Chapter One

6 2 0
                                    

Kung ilang beses na ba akong pabaling-baling sa paghiga ay hindi ko alam. Hindi nawawala sa isip ko ang lalaking nakausap ko sa cr kagabi. Ang mga sinabi niya, at ang panyong kanina ko pa inaamoy.

"Who the fuck are you?" Wala sa sariling tanong ko. "Should I call him?" Muli akong napatingin sa mga numerong nakasulat sa papel.

He said that I should call him if I need someone to talk to. I don't need it right now. I sighed out of frustration. My face softened when I saw the picture frame on my bedside table. It was me and my sister. We were happy back then. Hindi ko alam kung ano ang kasalanang nagawa niya para ibigay sa kanya ang ganoong kalagayan. Hindi naman kami masamang tao. Gusto lang naman naming mabuhay.

Matapos mag-ayos ay dinala ko na ang mga gamit sa sasakyan. Sa Ospital na kami halos tumira dahil sa kalagayan ni Franchesca pero hindi naman bumubuti ang kalagayan niya. Pakiramdam ko nga ay lumalala pa ito. May kumplikasiyon sa puso si Franchesca. Kailangan niya ng puso sa lalong madaling panahon. Wala nang epekto ang mga gamot. Heart transplant na ang kailangan niya. Isa sa pinakamahirap at pinakamasakit. Ang paghahanap ng heart donor ang pinakamahirap sa lahat. Sino ba namang tanga ang magbibigay ng puso kung kapalit non ay ang buhay niya? Napabuntong hininga na lamang ako.

"Andito na po tayo, Ma'am Amethyst," Nag-ayos muna ako ng hitsura ko bago lumabas.

"Kuya Richard, pakidala naman po ng ibang mga gamit sa kwarto ni Chesca," Kinuha ko ang madadala ko at bumaling sa kaniya.

"Wala pong problema, Ma'am Amethyst," I frowned when I heard the 'Ma'am Amethyst' again.

"Kuya naman. Amethyst nalang po," Salubong ang kilay na sabi ko rito na ikinatawa niya.

"Hindi po ako sanay, Ma'am," Lalo akong napangiwi. I don't like it, obviously.

"I'll fire you if you'll keep calling me Ma'am," Pananakot ko dito. Bigla namang nanlaki ang mata niya at mabilis na humingi ng paumanhin.

"S-sorry po, Ma—A—Amethyst! Hindi na po mauulit. Kailangan ko po ang trabaho ko," Hindi ko na napigilang mapangiti.

"Biro lang, Kuya," Saad ko at sinundan ito ng tawa. "Amethyst nalang po. Tara na, Kuya. Baka naghihintay na sina Mommy." Pag-aaya ko rito at tumango naman ito.

Pagkarating palang sa kwarto ay lungkot agad ang sumalubong sa akin. Ayokong makitang naghihirap ang kapatid ko. Kaya nga bihira lamang akong pumunta dito.

"Ate! I missed you," Mahina man ngunit bakas ang excitement sa boses nito. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"I miss you more, Chesca. How's my baby doing?" Pigil ang luhang saad ko. Ngumiti naman ito at humigpit ang hawak sa kamay ko.

"I'm not a baby anymore. I'm 15, Ate. And I'm doing good!" Masayang tugon nito. Ngumiti na lamang ako at inilabas ang pagkaing dala ko. Puro ito prutas.

"Gutom ka na ba? Here," Nilagyan ko ng unan ang likod niya para mapaupo siya. Sinubuan ko rin siya ng isang slice ng mansanas. "An apple a day keeps the doctor away!" Masayang sabi ko habang sinusubuan siya.

Masaya lang kaming nagkuwentuhan habang pinapakain ko siya. Paulit-ulit nitong sinasabing gusto na nitong umuwi ngunit naiintindihan naman nitong hindi pwede. Alam niyang maaari itong makasama sa kalagayan niya.

"How's school, Ate?" Natigilan ko sa tanong niya. Ang totoo niyan ay tumigil na ako sa pag-aaral at itinuon nalang ang lahat ng atensiyon ko sa pag-aalaga sa kanya. Mas gusto rin ito nila Mommy.

"Fine and fun," Pagsisinungaling ko. Ngumiti naman ito at agad na lumungkot ang ngiting iyon.

"I wish I can go to school too," Hindi ko naibaling ang tingin ko sa kanya. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang malungkot. Kung sana'y sa akin nalang napunta ang sakit niya.

BEATWhere stories live. Discover now