Chapter 4

15 1 0
                                    


Celine's POV

"I'm Sofia kanina ka pa dito?"

Magiliw na pagpapakilala ng isang babae sa harapan ko 

I was stunned by her presence 

She has a short hair... 

Pointed nose, her high cheekbones defined even more when she smiled...

at mas nabuhayan pa ang mata niya dahil sa mahahabang pilikmata nito

she's wearing make up na nagpalutang lalo ng ganda niya 

and my eyes widened when she licked her red lower lip na nagpakintab sa pulang lipstick nito 

"Tibo ka ba?"

ilang beses akong napakurap at iniling agad ang sarili 

Taas baba ang kanyang kilay habang nakangisi sa akin 

"Stop it"

pagpapatigil ko sa kanya dahil sa pagkailang ko sa tanong niya 

Actually nagulat lang talaga ako sa kikitain ngayon, hindi ko inaasahan ang poise ni Sofia ang aangat sa harapan ko 

Sabagay hindi ba nakalandian siya ni Dan?

Hindi na ako magtataka 

"Okay, okay hahahaha"

sabi niya patuloy pa rin tumatawa 

"Ikaw yung nakaaway ni Trixie diba?"

My brows shot up because of what she said 

Dahil sa pangyayaring iyon hindi ko na alam kung makakabalik pa bako sa eskuwelahan nila

Paniguradong makikilala ako ng ibang estudyante dun dahil sa nagawang eksena ni Trixie 

"Potek na Dan yun pumapatol pala sa ganoong babae, basura ugali nun" 

Nagulat ako sa kung paano magsalita si Sofia

Hindi naman mapagkakaila she looks very reckless with a strong personality that you can't handle at any time... 

"Lagi na kitang nakikita sa eskuwelahan namin kasama mo si Dan"

She said 

"He's my friend and he gave me an id para makapasok sa campus niyo"

Pagpapaliwanag ko at baka maging palaisipan pa sa kanya kung bakit lagi niya kong nakikitang kasama ang kaibigan 

"Buti hindi ka pinatulan ng kaibigan mo?"

She asked 

Nakapangalumbaba siya sa harapan ko at hinihintay ang sagot ko 

Ang totoo lang sinubukan ako ni Dan ligawan noon, tinanggihan ko naman agad dahil nakilala ko agad siya base sa kung paano niya ako itrato

Wala rin sa isip ko pumasok ng relasyon at hindi ko alam kung bakit hindi ko nararanasan ang mga ganyang bagay 

Siguro dahil hindi ako naniniwala?

Hindi ko rin naman maramdaman iyon sa mga magulang ko 

So saan ako kukuha ng pagkakapitan para maniwala?

"Gets ko na"

Sabay pitik niya sa ere na akala mo nakaalam ng sagot sa logic

"Busted no?"

I shifted to my seat and just nod my head lazily 

Hindi ito ang ipinunta ko dito pero dahil kailangan ko siya hinayaan ko nalang kung ano ang gusto niyang tanungin 

Veritas in LibertasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon