Chapter 14: The Past

53 0 0
                                    

A/N:Ihanda ang hukbong sandatahan wag nating hayaang umepal sa lovestory nina Jacob and Danielle si Scarlette.Echos lang pero unti unti na pong umaappear ang aking mga characters kaya humanda na kayo sa mga mangyayari ^________^V

 Scarlette's Picture on the side --------->

****

Viena,Austria

Scarlette's POV

Haaaaaaaay eto nanaman ako pauwi nanaman sa mala impyernong bahay namin.Malamig nga dito pero pag nasa bahay ako para akong nasa impyerno.

" Mom i'm here" Sigaw ko sa Mommy ko na nasa may kitchen ata kasi kada uuwi ako makikita ko siyang nagluluto ng dinner sa kitchen kaya memorize ko na kung saan ang tambayan niya.

" oh my baby you're here miss me?" Teka kilala ko yung boses na yun ah.

" Dad?" 

"No other than" Sabi niya sabay ngiti.Agad naman akong tumakb papunta sa kanya.Daddy's girl kasi ako kaya mas close ako sa kanya lahat kasi ng gusto ko ok lang sa kanya pag kay Mom nako wag mo na asahang oo yan pagdating sakin hmp >.<.

" kelan ka pa bumalik dito?" Tanong ko kay Dad sa Salzburg kasi siya nagtatrabaho kaya bihira lang siya umuwi dito madalas kami lang ni Mom ang magkasama dito sa bahay.

"kanina lang my dear namiss ko kasi kayo ng Mommy mo kaya umuwi ako ng maaga dito para naman may bonding tayo diba?" 

" kyaaaaaaaa talaga edi pupunta po tayo sa mga amusement parks dito?" 

" yup kaya bilisan mo at magbihis ka na" 

" teka mag-dinner muna tayo dito" Sigaw ni Mom habang nasa kitchen.

" wag na honey sa labas nalang tayo at mukhang excited ang unica hija natin" Sigaw naman ni Dad habang ginugulo ang buhok ko.

" sige dad punta lang po ako ng kwarto magbibihis lang po ako" Sabi ko kay Dad at sabay takbo papuntang kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto ko agad ako pumunta ng cabinet at kumuha ng damit.Habang nagpapalit ako bigla kong nabasag yung picture frame sa side table ko.Agad ko naman itong tinignan at pinulot.

Naalala ko nanaman siya ang first love ko na iniwan ko nang dahil sa kagustuhan ng parents ko na tumira dito sa Austria.Ang dahilan kung bakit nag-susuffer pa rin ako.

" kamusta ka na?wag kang magp-aalala magkikita ulit tayo babalik ulit tayo sa dati miss na miss na kita Jacob di na ako makapag hintay na makita aka ulit" Sabi ko sabay tanggal ng picture sa nabasag na frame.

" Anak Scarlette tara na alis na tayo" Katok ni Mom sa pinto ko.Agad ko namang itinabi muna ang picture at tsaka lumabas na ng kwarto.

****

Jacob's POV          

HAAAAAAAAAAAY its been a week na nung umuwi kami galing sa retreat.Yung scroll ba?eto yung nangyari nun.

{FLASHBACK}

Malapit na kaming umuwi nun nung sinabi ni Ma'am Kelly na ibigay na yung mga scrolls namin.

"kuys bigay na daw yung mga scrolls" Sabi sakin ni Arvie.

Inilagay ko sa backpack ko yung scroll na ikinagulat naman ni Arvie." oh bakit mo tinago sabi IBIGAY daw di sinabing itago" Aba talagang diniin pa niya yung salitang ibigay ah.

" eh sa ayoko eh tsaka problema mo kung hindi ko ibigay" 

"tssss torpe mo kuys" Ano daw?sapakin ko na toh pwede ba?

" pake mo ba tara na nga" 

Habang nasa biyahe kami sinandal ko yung ulo ko sa may bintana ng bus para naman makatulog ako kahit konti.Sa kalagitnaan ng tulog ko bigla namang nag-appear ang mukha ni Scarlette na nakangiti sakin.Huh?bakit nasa panaginip ko siya.Ah erase erase hindi dapat kay Danielle ako naka focus kasi siya na yung mahal ko.Pinikit ko ulit yung mata ko si Scarlette pa rin talaga halos buong biyahe pinipilit kong matulog pero wala talaga hanggang sa napansin na ako ni Arvie.

" hoy kuys kung hindi ka makatulog dahil iniisip mo si Scarlette eh wag na baka bangungutin ka pa dyan" Aba pano nalaman ng lokong toh Mind Reader?

" manahimik ka nga dyan Arvie" Yun nalang yung sinabi ko sa kanya.Si Scarlette ang ex-girlfriend ko na iniwan ako dahil nagpaka under siya sa parents niya na tumira sa Austria.Sobarang sakit nun para sakin para bang pinagpalit niya yung pagsasama namin ng ilang taon para lang sa magulang niya.Pero ano pa bang magagawa ko eh andun na siya eh alangan namang sundan ko pa siya.Kaya nga nung nakilala ko si Danielle parang nag-iba lahat sakin nakalimutan ko agad si Scarlette dahil sa kanya.

 {END OF FLASHBACK}

Nandito kami ngayon ni Arvie sa may cafeteria at kumakain kakatapos lang kasi ng napaka boring na klase namin.

" kuys kumusta naman yung scroll mo na binigay kay Clarise lakas ng loob mo ah" 

"Ako pa ba eh ikaw kasi eh napagkasunduan na nga natin na sabay nating ibibigay sa kanila tapos ayaw ayaw ka pa" 

" eh sa nakakahiya eh" 

" HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ikaw nahihiya ikaw ba yan Jacob Esguerra anong nakain mo ha?" Kontii nalang talaga sasapakin ko na toh.

 " tsk isa pang ganyan mo sasapakin na kita tsaka basta ngayon ko lang naramdaman toh" 

" inlababo ka nga kay Dane pero sa bagay paano ka nga naman aamin kung ENEMIES ang turingan niyo" 

" Kaya nga eh" 

" pero kuys paano kung bumalik dito si Scarlette at balikan ka niya babalikan mo ba siya?" Out of the blue naman kung magtanong tong si Arvie.Pero ano kaya kung bumalik siya dito handa na kaya ako?Siguro parang wala nalang sakin wala na eh iniwan niya na ako di na yun babalik tss ano pang babalikan niya dito.

" eh anong gagawin di bumalik siya pero di na niya mababalik yung dati" 

"na trauma ka talaga sa ginawa ni Scarlette noh" 

" tss trauma wala na yun bat ba pinaguusapan natin yung wala naman dito tara na nga" Sabi ko kay Arvie at nag-nod naman siya.Tama nga naman wala na talaga akong pakialam kung bumalik o hindi si Scarlette si Danielle na ang mahal ko ngayon siya lang.

wala nang iba pa.

My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon