Super proud pa si Naja na mas kilala niya kaysa sa akin si Ricci. Sa mga pa-joke niyang banat, kung nasa boat daw kaming lulubog na, sure na sure siyang ako ang pipiliin ni Ricci na i-let go—at siya ang sasagipin. Wow, 'di ba? At itatanong pa talaga niya 'yon kay Ricci para marinig ang 'yes'. Ang boyfriend ko na ex na ngayon, ngingiti lang at sasabihing, pipilitin niyang ma-save kaming dalawa. Never niyang sinabing ako ang ililigtas niya.

Sa two years namin ni Ricci, ang daming moments na naramdaman kong nakikipag-compete si Naja ng atensiyon. Ang dami niyang paraan para makuha ang oras ni Ricci. Halata naman na ginagawa lang para patunayan sa akin na siya ang mas pipiliin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi nakikita iyon ni Ricci. Ako pa ang inakusahan niyang mapag-isip ng masama at mahirap umintindi.

Sa two years, ang daming beses na nasaktan ako. Mas pinili ko lang talagang maging understanding, maging patience, maging mabait na girlfriend—in short, maging tangang girlfriend. Ayokong i-give up ang mayroon kami ni Ricci. Ayokong ganoon lang kabilis siyang i-let go.

Ang reason?

Reason din ng maraming tanga sa love.

Mahal ko, eh.

"Magpatulog ka, impakta!" Ang sigaw galing sa katapat naming rooftop. Sabay kaming napalingon ni Lanz. 





Love's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon