Chapter Seven

583 28 17
                                    

Umagang-umaga pa lang ay kalat na sa school ang karumal-dumal na pagkamatay ni James. Marami ang nalungkot sa nangyari lalo na si Shirley, hindi siya makapaniwalang yun na ang huli nilang pagkikita ng lalaki. Hindi niya tuloy maiwasang di makonsensya Pakiramdam niya kasi ay may kinalaman ang Stalker niyang killer sa pangyayaring ito.

Agad namang napatayo sa kanyang kinauupuan si Shirley ng tumunog ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang palda. Buti na lamang at walang teacher ngayon ang magtuturo sa araw na ito.

Dali-daling lumabas ng classroom si Shirley upang sagutin ang naturang tawag. Kasalukuyan niya ngayong kausap si Jackie Forester patungkol sa nangyaring pagkamatay ng kaklase nitong si James.

"Tulad nga ng inaasahan namin siya nanaman ang may kagagawan ng bagay na ito." Malungkot na balita ni Jackie kay Shirley.

"Walang awa talaga ang hayop na iyon!" Nanggigigil na sabi ni Shirley kay Jackie.

"Meron ka bang alam na dahilan para patayin ng stalker mo ang kaklase mong ito?" Seryosong tanong ni Jackie kay Shirley.

Sandaling napaisip ang dalaga, hanggang sa maalala niya ang pagiging clingy sa kanya ni James noong mga nakaraang araw. Hindi man sigurado si Shirley kung yun nga ba ang dahilan upang patayin ng killer na iyon ang kanyang kaibigan ay ibinigay nya pa rin ang impormasyong ito kay Jackie.

"Hangga't maaari huwag ka munang maglalalapit sa mga lalaki. Sa tingin ko'y selos ang dahilan upang patayin ng Stalker mo na iyon si James." Seryosong sabi ni Jackie kay Shirley. Wala naman ng nagawa si Shirley kundi ang sumang-ayon sa sinabeng iyon ni Jackie. Ayaw na niyang may madamay pang iba sa trahedyang nangyayari ngayon sa kanya.

Pagkatapos nilang magusap ay ibinaba na ni Shirley ang kanyang telepono. Mamaya'y gusto niyang makausap ang mga kaibigan niyang lalaki at sabihing dumistansya muna ang mga ito sa kanya hanggang hindi pa nahuhuli ang naturang serial killer.

Pagkatapos ng klase ay nagpulong-pulong muna sa cafeteria ang magkakaibigan.

"Pasensya na at pinatawag ko kayong lahat rito. Gusto ko lang sabihin sa inyo guys na hangga't maaari ay dumistansya muna kayo sakin. Lalo na at hindi pa rin ngayon nahuhuli ang serial killer kong stalker." Malungkot na sabi ni Shirley sa kanyang mga kaibigang lalaki na sa ngayo'y wala pa ring kibo. Nabasag naman ang katahimikang namutawi sa magbabarkada ng magsalita si John.

"Huwag kayong mag-alala guys ako ng bahala sa bruha nating kaibigan tutal ee isa naman akong babae." Nakangiting sabi ni John sabay ng pagpilantik ng kanyang pilikmata.

"Feeling babae kamo! Malandi ka talaga kahit kaylan John! Hahaha!" Pahabol namang sabi ni Marcus kay John dahilan upang magsitawanan ang lahat sa kinauupuan na yun, maliban na lamang kay Earl na seryosong nakatingin kay Shirley.

Ng matapos silang magusap magkakaibigan ay nagpaalam na sila sa isa't-isa dahil iba iba ang tinatahak nila pag sila'y umuuwe sa kani-kanilang tahanan.

Habang naglalakad sa hallway si Shirley papunta sa parking lot ay tinawagan niya si Skyzell upang tanungin rito kung nasaan na ba ito. Kanina nya pa kasi hindi nakikita ang naturang lalaki simula ng magstart ang klase. Makalipas ang ilang ring ay agad din naman itong sinagot ni Skyzell.

"Hello skyzell? Nasan ka?"
"Nasa classroom. Bakit?"
"Anong ginagawa mo riyan? Wala na ang mga kaklase natin dyan ah. Pumunta ka na rito sa hallway papuntang parking lot. Hihintayin kita rito, bilisan mo at paniguradong inip na inip na yun si kuya kakahintay satin."
"Sige papunta na ako riyan." Pagkatapos sabihin iyon ni Skyzell ay ibinaba na ni Shirley ang kanyang cellphone. Nagulat naman siya ng bigla na lamang may humawak sa kanyang balikat. Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga ng makita niya kung sino ang taong iyon.

"Earl, huwag mo naman akong gulatin ng ganun. May kailangan ka ba?" Tanong ni Shirley kay Earl na hanggang ngayon ay seryoso pa din ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Why are you doing this? Pinapalayo mo kami sayo? Mas lalo mo lang nilalapit ang sarili mo sa kapahamakan"

"Im doing this because I want to protect all of you. Ayokong magaya kayo kay James. Ayokong patayin kayo ng killer na iyon. Please understand me Earl, yun din ang isinuggest ni Jackie Forester sa akin para hindi kayo mapahamak." Seryoso lamang nagkatinginan ang dalawa hanggang sa magsimula ng magsalita si Earl.

"Pwes, kung gusto mo silang palayuin sayo huwag mo akong idamay. I want to protect you, kahit na ang sariling buhay ko pa ang kapalit." Natulalang napatingin si Shirley kay Earl pulang-pula ang mukha ng dalaga dahil sa sinabe ni Earl sa kanya. Naging tahimik ang buong paligid hanggang sa si Skyzell na ang bumasag sa katahimikang iyon.

"Haha! Kahit sariling buhay mo pa ang kapalit? Nagpapatawa ka ba Earl?" Natatawang sabi ni Skyzell.

"Labas ka sa usapang ito Skyzell kaya kung pwede ba huwag kang mangialam." Matapang namang sabi ni Earl kay Skyzell. Matalim na nagtitigan ang dalawa hanggang sa pumagitna na si Shirley.

"Tumigil na kayong dalawa pwede ba? Tama si Earl, Skyzell labas ka na sa usapang ito. Ang mabuti pa mauna ka na muna doon sa kotse at maguusap muna kami ni Earl."

"And why would I?! Aalis na tayo sa ayaw at sa gusto mo wala na kayong pag-uusapang dalawa ng lalaking iyan. Im your brother so you need to follow everything i've said!" Pasigaw na sabi ni Skyzell kay Shirley.

"Yes! Your my step brother and I am your responsibility but please Skyzell know your limits! Mauna na kayo ni kuyang umuwe may paguusapan pa kaming dalawa ni Earl. Sabihin mo sa kanyang huwag siyang mag-alala dahil ihahatid akong pauwe ni Earl." Pagkatapos sabihin ni Shirley iyon kay Skyzell ay hinila ni Shirley si Earl paalis sa nagngingit-ngit na si Skyzell.

Masama namang nakatingin si Skyzell kay Earl at sa kamay nitong nakahawak sa kamay ni Shirley.

"May araw ka rin sakin Earl."

(A/N: After A thousand years! Nakapag-update na din sa wakas. Haha pasensya na po sa sobrang delayed ng update.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsessed MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon