Chapter 2

51 2 0
                                    

TITLE: My MortaL enemy is my FOREVER.
GENRE: ROMCOM, SLIGHT SPG!
AUTHOR: TARIRAY_NJ15

🔞MATURED CONTENT☡Not SUITABLE FOR Young Readers🛇

~LEGEND ONLY KNOWS, HOW INNOCENT I AM🙈

🔲CHAPTER TWO🔲

~ATHENA POV~

"Hey, Athena!" Bungad na bati sakin ni Pinky at Cloe na malayo palang makikita mo na ang mga ngiti nilang nakakaloko.

"Hey Girls!" Mataray na balik bati ko naman sa dalawang alipores ko.

"Look, Mukha kang blooming ngayong umaga ahh, Anong latest update sainyong dalawa ni Fafa Rufert?" Nakangising tanong ni Cloe nang tuluyan na  silang nakalapit sa kinatatayuan ko.

Nasa hallway kami ng university namin at ang mga kupal kong kaibigan nakasalubong ko lang doon. Papunta sila sa cafeteria samantalang ako naman ay papunta palang sa classroom namin. Napaaga yata ang pagsok ng dalawa kaya siguro mag kakape sila sa cafeteria.

"Ayun, ang bayot na yun dinala ako sa bahay nila para ipakilala sa parents niya." Matamblay at wala sa  sariling kwento ko sakanila.

"My Gasssh, talaga ba?" Nanlalaking matang  tanong ni Pinky na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Oo, mukha ba akong nag sisisinungaling?" Nakataas kilay ko pang sagot.

Natawa naman si Cloe ng palihim at pinitik ang noo ni Pinky.

"Gaga! Anong palagay mo kay Athena hindi kayang makiharap sa magulang ng future husband niya?"  Pang aasar namang saad ni Cloe.

Napairap nalang ako sa dalawa kong kaibigan na alam ko namang nang aasar lang sila.

"Well, wala naman kayong dapat malaman diba?" Pagtataray ko naman.

"Oo nga naman, ano nga  ba ang dapat naming malaman?" Dagdag pang saad ni Pinky.

Naiiling naman akong umirap at mabilis nalang akong tumalikod at iniwan ko nalang sila. Baka masira pa nila ang araw ko. Absent na nga ako kahapon dahil sa bayot na  Rufert un tapos masisira pa ng mga  walang kwentang tao ang umaga ko.

"Hi ms. Athena." Bati sakin ng isang estudyanteng hindi ko naman kilala at ngayun ko lang siya napansin.

Ngumiti lang ako at patuloy na lumakad pero hinarang ako ng estudyante at may ibinigay na sobreng maliit.

"What's that?" Nakataas kilay kong tanong habang nakatitig lang sa maliit na sobreng pilit niyang inaabot sakin.

"Invitation po." Magalang na saad niya.

Kulay pink at may floral ang sobre. Pero wala talaga akong interest na kunin yon. Because in  the first place anong gagawin ko don? 2nd bat naman ako tatanggap ng invitation sa hindi ko kilalang nilalang.

"Excuse me, but i dont like to go with your party iba nalang ang imbitahin mo." Direkta  kong saad sa estudyante.

Hindi naman natinag ang estudyante. Maliit lang ang babaeng nasa harap ko, mahaba ang buhok na mejo kulot at maputi naman siya un nga lang mukhang mahiyain talaga ang dalaga.

Napabuntong hininga naman ako at dahan-dahang kinuha ang sobreng kanina pa inaabot ng estudyanteng nakayuko habang nahihiyang hindi makatitig saking mga mata.

"Kelan ba ang party mo?" Tanong ko nalang kahit hindi naman talaga ako interesado.

"Sa darating na linggo po, idol ka po kase ng kapatid kong bunso kaya naman gusto kong pumunta ka party ko para makita ka niya sa personal." Sana po makapunta ka." Mahinahon at malumanay na paliwanag ng estudyante.

My Mortal Enemy is my ForeverWhere stories live. Discover now