Celine's POV
As I fixed my things, I went out to our classroom right away. Maganda ang mood ko ngayon dahil lahat ng quizes ko ay perfect. Simula nang turuan ako ni Eyson, hindi na ako pumapalpak sa mga school activities ko. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang makabisado ko lahat ang dapat sagutan sa mga quizes. Lahat ng individual tasks perfect ko na rin nakukuha. Sa recitation ko naman lagi na ako nakakasagot I'm always careful to do a good job of explaining it, and I always do it with confidence.
"Celine! You!"
Mula sa malayo, ay rinig ang tawag ng isa kong classmate. Kita ang galit sa mukha nito habang kasama rin ang isa ko pang kaklase na mukhang dismayado.
"What did you do?!"
Bulyaw niya agad sa akin nang makalapit ako.
"What did I do?"
Pagbalik na tanong ko dahil ang pagkakaalam ko ay wala naman akong ginagawang mali sa kanila. Anong problema netong mga to.
"Wala yung pangalan namin dalawa sa concept paper!"
Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Now I knew it. I literally can not believe this freaking girl. Did she really think that I'd allow them to achieve high grades? Hindi kami nagpapakahirap para lang buhatin sila.
When I had removed some of our members' names, I was a little hesitant to pass on our activities last week. Like I said before, hindi ko talaga matanggal ang pangalan nila dahil alam ko kung paano nakakaapekto sa grades ang kulang na activity. After all, we had worked so hard to do it. Specifically, Eyson was the one who had a big part in it.
"It wasn't my fault tho, you guys had plagiarized"
Kita ko ang paglaglag ng panga niya, dahil ang isa naman ay hindi pa rin magawang makapagsalita. Sinimulan kong humakbang upang sana layuan na sila. Nang hindi pa natapos ang isa.
"You're so unfair! Mabuti pa si Zia may consideration! Ikaw wala!"
I gave them a bitch face after comparing me to the person I don't care about.
"Stop blaming me for your irresponsibility―"
"Please Celine, hindi ako puwede malaglag sa scholarship"
The other girl cut me off.
I'm aware that she was an athletic scholar, but we're both students here. I will not allow her to take advantage of us. Why? Because if I give her a chance, she'll become used to being considered by others and that's unfair.
"I'm sorry. You knew this was going to happen. I can't help you with your own fault, so better beg our subject teacher instead."
At tiyaka ko sila tinalikuran. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko makaramdam ng awa. Hindi tama ito pero wala akong magagawa. Tapos na ako maging mabait sa kanila, ang kailangan ko lang isipin ay ang pagbalik ng rank ko. Ngayon na alam kong, nakakabawi na ako sa grades ko.
"Hey!"
Bungad sa akin ni Mavi habang naglalakad ako sa hallway. Ngayon ko nalang ulit ito nakita. Sana naman tapos na siya sa panliligaw sa akin dahil napapagod na akong tanggihan siya o sila dahil hanggang ngayon hindi pa rin natatapos ang paglapit ng ibang lalake sa akin.
"Nabalitaan ko sa ibang teachers ang tataas na raw ulit ng mga grades mo"
I smiled a bit at him at hinayaan na sundan niya lang ako habang naglalakad.
"Magiging valedictorian ka na niyan, ang galing mo talaga!"
Napatingin ako sa piligid dahil sa lakas ng boses niya. Pansin ko tuloy na andaming nakatingin sa aming dalawa. Paniguradong may issue nanamang mabubuo.
BINABASA MO ANG
Veritas in Libertas
RomanceCeline Atria Callisto is from a powerful family; despite the luxury she has, she is aware that she does not belong to the world she grew up; in fact, she hates it. So to get away from this kind of stuff, she chose to disobey her parents, until she m...