Celine's POV
"Hindi ka na sumasama sa amin Celine ha, nakakatampo ka na"
Ashton said as I goodbye to them.
"Ano ba pinagkakaabalahan mo? Noong nakaraan inimbitahan ko kayo sa apartment ikaw lang ang wala"
Masungit na sabi ni Becca habang sumisimsim sa milk shake niya.
Only Dan smirking at me as if he knows I am doing something suspiciously.
"Nagdadalaga na eh..."
I immediately glared at him because of what he said.
Sa ilang araw kong pangungulit kay Eyson hindi na ako nakakasama sa kanila sa mga ilang pang- aaya nila. Kaya laking pagtataka nila sa mga ilang pagtanggi ko lalo na alam nilang hindi ko gusto ang manatili sa mansyon kasama ang pamilya ko.
"What Dan?"
Tangging si Becca lang ang nakarinig sa sinabi ni Dan dahil ang dalawa ay parang may pinag- uusapang upcoming event na kanilang dadaluhan.
"Nothing, I just noticed Celine parang may pinagkakainteresang ibang bagay, maliban sa pag- aaya mag club para mag walwal"
Sagot ni Dan sa kaibigan habang patuloy ang pagtingin sakin ng malisyoso na paniguradong iniisip niya ang mga nagdaang araw na paglapit ko sa schoolmate niya.
"Celine siguraduhin mo lang hindi ka mapapahamak sa ginagawa mo ha, kilala mo ang mga magulang mo"
Ani ni Becca na hindi na nagpumilit tanungin kung ano ang dahilan ng pagtanggi ko sa kanilang mga pag- aaya.
"I have to go na guys, take care"
Dali- dali akong tumayo para makalabas na ng cafe na tinambayan namin.
At sa pag- open ko ng glass door nagulat ako sa pagsalubong sakin ni Sofia.
"Celine?"
Kita rin ang gulat sa kanya nang makita ako ngayon sa harapan niya na tila ba hindi niya inaasahan na nandito ako.
Nang magkaroon ako ng kaunting ideya sa namamagitan sa kanila ni Dan noon, hindi ako nagtangkang tanungin si Dan sa kung ano ang mayroon sa kanila dati. Nirerespeto ko ito at alam ko rin kung paano naapektuhan ang kaibigan sa naging problema nila ni Sofia bago maghiwalay.
"Na- nandiyan ba si Dan sa loob?"
Mautal- utal niyang pagkakasabi na parang hindi makaget- over na nagkita kami.
"Yes he's inside"
Tumango lang siya at tipid na ngumiti sa akin hugdyat na parang nagpapaalam na siyang papasok na.
Tumabi muna ako at tiyaka siya pinadaan, sinundan ko ito ng tingin at parang nanibago ako bigla sa inaasal niya ngayon, napansin ko rin ang hindi niya pagsuot ng kulurete sa mukha pero hindi ito naging hadlang para hindi mangibabaw ang kanyang kagandahan. She's just wearing jeans and plain white shirt right now, opposite to what she always wears, whenever we meet in the past few days. Hindi natanggal ang tingin ko hanggang sa makalapit na ito sa lamesa ng mga kaibigan ko. Nagulat din ako sa paghigit ni Dan sa bewang ni Sofia sabay baling ng nakangiti sa mga kaibigan namin.
Nang mapansin ko ang pagtagal kong nakatayo doon tiyaka na ako nagdesisyon lumabas at dumiretso ng parking kung saan naghihintay si Kuya Gabo.
"Mam halika na malapit na raw si Eyson"
Bungad sa akin ni Kuya Gabo at dali- dali kaming lumisan ng lugar na iyon.
Ngayon ang unang araw ng pag tu- tutor sa akin ni Eyson, nakakatawa kung iisipin. Parang noong mga nakaraang araw lang mataas pa ang kumpiyansa ko sa sarili kong hindi bawiin ang mga grado ko. Pero ilang ulit bumabalik ang boses ni mommy sa akin. And it really breaks me into pieces, the more I think about it, the more I doubt my own existence what the fuck was really my role as a part of the family.
BINABASA MO ANG
Veritas in Libertas
RomanceCeline Atria Callisto is from a powerful family; despite the luxury she has, she is aware that she does not belong to the world she grew up; in fact, she hates it. So to get away from this kind of stuff, she chose to disobey her parents, until she m...