Chapter 1

16 2 0
                                    

Jasmine's POV

"Jasmine! Bangon na!!!" sigaw ni kuya sabay hampas ng pinto ng kuwarto ko.. Ang sakit ng tenga ko.. -_-

"Oh andyan na!!!" Sabay bangon ko.

"Ahhh ang relax ng donya ahh" biro ni kuya.. Heh donya- donya ka diyan.

Bumaba na ako sa kwarto at kinuha yung towel ko.. Anong oras na ba?..

"4:59 am, hayy salamat ang aga pa" sabay stretching ko. Pumunta na naman si kuya sa kanyang opisina (computer).

"Ano na naman yan?" tanong ko sabay cross arm.

"Titignan ko lang yung Dota ko kung na low prio ba o hindi" sabay open niya dun sa computer. Wew ang aga-aga computer agad ang inatupag.

Pumunta ako sa kusina upang magluto ng agahan.. Nag saing ako ng kanin at nagluto rin ng hotdogs.. *-*

"Jasmine!" Tawag ni kuya.

"Ano?" -ako

"Paki-sabay ng pagluto yung ulam ko" sabay wink ni kuya at nagpatuloy sa pag computer. Ang sarap ng buhay etong si kuya ohh, parang maid ako kung makapag utos -_-

"Oo na po" sabi ko sabay luto nung hotdogs. Grrrrrr...

"Good" sabi niya. Aba-aba hindi po ako aso para ganyanin ako hmmp. Ganyan na talaga yung kuya ko, gusto niya laging alert, gusto niya kasing magsundalo. Mag susundalo pero hindi naman alert sa bahay.

"Tapos na!" -ako

Biglang lumapit si kuya at kinuha yung plato kung may kanin at ulam.

"Salamat" at kinuha niya yuna at umalis pabalik dun sa opisina niya...

"Arrrrggggghhhhh!!!" -ako

********************************************* Sa school**************************

"Jasmine!" -Cindy
"Jasmine!" -Alliana
"Jasmine!" -Jean

"Grabe naman, hindi naman ako artista para ganyanin niyo ako" sabay lagay ko dun sa bag ko.

"OMG!" sabi ni Cindy at napahawak siya sa kanyang bibig.

"Bakit?" Tanong ko. Bakit ano bang meron.

"Oh my Goshhh ang gwapo mo Jasmine!" Sabay yakap niya kay Jean.

"Oo nga, napansin mo rin yun" sabi ni Jean at nag-apir pa tong dalawang ito -_-

"Ang gwapo mo talaga Jasmine!" Sabay nilang dalawa.

"Ano ba kayo? tignan niyo ohh babae ako B-A-B-A-E!" Sabay turo ko sa sarili ko. May sira ba yung mga mata nila.

"Para ka kasing lalaki kanina, yung pagkalagay mo sa bag!" Kinikilig pa tong si Cindy.

"Heh" ako. Anong nakain niyo guys.

"Wahhhhh" sigaw ni Alliana. Grabe nandito yung mga classmates namin, naii-ingayan na.

"Ano?!" Tanong ko.

"Ang gwapo ng lalaki dun kanina" sabi ni Alliana na para bang mamatay dun sa lalaki na yun.

"Sino?" Tanong ni Jean.

"Sige sasabihin ko, punta muna tayo sa canteen" -Alliana.

"Ang aga naman yata para mag snack" sabi ko.

"Grabe, porket pupunta lang sa canteen snack agad, pwede bang mag paload lang dun" sabi ni Alliana sabay hatak sa amin palabas ng room. Nagtawanan lang sila Jean at Cindy..

Nang palabas kami.. Maraming sinasabi si Allianah na kung ano-ano. Kaya nag pa huli lang ako sa paglakad.. Daming studyante -_- Traffic!

"Guys teka lang------" yan nakabunggo ako ng tao.

"Ay sorry" sabi ko.

"Tssk" at umalis yung lalaking nabangga ko.

At naglakad pa kami ng mabagal.

"Guys! Punta muna ako sa taas, masakit yung paa ko ehh" -ako. Aray crums ba to.

"Ahh sama na ako" sabi ni Jean at lumapit sa akin.

"O sige2x" sabi ni Alliana at Cindy.

"Okay ka lang ba?" - Jean.

"Okay lang" - ako

At lumakad kami pabalik dun sa room.

"Jasmine!" Tawag nung old classmate ko na si Carla.. Classmate kami sa grade 5 at school mate lang kami nung grade six pero ngayon dito sa Crystal University ay schoolmates lang kami. Mayaman kasi sila kaya sa regular class siya at ako sa mga scholar students.

"Sige maiwan mo na kita" sabi ni Jean at pumasok sa room.

"Uy Carla!" Sabi ko.

"Sabay tayo umuwi mamaya ha?" Sabay ngiti niya.

"Sige" at ngumiti rin ako.

"Sige, pumasok ka na sa room niyo baka magsisimula na kayo" - Carla. Tumango lang ako at pumunta dun pabalik sa room ko.

Nga pala si Carla ay sa section Grade 7 -G. Silang at yung sa akin naman ay sa Grade 7 - Bonifacio. Yung kay Carla ay regular section at sa akin naman ay scholar section. Hindi kasi kami mayaman, may kaya lang ^_^

Eto yung mga room ng Grade 7.

G. Silang / Bonifacio / Del Pilar/ Jacinto
/ Aguinaldo
Mabini / Rizal / Lopez Jaena / Fire Exit

So malapit lang yung room namin ni Carla.

"Jean! Saan na sila?" Tanong ko. Sabay upo.

"Wala pa sila" - Jean.

"Ahhh" -ako

"Okay class!" Sabi nung babae dun sa pinto. Akala ko Teacher ang dumating, yun pala si Alliana lang pala -_-

"Hahahhahaha" tawa ni Alliana. Natuwa pa talaga tong babaeng ito.

"Okay class!" Isang boses ng babae dun sa pinto. Tumahimik kaming lahat except kang Aliana.. Tumatawa pa rin siya.. Lagot.

"Uy anong nangyari sa inyo?" Tanong niya sabay tawa. Tinuro ni Jean yung babae dun sa pinto at sinundan naman ng tingin ni Alliana.

"Patay" mahina kong sabi.

Pagtingin ni Alliana ay saka pa siya nata-uhan XD

"Ay, sorry ma'am" sabay kamot niya so ulo at bumalik dun sa upuan niya.
At dahil dun ay nagtawanan ang lahat..
Yan tuloy napahiya si Alliana -_-

" Fajardo, Reyes, Santiago, Polistico and Porneso. Go to guidance office immediately" mahinahon na pagkasabi ni ma'am. Bakit kami pinatawag, naku naman oh.

"Y-yes ma'am" sabay naming pagkasabi ni Cindy. Asan ba yung iba? Kami lang dalawa ang pupunta dun, baka absent yung iba.

Ano kaya ang mangyayari dun... Wag naman sana...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon