Chapter Three

6 1 0
                                    

Pinipigilan ko ang sarili kung sulyapan ang loob ng bahay nila dahil ayaw kung isipin nila na pinandidirihan ko ang bahay nila. Pero hindi ko mapigilan ang sarili lalo na't bago ito sa paningin ko.

Gawa sa kahoy ang buong bahay nila. Pagpasok mo palang sa loob ng bahay ay bubungad agad ang sa tingin ko ay kusina. Wala silang sala na hindi ko aakalaing possible pala. Pagpasok ko pa lang ay hapag kainan nilang ang bumungad saakin. Hindi kalakihan ang mesa nila, kasya lang ang apat na tao. Mayroon silang maliit na lababo pero walang gripo? Sa tabi ay isang kulay green na cabinet na pinaglagyan ng mga plato. Ang mga baso ay nakasabit isa-isa sa mga pako.

Wala akong makita ni anong appliances. Walang ilaw kaya napagtanto kung wala silang kuryente. Ang papag ay lupa. Pagpasok mo din, sa kanan ay may dalawang sa tingin ko ay kwarto. Ang pinto ng bawat kwarto at gawa sa flywood habang ang pinto nila sa labas ay gawa sa yero. Sa pagitan ng dalawang pinto, sa gitna ang malula ka sa dami ng mga medalya. Hindi ko alam kung kanino sila pero napagtanto ko na pagmamay-ari iyon ni William dahil sa mga certificate na nakapangalan sa kanya. Take note! Lahat ay first honor. No wonder, kahit ganito ang katayuan nila ay magaling siyang magsalita ng english at dire-diretso pa.

"Wala kaming sofa dito kaya sa lupa ka muna umupo."

Napatigil ako sa pagtingin-tingin sa paligid nang magsalita si William. Ang lalaki talagang ito, napakawalang modo.

"Ano ka ba, William?! Bakit ba parang nawawalan ka na ng modo dyan? Iyan na ba ang impluwensya ng mga barkada mo sayo?!" Sigaw ng Mama niya sa kanya kaya napayuko na lamang si William. Mama niya lang pala makakapagtiklop sa kanya. Akala mo na kung sino.

Nakangiting bumaling saakin ang Mama niya at lumapit saakin kasabay ng paghawak niya sa palapulsuhan ko at hinila ako ng marahan papunta sa upuang gawa sa kahoy. Bahagya akong napangiwi dahil hindi ako sanay na matigas ang kinauupuan ko pero hindi ko iyon pinakita sa kanila.

Umupo ang ginang sa harapan ko at nilagay sa mesa ang pulang cellophane na bitbit niya kanina. May inilabas siya doong parang plastic na lalagyan ng ice candy na may lamang... mantika? At isang isda na parang hinati sa gitna at.. may kakaibang amoy..

"Naghapunan ka na ba?"

Nagdadalawang isip akong umiling. Sa huli ay pinili kung umiling na lamang.

"M-Mawalang galang na po.. p-pero anu po to?" Tinuro ko ang kakaibang isda na may kakaibang amoy.

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni William kaya pareho kaming bumaling ng kanyang ina sa kanya. Kasalukuyan siyang nagpapabaga ng apoy at sa tingin ko ay diyang sila magluluto.

"William..." Mariing tawag ng ina niya sa kanya.

"Mayayaman nga talaga. Walang alam sa pagkaing mahirap." Huminto siya sa pagpababaga at tumingin ng mariin saakin. Hindi pinapansin ang mga pagtawag ng Mama niya sa kanya para sawayin siya. "Paano niyo magagawang pagsilbihan ang mga mahihirap kung hindi niyo alam kung anong klaseng hirap ang ang pinagdadaanan ng mga nasasakupan niyo?" Seryosong saad nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung bakit parang ang laki ng galit ni William sa gaya ko. Hindi ko alam kung may pinanghuhugutan ba siya. Pero sana kung galit siya sa mga mayayaman, sana naman wag niyang lahatin. Naawa ako habang iniisip ang ama ko na walang ginawa kundi ang pagsilbihan ang gaya nila. It is really true that you can't please everyone no matter what kind of kindness you will show to them. Maghahanap at maghahanap sila ng butas para siraan ka at ipagmukha sa iyo kung gaano ka kawalang kwenta sa lipunan.

"William, linisin mo nga ang kawali na nasa labas nang makapagluto na ako ng ulam natin. Ngayon na." Mariin ang bawat pagbanggit ng mga salita ng ina ni William sa kanya pero parang wala lang iyon sa kanya at patuloy akong tinititigan ng mariin bago tuluyang sinunod ang utos ng ina.

Miss Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon