Chapter 17: Circa 1996

1.3K 129 14
                                    

Noah:

Para akong nasabugan ng paputok sa mukha. Nakanganga pa ako nang marinig ang sinabi niya petsang kanyang pinagmulan. 

Natameme ako sa sinabi ni Adam. Kaaway ko lang ito kanina sa condo. Nakayuko siya sa harapan ko. Walang damit. Nakakunot ang kanyang noo at magkasalubong ang kanyang mga kilay. Ang mga mata niya ay tila nagsusumamo mula sa mga bagay na natuklasan niya. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka sa mga nangyayari.

Pucha! Bakit sa dinami-rami ng Adam na darating, itong abnuy na ito pa? Badtrip! Anong gagawin ko? Sinabi ko sa kanya kanina na ime-meet ko ang boyfriend ko ngayon. Na-guilty pa ako sa kanya habang binubulyawan ko siya sa kuwarto kanina. Nagmamadali pa akong lumabas ng kwarto habang iniwan ko siyang tulala sa tapat ng cabinet.

What the fuck talaga! Me and my big mouth!

Nahulog ko ang mga dala kong gamit dahil sa nerbyos. Napahampas ako sa mukha ko. Sa lahat ng madadala kong damit, damit pa talaga niya mismo? Marahil ay hindi ko na napansin dahil sa pagmamadali ko kanina ay hindi ko na napansin ang mga isinilapak ko sa loob ng aking bag.Agad na dinampot ni Adam ang tuwalya na green at pinangtakip sa harapan niya.

Tangina talaga! Sino ba kasi sa kanila nagsabi sa akin ng petsa na ito at nakalimutang sabihin ang pinaka importanteng bagay, na ngayon magkakabukingan! Putragis! Think, Noah. Think!

"Ah... eh..." Nauutal pa ko bago ako magsalita. "So, baka nagugulat ka, ha? Simula kasi nang naging close tayo sa hinaharap, ako na binilinan mo na susundo sa iyo palgi."

Hindi talaga ako mapakali. Ang tagal ko nang pinaghandaan ang araw na ito pero balewala lahat ng preparasyon ko.

Nagbibihis na si Adam. Nakita kong inaangat niya ang kanyang tuwalya habang pinipilit na isuot ang kanyang salawal. Mabilis akong napatalikod. Nakapikit ang aking mga mata na tila hindi ko pa nakikita ang bagay sa kanyang harapan.

Marahan ko siyang nilingon. Binubotones na niya ang kanyang pantalon. Matapos niyang isuot ang dala kong pantalon ay sunod niyang isinuot ang mga sapatos. Ibinalik niya sa mukha ko ang kanyang mga tingin. Tikom pa rin ang kanyang bibig. Tila inaaral niya ang bawat salita at paliwanag na nagmumula sa aking mga labi,

Nakatitig lang sa akin si Adam na parang naguguluhan sa mga nangyayari. Ang maamo niyang mukha na tila isang anghel na nagmula sa isa sa mga sikat na paintings. Ang maganda niyang buhok na nagiging ginto sa sinag ng araw. Ang mga mata niyang bughaw na tila malalim na dagat na naghihintay sa pagsisid ko.

Sa kabila ng lahat ng ito ay wala pa rin siyang imik. Hindi ko maintindihan ang kanyang reaksyon. Nakatitig lamang siya sa akin habang ako ay hinahanap ang tamang mga salitang sasabihin ko.

"Hindi ko siguradon kung naalala mo pa ang mga sinabi ko sa iyo sa condo bago ako umalis," patawa kong sabi. Mukha na akong tanga sa mga sinasabi ko. Tumatawa lang ako na parang ewan. "I was just kidding about my boyfriend!"

Itinaas ko ang damit na dala ko sa harap ni Adam upang makita kung kakasya ba ito sa kanya. Ang t-shirt na nakuha ko ay sa akin naman. Medyo mas masikip ng di hamak sa karaniwan niyang sinusuot. Patuloy lang ako sa pagsasalita dahil kinakabahan na ako sa magiging reaksyon nito.

Puta talaga, hindi ako prepared!

"Ayan, mukhang kasya naman ito sa iyo," dagdag ko pa.

Sige lang Noah. Lie pa more. Mag live selling ka sa kanya kung gusto mo. Hindi sumasagot si gago. Nakatulala lang ito. Wala na akong maisip na ibang script. Hindi siya mukhang natutuwa ngunit hindi rin siya mukhang nagagalit.

Ark and Apple (The Time Traveler's Boyfriend Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon