Chapter 3

48 2 0
                                    

TITLE: My MortaL enemy is my FOREVER.
GENRE: ROMCOM, SLIGHT SPG!
AUTHOR: TARIRAY_NJ15

🔞MATURED CONTENT☡Not SUITABLE FOR Young Readers🛇

~LEGEND ONLY KNOWS, HOW INNOCENT I AM🙈

🔲CHAPTER THREE🔲

~RUFERT POV~

"Hey Buddy!" Bungad na bati sakin ni Clark.

"Nakita niyo ba si Athena?" Balik na tanong ko naman sakanilang dalawa ni Seth habang nakipag piece bomb ako sakanilang dalawa.

Ganito kami pag nagkikita, madalas piece bomb or batukan ng ulo ang pang bungad na bati namin sa  isat-isa.

"Athena?" Buddy naman, nag bago ka na ba  talaga ngayun at siya na talaga ang hinahanap mo na dati rati ay hate na hate mo?" Natatawa at naiiling na  saad ni Seth sakin.

Alam kong inaasar nila akong dalawa pero wala akong pake sa sinasabi nila and besides nakapangako ako sa dalaga  na hihintayin ko siya ngayung dismissal. Nasan na kaya yon?

Lumingon lingon ako sa paligid ng aming university at pinag masadan ang isang  bench kung saan lagi kong nakikitang nakatambay si Athena at ang kanyang mga kaibigan na sina Cloe at Pinky pero bigo ako, wala kase sila roon.

"Buddy, bat hindi mo puntahan sa room nila baka may ginagawa pa sila or may ipinapagawa ang prof nila, alalahanin mong top student ang Fiancè mo right?" Sabi naman ni Clark. Nahalata niya sigurong seryoso ako at hindi ako nakikipag biruan sakanila.

"Oo nga naman buddy, tara samahan ka na naming pumunta don." Pag aaya naman ni Seth sakin pati na rin kay Clark.

"Let's go!" Pag sang ayon ko naman.

Hindi naman nag dalawang isip ang dalawa kong kaibigan at diretso ang lakad nila  papunta sa room nila Athena.

Marami kaming nakasalubong na estudyante na halatang nag papansin samin. Pero sanay na kami at ngiti lang ang aming binibigay sa kanila.

"Rufert, bakit nga ba hinahanap mo si Athena?" Pag tatakang tanong ni Clark sakin.

"Ahmm, i promise to her na hihintayin ko siya ngayong dismissal." Malumanay na sagot ko.

"Ikaw ang mag hahatid sakanya? Diba may driver siya?" Tanong naman ni Seth.

"Parang ganon na nga," but hindi ko siya ihahatid sa bahay nila kasi sabi nila Mommy at Tito Dan na imbitahin ko daw si Athena mag dinner sa bahay namin." Pag papaliwanag ko naman.

"Dinner Date? Dinner with your family? How nice!" Sabat naman ni Clark.

Tumawa lang kami ni Seth sa sinabing iyon ni Clark.

"Buddy, pano na si Tañia? Diba mahal na mahal mo siya?" Seryosong tanong ni Seth sakin.

Napatango naman si Clark saka tinapik pa ang aking balikat.

"Tañia is my forever, makakapag hintay siya kung talagang mahal niya ako." And i swear kapag naka pag settle na kami ni Athena at na approved na ang aming kanya-kanyang mana pwede naman kaming mag divorce diba?" Saad ko sa dalawang ugok na talaga namang nagulat sa  sinabi ko.

"Literal?, Pipiliin mo si Tanìa Over Athena?" Gulat na tanong ni Seth.

"Why not?" Mas mahal ko si Tañia kesa kay Athena, because in the first place nasanay na ako kay  Tañia at ayuko talaga kay Athena." Seryoso kong sagot. Nakita ko naman ang pag kagulat sa mukha nila Clark at Seth pero kalaunan ay tumango tango lang sila at ngumiti ng pilit.

"Buddy wag kang mag salita ng tapos." Maka hulugang sabi naman ni Clark. Minsan wierd ang isang to.

Napatango lang ako saka ngumiti rin ng pilit.

My Mortal Enemy is my ForeverWhere stories live. Discover now