Chapter - 2

0 0 0
                                    

Miya's POV

Kasalukuyan kaming tahimik ng gropu, nag iisip kase kami ng plano kung paano makakaganti kay Jake.

"Ahah!! Alam ko na kung pa'no tayo makakaganti sa manlolokong yun"  pasigaw na sabi ni Ivan na bumasag sa katahimikan namin.

" Pa'no? tanong ni Jam

"Miya akitin mo siya at paibigin, tapos pagnagawa mo yun iwan mo siya just like what he did to Jam" mahabang paliwanag ni Ivan na ikinabilog ng mata ko.

"Ano?! Ayaw ko!!" padabog na sabi ko sa kanila habang titigan nila ako para sumang ayun.

"Sige na Miya, para sa akin" pagsusumamo ni Jam sa akin.

"Ikaw lng ang makakagawa nito Miya kase manhid ka, HAHA" Patawang sabi naman ni Ivan.

"Oo na! Sige na! Papayag na ako!" pasigaw na tugod ko  na siyang ikinangiti naman nung dalawa.

"Ayun pumayag din" sabi ni Ivan.

"Siguraduhin mo lang na di ka maiinlove sa lalaking yun ha?" dagdag pa ni Ivan.

" Ako maiinlove? Kailan ba ako nainlove?" tanong ko sa kanila at inirapan ko sila.

Di talaga ako makapaniwala na gagawin ko toh para lang makapaghiganti. Pero dapat din siyang magbayad sa ginawa niya kay Jamila. Ayaw na ayaw ko kaseng may inaagrabyado lalong lalo na kapag kaibigan ko. Aba ibang usapan na atah yun.

Nag iisip ako ng paraan kung paano ko mapapaibig si Jake upang makagante na talaga ako para mawala na yung galit ko sa kanya.



"Hoy babae kailan ka magsisimulang maghigante!?" napabalikwas ako dahil sa pagkagulat sa tanong ni Ivan.

"Iwan ko, tsaka ba't bah kase ako pa yung kailangang gumawa ehh?!" Inis kong tugon kay Ivan at tumango lang siya.

" Kase nga you know naman diba ikaw ang pinakapretty at pinakawise sa ating tatlo kaya go kaya mo yan" maarteng tugon namam ng bakla este Ivan.

Naglalakad kaming tatlo mgayon sa school ground ng makita ko si Jake at ang ka grupo niya. Si Jake Cruz ang leader, he's cute, school heartthrob, handsome , sporty and smart. Si Jayden Dela Tore isa sa kaibigan ni Jake, Jayden is handsome, tahimik at minsan lng umiimik. Si Kurt Scott ay babaero, mukhang adik, pero pagnakilala niyo na mabait naman pala manyak nga lang. At ang panghuli sa kanila ay si Justine Gutierrez isa sa pinakamayaman at pinakamabait sa kanila.

Nung nakita ko sila nanliit talaga ang mata ko kay Jake. Pero nilunok ko yung pride ko at nilapitan sila upang maisagawa ko ang plano.

"Hi Jake pagpasensyahan mo na ako ha kung nung nakaraang araw ay nasipa kita, galit kase ako nun ehh kaya ikaw napagbuntungan ko, Hayaan mo babawi din ako para mapatawad mo'ko" panimula ko ng makalapit na ako sa kanila.

"Excuse us Miss may pupuntahan pa kam--" di na tapos ni Jayden ang turan niya ng magsalita si Jake.

"Alam mo bah kung gaano kasakit yung ginawa mo?" ang sabi ni Jake sabay taas nung isang kilay niya kaya napalunok ako.

"Kaya nga ako humihingi ng tawad ehh at babawi ako sa iyo" pagsagot ko pero dinaanan niya lang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected Love Where stories live. Discover now