Kabanata 10

147 9 0
                                    

YSSA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YSSA

Paglabas ko nang cubicle ay dumiretso ako sa harap ng salamin. I saw my reflection there. My hair is messy and my make-up was already scattered on my face. Sa pagwawala ko ba naman kanina sa dance floor ay ganito talaga ang naging epekto.

Inilabas ko sa aking pouch ang makeup na dala ko at nag-retouch. Naglagay na rin ako ng loose powder para hindi kumalat ang makeup ko. And for the final touch, I've applied a lipgloss on my lips. Ngumuso pa ako sa salamin at kumindat pagkatapos noon.

Napahawak ako sa sink nang mawalan ako ng balanse. I have felt the dizziness and my stomach is turning upside-down. It seems that I drank too much. I washed my hands before I decided to go back outside.

The vivid light from the disco balls reflected on my glazy fitted crop top when I stepped out from the restroom. Ibinaba ko nang kaunti ang skirt ko na kanina pa tumataas. Habang bitbit ang pouch ay nilibot ng aking mata ang puwesto kung nasaan ang mga kaibigan ko.

Nahihilo na talaga ako. Sabayan pa ito nang malakas na music. At ang dami rin ng tao ngayon sa bar. Pinilit kasi akong isama ng mga kumag dahil nairaos daw nila ang first semester sa DNU. Wala naman akong magawa at hindi ko sila matanggihan. Baka maging last hangout na rin namin ito dahil papasok na rin ako sa University next semester.

“Señorita!” DJ shouted from our seat. Sinalubong niya pa ako at inalalayan sa pag-upo. “Okay ka lang?”

“Of courshhheee!!” I replied. Bumuntonghininga ako nang malakas bago pabagsak na umupo sa tabi ni Vaude.

“Walwal pa more, Señorita,” DJ commented. Ngumiti lang ako sa kaniya.

“Minsan lang naman eh!” sagot ko. Nakanguso akong sumipat sa kaniya. Binato ko siya ng tissue pero kay Rux ito tumama. “Hahahahahaha shorry Dre, I love you!” I giggled.

Naniningkit ko namang sinipat si Vaude sa tabi ko. “Who's that Vaudeville? Sana all may ka-bebe time!”

He glared at me. “Yah! Why are you sneaking on my phone?”

“Who's Miss Crybaby—”

“Sheeesssh!” tinakpan ni Vaude ang bibig ko kaya napatingin naman sa amin sina Ruslan at Daryll. “Ikaw lang nakakaalam, don't tell them.”

I nodded. He removed his hand on my mouth. Grabe ka-guilty 'tong si Vaudeville, akala mo naman ipagkakalat ko agad.

“Bakit? Anong nangyayari sa inyong dalawa?” tanong ni Rux.

“A-ah wala, don't mind us,” sagot ni Vaude.

Ngumuso ako. Kumuha ako ng isang glass ng Martini at inisahang lagok. Itong mga kumag na 'to ang bi-bigdeal kapag may mga natitipuhan. Samantalang 'yung isa nilang kaibigan, napakababaero. Yes, I'm pertaining to David. Tch.

“Hmm, Dre!” Rux looked at me with his reddened face. “Congratulations! Ano bang gusto mong gift?” I asked.

Kumunot naman ang noo niya. “Huh? For what?”

La Esthrella Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon