➡➡➡➡Flashback!!
Nandito ako ngayon sa gazebo ng subdivision namin. Medyo may kalayuan to sa ibang kabahayan pero malapit sa amin. Parang magical kapag may pumupunta dito, mayroon pa kasing madadaan na garden. Arc shape yung entrance na puno ng iba't ibang kulay na mga bulaklak kaya mafifeel mo na para kang isang importanteng tao o d kaya't may dugong bughaw. Sa gilid ng gazebo ay may isang well, hindi man ito kalaliman ngunit hindi na ito nagagamit pa at napababayaan na ito. Minsan nga kapag pumupunta ako dito parang may nakikita ako sa peripheral vision ko na may lumalabas na puting babae katulad ni sadako.
Teka nga lang!? Bakit antagal naman nung hinihintay ko. Tsk2 mga tao talaga oh! Time is gold kaya! Maiwanan na nga! Lalabas na sana ako sa gazebo ng bigla mayroong tao na nagpakita sa akin
Ashly! Whoo buti naman na abutan kita hingal na hingal niyang sinabi.
Bakit mo pala ako pinapunta dito? May problema ba? tanong niya sa akinOo Zed may problema, alam ko na ang tungkol sa inyo ni Karen sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.
Huh!? Anong tungkol sa amin ni Karen!? Hindi ko nga kilala yun!
Ha.ha.ha grabe naman maka deny ng girlfriend wagas ha!? Irecord ko kaya ang usapang ito sabay kuha ko naman ng cellphone ko at nagrecord.
Zed, ok lang kung gawin mo akong laruan? Past time? Ok lang talaga kung wala akong feelings sa iyo..
.
Pero meron!! Meron Zed!! Yun nga lang ang relasyon natin walang label! Kaya ganito ang nangyari! I know between you and Karen,remember the time that you let me borrow your phone,sorry ha may nakita kasi ako kaya binuksan ko na hihi.
Its been weeks, since that happened kinikimkim ko lang ang sakit sa puso ko.Ash! Ikaw ang mahal ko! Mas mahal kita kesa kanya! Alam mo yun diba?
Eh mahal mo din pala siya buti umamin na:) ok lang Zed alam ko naman eh! So pumili ka? Ako o siya?
Syempre ikaw! Ikaw ang mas maganda eh!
Hahaha at siya ang mas maharot? Ganun ba Zed? Buntis si Karen at ikaw ang ama ng dinadala niya!Paano ko nalaman? Malamang tinanong ko siya. Pinalit mo ako sa isang katulad niya dahil mas masaya siyang kasama? Mas masarap sa kama ganun ba Zed? Sinabi ko ito na hindi umiiyak at ang mga mata ko ay nakatingin pa rin sa kanya.
Hindi yan totoo Ash! Walang nangyari sa amin! Oo inaamin ko nagkarelasyon kami nung nagkakalabuan tayo. Alam ko naman walang commitments sa ating dalawa kaya ayun sinunggaban ko na.
Mutual understanding ang state ng relationship natin Zed kaya syempre walang commitments. Alam mo naman yun diba nung pinasok mo itong kaguluhan??
Oo sabi niya na may hikbi
Zed sorry pero hindi ko na kaya, mas kailangan ka niya ngayon.
No Ash! Ikaw ang kailangan ko! Hindi ako mabubuhay kung wala ka!?
Edi mamatay kana!? De joke lang hahaha sige na puntahan mo na ang mag ina.
Ash! Please naman wag mong gawin to sakin. Walang wala na talaga ako kapag wala ka.
Meron pa po! Si Karen.
Is this what you said na you won't give up on us??biglang tanong na sa niya sakin
Im not giving up Zed! Im just giving way, im just choosing the happiness of others than mine. Ayaw ko kasing may mawalan naman ng tatay ang isang munting anghel. Isa pa, mas seryoso ang relasyon niyo ni Karen kesa sa atin.
No!! Pleass dont! Magbabago na ako!
You dont need to, ganyan ka na eh tanggap ko na. O sige paalam na! Good luck sa magiging baby niyo!
Sabay takbo ko naman palabas ng gazebo, umiiyak?? Hahaha hindi noh! Tumatawa pa nga eh! Bakit??
Dahil kasinungalingan lang ang lahat na iyon. Hindi naman talagang buntis si Karen, gawa gawa ko lang iyon para naman mayroon akong dahilan para iwanan na siya. Totoong mag bf-gf sila ni Karen, kaya naman nung laman ko ito ay alam ko na ang aking gagawin.
...Let him go.. Kahit masakit ok lang! Basta't may masaya.
BINABASA MO ANG
The Well-Wisher
Teen Fiction...the first star i see tonight,wish i may wish i might have this wish i wish tonight.....