Chapter One

14 1 0
                                    

"Maraming-maraming salamat po talaga Gov. Malaking tulong po ito sa pamilya namin."

I can't help but to smile habang ang mga kamay ko ay patuloy sa pagpalakpak habang pinagmamasdan ang mga taong bayan na nagpapasalamat sa Governador. My Daddy!

Hindi ko mapigilan na magpasalamat ng palihim sa Panginoon dahil napunta ako sa pamilyang handang tumulong sa mga nahihirapan.

Governador ang Daddy ko dito sa Magsaysay na kasalukuyang na kinakamayan ang bawat mamamayan na nakatanggap ng maliit na tulong galing kay Daddy. Daddy is in full smile as he received their hands while my Mommy is standing beside him smiling.

"Tungkulin ko pong pagsilbihan ang mga taong naging dahilan kung bakit ako nasa katayuan ko ngayon. At ipinapangako ko na hindi ko kayo pababayan. Tutulong ako maging ang aking pamilya sa abot ng aming makakaya."

Naghiyawan ang mga tao. Napatango-tango naman ako at mas nilakasan ang pagpalakpak kaya bumaling si Mommy sa direksyon ko at ngumiti saakin. Nginisihan ko si Mommy.

Nakaramdam ako ng uhaw. Ayaw ko namang utusan si Manang Cicile na kasalukuyang may kausap kaya hindi na ako nagpaalam pa at lumabas.

Dahil maraming tao, natural lang na may mga paninda sa labas. Kilala ako ng lahat ng mga tao dito sa lalawigan namin dahil sa pagiging anak ng isang Governador.

Maraming paninda sa paligid. Iba't-ibang klase ng pag-kain, mga inumin at kung ano-ano pa. Kadalasan mga buko juice ang nakikita ko kaya mas naglakad pa ako para hanapin ang flavor juice na gusto ko.

Napatigil lamang ako sa paglalakad nang maramdaman kung may humawak sa kamay ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa anim hanggang walong taong gulang. Malaki ang suot niyang tshirt na kupas na kulay brown. May mga butas-butas din ito pero kahit na ganun, kung naayusan lang ang batang ito ay tiyak na magiging gwapong lalaki ito.

Tumingin saakin ang mga inosenteng mga mata niya. Parang may humawak sa puso ko nang makita ko ang pangingilid ng mga luha niya kaya agad akong lumuhod para makapantay ang mukha namin. Iilan lang ang tao kung saang parte kami dahil halos lahat ay nasa gym pa at tumatanggap ng tulog na galing sa ama ko.

"Hi! Okay ka lang ba?" Magaang tanong ko sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. Magaspang ang kamay ng bata halatang sa ganitong edad ay nagbabanat na ng buto.

"Ate, pwede bang makahingi ng pagkain? Wala po kasi kaming makakain kahapon pa. Wala po kaming bigas. Wala rin kaming pambili."

Napakunot ang noo ko. Noong lunes pa nagsisimulang mamigay ang Daddy ko ng mag bigas at ilang groceries sa gym. Merkules na ngayon! Kaya paanong hindi naambunan ng tulong ang pamilya ng batang ito?

"Hindi ka ba nakatanggap ng tulong mula kay Gov.? Diba may namimigay ng tulong sa gym ngayon. May namimigay ng bigas."

Umiling ang bata. "Ayaw po akong papasukin. Wala raw po ako sa listahan ng bibigyan."

Mas lalong napakunot ang noo ko. Paanong may listahan ng pagbibigyan? Sa pagkakaalam ko, ang tulong na ibinibigay ni Daddy ay para sa lahat kaya hindi na nagkaroon ng ng listahan. Tiningnan ko ng maigi ang bata. Wala sa mukha niya ang pagsisinungaling.

"Gusto mong samahan kitang kumuha doon sa gym ng bigas?"

Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko at medyo lumayo na ipinagtaka.

"Natatakot po ako. Ilang beses na kasing nagtangkang pumasok ang kuya ko para makakuha ng bigas mula pa nung lunes pero laging umuuwing bigo si Kuya. Narinig ko sila minsan ng mga kaibigan niya na ayaw silang papasukin ng mga mayayaman kasi mahirap si kuya."

Miss Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon