Kabanata 8

147 9 1
                                    

YSSA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YSSA

Pagmulat ng aking mata ay si Ms. Min ang nadatnan ko sa aking tabi. She's looking at me tenderly. Marahan niya pang hinaplos ang aking buhok at saka ngumiti.

“Kumusta ka? Anong pakiramdam mo?” she asked. Kalmado lang ang mga tanong niyang iyon. Kahit na halata sa boses niya ang pag-aalala.

And I feel like, there's something in her that made me feel like we're blood related, always. She treated and cared for me like a real family. How I wish, that I could be her daughter and she would be my Mom. Tapos magiging Auntie ko si Ate Luz and Ate Vi. Nakaramdam ako ng init sa paligid ng aking mata.

I'm trapped with the idea of having a happy family. Seeking for the genuine love came from a Mom and I really wanna have siblings too. Gusto ko maranasan ang mga iyon. Kasi simula pagkabata mag-isa lang ako at hindi ko naramdaman ang pagmamahal mula kay Lady O. Kahit kay Dad ay lumalayo na rin ang loob ko.

It feels like there's something missing in me or some pieces of puzzle that I couldn't figure out. I really felt alone and incomplete. Kahit na maraming tao ang nasa paligid ko. Si Ms. Min, Ate Luz, Lou at ang mga kaibigan ko. Parang may kulang pa rin.

I smiled to Ms. Min. “I'm feeling better na po,” sagot ko. “Where's Dad po pala?”

“He's in his office.” Inalalayan naman ako ni Ms. Min para makabangon at makaupo nang maayos. “Anong gusto mong kainin?”

I shook my head. “Hindi pa po ako nagugutom.”

“Yssa...” She looked at me seriously. “Your doctor said that you need to gain weight and be healthy. Ang konti-konti mo kasi kumain tapos nasasabayan pa ng stress mo sa work.”

Kaya siguro ako palaging nahihilo. Puro work na rin kasi ang inaatupag ko. “Uhm, okay po.”

“Kaya mo na ba maglakad?” tanong niya. Tumango lang ako at bumaba ng kama ko. She handed my red furry slippers to me. Napatitig ako nang maalala kung kanino ito nanggaling. It was a gift from David.

“Nasaan po pala sila Ate Luz at Lou?” tanong ko naman.

“They were fixing the issue,” she said. My forehead creased. “May CCTV kasi roon sa parking lot ng DGC at nakita 'yung kumuha ng pictures niyo.”

“Really?”

She nodded. “Nalaman din namin na, malaking pera ang nakuha noong babae kapalit noong mga pictures niyo.”

Habang pababa ng hagdanan ay lumilipad ang isipan ko sa sinasabi ni Ms. Min. Gusto ko rin malaman kung sino iyon. At kung bakit niya ginagawa iyon?

“May update na po ba?” tanong ko nang makarating kami ng dining area.

“Hmm... As of now, we  didn't know the identity of the girl,” she said. “Kaya nga sumama na 'yung mga kaibigan mo para maayos ang lahat.”

“Po? Sumama sila?” takang tanong ko. Tumango lang siya sa akin.

La Esthrella Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon