CHAPTER 17

38 2 0
                                    

TITLE: My MortaL enemy is my FOREVER.
GENRE: ROMCOM, SLIGHT SPG!
AUTHOR: TARIRAY_NJ15

🔞MATURED CONTENT☡Not SUITABLE FOR Young Readers🛇

~LEGEND ONLY KNOWS, HOW INNOCENT I AM🙈

🔲CHAPTER SEVENTEEN🔲

~ATHENA POV~

"WHAT?" Gulat na sambit ni Cloe nang malaman niyang kina Ruffert pa rin ako tumuloy pag katapos ng lahat ng nangyari.

"Ang OA mo naman Cloe," Natatawa namang sabat ni Pinky.

Nasa cafeteria kami ngayun para kumain ng lunch.

"Wala namang masama don diba?" Nakataas kilay kong tanong sa kanilang dalawa.

Nag katinginan muna sila. Nag buntong hininga naman si Pinky at hinawakan pa niya ang kanang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Athena, are you okay?" Nag aalalang tanong ni Pinky sakin.

Napakunot naman ang noo ko pero ngumiti rin ako kalaunan.

"Girls, hindi naman ganun kasama si Ruffert." Actually nakikita ko namang bumabawi siya sa lahat nang nagawa niya sakin." Saad ko.

Napangiti si Cloe. Maamo pa itong tumingin sakin.

"Mahal mo na siya?" Tanong nito na may halong paninigurado.

Napamulagat naman ang mga mata ko.

"Mahal? Pano magiging mahal ni Athena si Ruf-, what?" Mahal mo na si Ruffert?" Malakas na saad ni Pinky kaya naman tinakpan agad ni Cloe ang bibig nito.

"Ano ka ba Pinky!" Ang lower your voice, Respect Athena's feelings." Sabi pa ni Cloe na ikinatango ng sunod sunod ni Pinky.

"Yeah, im so sorry!" Nabigla lang kase ako sa narinig ko, but totoo ba ang sinasabi ni Cloe hah? Athena?" Parang baliw na tanong ni Pinky.

Naiiling lang ako at natatawa.

Hindi ko rin naman masagot ang tanong ng kaibigan kong si Pinky, im not sure kung mahal ko na si Ruffert, but isa lang ang nasa isip ko. Bibigyan ko pa ng isang chance si Ruffert para ipakita niya sakin ang tunay na siya at ang tunay na nararamdaman niya para sakin.

~FLASBACK~

"Im so sorry Athena." Malumanay na saad ni Ruffert pag kapasok na pag kapasok palang namin sa kotse. Di ko rin naman inexpect na susunduin niya ako dito sa hospital. Ang sabi kase ng mga kaibigan ko busy ang kupal na to.

"Its okay na yun." Walang emosyong saad ko.

Napatingin naman ako sa bintana ng kotse para makaiwas sa mga malalagkit na tingin ng binata sakin.

Naningkit naman ang mga mata ko nang makilala at makita ko ang dalawang familiar na mukha sakin.

"Trevor?" Pabulong na saad ko sa aking sarili nang makilala ko ang dalawang malambing na naglalakad papunta sa loob ng parking lot. Mukhang nasa dulo pa ang sasakyan nito kaya nadaan niya ang sasakyan ni Ruffert na kinaroroonan namin.

Laking gulat ko din ng makita ko sa malapitan ang babaeng kasama ni Trevor. Its Tañia.

Hindi kami napansin ng dalawa kaya naman mabilis akong tumingin sa kinauupuan ni Ruffert. Nasa Driver seat siya kaya naman kita rin niya kung pano mag lampungan ang dalawa.

"Sila ba?" Mariing tanong sakin ng Binata na talaga namang ikinagulat ko.

"Ako ba ang tinatanong mo?" Nakataas kilay kong balik tanong sa  kanya.

"Meron pa bang ibang taong pwedeng tanungin dito?" Saad nito. Matalim  din ang mga titig niya sakin.

Kaya naman napabuntong hininga ako at umiwas nalang sa kanyang mga mata.

My Mortal Enemy is my ForeverWhere stories live. Discover now