Chapter Twenty Three

3 0 0
                                    

Kasunod ko lang si Alice nang pababa ako sa grand staircase. Nakasunod lang siya saakin hanggang sa makarating ako sa dining area. Napahinto ako sa pagpasok nang tuluyan sa dining area nang makilala kung sino ang importanteng bisita na tinutukoy ni Alice.

"Oh, nandito na pala ang anak ko."

Isa sa mga nasa hapag ay walang iba kundi si Tito Jeff. Nang lumipat ang tingin niya saakin ay halos manindig ang mga balahibo ko sa katawan dahil pakiramdam ko ay nakatingin lang ako sa mga mata ni William.

"Come here, iha. Kanina ka pa namin hinihintay." Tawag ni Mommy saakin dahil nanatili lang akong nakatayo at nakatingin kay Tito Jeff.

Nakaupo si Daddy sa kabisera habang si Mommy ay nasa kanan, sa harap niya ay nakaupo si Tito Jeff. Pinili kung maupo sa tabi ni Mommy dahil nakaupo sa madalas na pwesto ko si Tito Jeff.

"So, Jeff. I believe kilala mo na ang nag-iisang anak namin."

Tumingin si Tito Jeff sa gawi ko kaya medyo napayuko ako. I really hate it when the topic is all about me. It's making me uncomfortable.

"How can I forget your beautiful daughter?

Napatakip sa bibig si Mommy habang mahinang tumatawa.

"Maybe because of my beautiful wife."

Napangiti nalang ako nang abutin ni Daddy ang kamay ni Mommy na nakapatong si ibabaw ng mesa. My Mom at Dad love each other so dearly and I'm proud of it.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-iwas ng tingin ni Tito Jeff sa ginawa ni Daddy. Inabot niya ang kapeng para sa kanya at humigop doon.

Then I feel sad for him. Hindi ko pa naeexperience ang mawalan ng mahal sa buhay ay hindi ako nangangarap na mangyari iyon saakin. Pero kahit na ganun, alam kung masakit ang naranasan ni Tito Jeff. He lost his love of his life, his wife. Together with his sons.

I can't imagine the pain he felt those days.

They talked about the improvement of Magsaysay nang si Daddy na ang naupo bilang gobernador. Hindi ko mapigilan ang maging proud dahil doon.

Nagpasya silang malibot-libot sa buong mansion kaya naman ay tumakas ako para puntahan si Alice para sabihin ang plano ko bukas. Linggo bukas at malaki ang possibilidad na nasa bahay lang si Mommy at Daddy.

"P-Po?" Kinakabahang sabi ni Alice nang sabihin ko sa kanya ang plano. Nagsisimula na siyang mamutla.

"Please, Alice. Help me. May usapan kami ni William na magkikita bukas pero hindi ako papayagan ni Mommy. And I'm sure of it."

"P-Pero, alam ba ni William ang gagawin mong pagtakas? Sa pagkakakilala ko kasi kay William, hindi niya gugustuhin ang sumuway ka sa magulang mo. H-Hindi po ba alam ni William?"

Malungkot akong umiling kay Alice. "Masyado nang maraming iniisip si William, Alice. Ayaw kung dumagdag pa sa alalahanin niya. At isa pa, alas tres lang naman ako ng hapon aalis at uuwi ako bago dumilim. Ang kailangan mo lang gawin ay kunin ang susi para mabuksan natin ang gate sa likod ng mansion. At kapag nakalabas na ako, ang kailangan mo lang gawin ay pagtakpan ako kapag hinanap ako nila Mommy."

"P-Pero..."

Ngumiti ako at kinuha ang dalawang kamay ni Alice.

"Please, Alice. Tulungan mo ako. Ikaw lang ang makakatulong saakin. I really want to see William tomorrow. Kaya please. Help me. Please..."

"S-Subukan ko po."

Napangiti ako nang tumango si Alice at umalis para hanapin ang susi sa gate sa likod ng mansion. Hindi ko alam kung sino ang may hawak nun, pero may tiwala naman ako na alam ni Alice kung sino ang may hawak nun.

Miss Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon