"Her condition is getting worst. Kailangang magawa na ang operasyon before it's too late. She's dying," Direktang sabi ng doktor habang nakatingin sa amin. Tulad ng inaasahan, malakas na pag-iyak ang naging sagot ni Mommy.
"How long? Doc, please do everything. I don't care how much it'll cost, I'm willing to give everything. Just—Please save my daughter!" Pagmamakaawa niya sa Doktor. Ako naman ay hinahagod lamang ang likod niya para kahit papaano ay mapatahan siya.
"Mom, ssh. Everything's gonna be okay. Franchesca is gonna be okay," Pagpapatahan ko dito ngunit tiningnan niya lang ako ng masama.
"Shut up! This is all your fault! Ikaw dapat ang nandito, hindi ang kapatid mo!" Natutop ako sa sinabi nito. Maging ang doktor ay nagulat. Wala akong nagawa kundi yumuko at pigilan ang pagdaloy ng luha mula sa mata ko.
It has always been like this. It was always my fault.
"S-sorry," was all I can say. I don't know why she keep blaming me in all this. Ang naaalala ko lang, paggising ko isang umaga ay kasalanan ko na ang lahat. "E-excuse me. I need to go to the comfort room," Pagpapaalam ko at mabilis na tumakbo papunta sa pinakamalapit na cr.
I stared at my reflection. I saw nothing but pain in my eyes. Our eyes are the most honest. Truth lies in our eyes. Kahit anong pagpapanggap at pagpe-peke mo sa nararamdaman mo, makikita't makikita ang totoo sa mga mata mo. Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito. Dali kong pinunas ang luha ko at pumasok sa isang cubicle. Kung may bagay man akong ayaw mangyari, iyon ay ang kaawaan ako.
"I can hear you," Napatigil ako sa paghikbi nang marinig ang boses nito.
"This is a women's bathroom. What are you doing here?" Walang emosyong saad ko, sinusubukang pigilang mapiyok dahil sa pag-iyak.
"Talaga? Wala namang sign na para sa babae lang 'to ah," I rolled my eyes. "Why are you crying?" His voice became soft. Nakaramdam ako ng pag-aalala sa boses niya.
"Why do you care?" Mataray kong sagot dito. I don't want him to see how his voice affected me.
"I'd been there. I know how it feels to be in pain," I wonder if the pain he's telling me about is heavier than the pain I'd been through. I wonder if the wound that the pain caused him was deeper than mine. "You're not alone," For the first time, I felt a company.
Lalo akong napaiyak sa mga binitawan niyang salita. I had never have someone who cares for me and my feelings. I can't tell if he really care for me. I haven't seen his face and all but I felt it.
"T-thank you," I said out of nowhere. I waited to hear another word from him but I heard nothing.
Binuksan ko ang pinto at nang masigurong wala ng tao ay napahinga ako ng maluwag. Mabilis akong lumapit sa lababo at naghilamos. Pagmulat ko ay may nakita akong itim na panyo. Tinitigan ko lamang ito. Wala akong balak na kunin iyon dahil hindi naman ako mahilig mangialam ng mga bagay na hindi sa'kin ngunit may papel na nakausli rito. Kung may isa pang bagay na ayoko ay ang kuryosidad. Kinuha ko ang panyo at binuklat ito. Nang makitang may nakasulat sa papel ay agad ko itong binasa.
"Call me if you need someone to talk to. Don't just keep it to yourself. Kapag tinago mo 'yan, lalong dadami 'yan hanggang mapuno ka na. Kapag napuno na at sumobra sasabog 'yan."
Sa matagal na panahon, sa wakas ay sumilay nang muli ang ngiti sa mga labi ko. Ngayon ay muli kong naramdaman na hindi ako nag-iisa.
YOU ARE READING
BEAT
General FictionWhat makes you live? Does your heartbeat mean you're alive? The questions that Amethyst was longing to be answered. All she wants was to live, but how is she supposed to live when there's no reason to be alive at all? How is she going to live when...