A/N:HALLLLLLLLLLLOOOOOOO alam ko patae tae ang UD sorry po dahil madami ginawa anyways ito na po ang chapter 9.
*****
Chapter 9: Park
Clarise' POV
HAAAAAAAAAAAAY Andito kami ngayon sa parang mini park ata ng retreat house namin.At eto nga si Princess Danielle eh nagaalangan daw ibigaya kay Jacob yung scroll niya.Ewan ko ba dito ibibigay niya alng naman pero nahihiya daw siya.
" bessie nahihiya talaga ako kay Jacob"
"bakit naman eh ibibigay mo lang naman hindi ka naman makikipag chikahan sa kanya" sabi ko sabay kagat sa piattos ko.
"eh baka pagtawanan niya ko alam mo naman yun diba tumatawa kapag may binigay sa kanya na kung ano na something sweet"
" bakit niya naman tatawanan yan eh galing sa puso yan tsaka subukan niya lang tawanan yan itatapon ko siya sa bermuda triangle para lapain ng mga leon"
" ehhhh best naman eh mababawasan ang mga wafu na lalaki sa mundo" Tignan mo toh nagsesenti na nga nakuha pang lumande kung di ko lang mahal toh eh kanina ko pa sinapak.
"alam mo girl instead na magmukmok ka dyan eh bakit di mo kaya isipin kung ano yung mga gagawin mong steps para di ka nya tawanan if ever na ibibigay mo yan"
" ehhhhh sa hindi ko alam eh tsaka natatakot ako Clarise sana kay Mommy or kay Kuya Adam ko nalang dinedicate tong sulat na toh para di na ako nag woworry ng ganito" nakita ko naman sa mukha niya na sobra nga syang nag-aalala.Pero bilang bestfriend niya eh tutulungan ko siya sa pagbigay sa kanya ng Advice.
" alam mo best kung mahal mo talaga ang isang tao you should do something that the others can't kasi kung mag gaganyan ka lang dyan walang mangyayari make a move Danielle let that Jacob guy realize your feelings for him kahit na alam mong may negative na mangyayari eh ano naman diba?atleast nasabi mo sa kanya yung tunay mong nararamdaman para sa kanya.Wag mong hayaang amagin yang love mo for him dahil malay mo isang araw umamin din siya sayo diba?" Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Danielle.Siguro narealize niya na tama ang mga sinabi ko na dapat gumawa na siya ng paraan kung paano sasabihin kay Jacob.pero siguro dapat pag-isipan muna ni Dane ang gagawin niya dahil baka mamaya mapahiya lang siya.
Danielle Lizardo pag-isipan mo yan.
*****
Danielle's POV
Dun sa mga sinabi ni Clarise sakin bigla naman akong napaisip.Tama nga ba na umamin na ako kay Jacob?kasi parang maaga pa eh siguro hindi nalang muna dahil may mga mangyayari pa baka kung sakaling ganun nga ang manyari aware na ako.
" BEST punta muna ako sa room natin ha may aayusin lang ako" Pagpapaalam ni Clarise sakin.Tumango nalang ako bilang sagot.
Habang nakaupo ako sa mga benches doon eh may bigla namang nagtakip ng mata ko nakatalikod kasi ako kaya hindi ko makita.
" sino toh?Jacob?wag mo kong pagtripan ha" Tinangal na nung nagtakip sa mata ko yung kamay niya.
" ouch di mo na agad ako nakilala eh sandali pa lang naman tayo di nagkita" aww si Lewis pala.Naalala niyo yung nameet ko na half american half pinoy?siya yun.
" im sorry Lewis di kita agad nakilala tinakpan mo kasi yung mata ko eh"
"its okay nga pala crush mo ba si Jacob?" out of the blue naman kung magtanong toh.GRABE HA.
" uhm Lewis kami lang talaga ni Clarise ang nakakaalam pero since magkakilala na tayo sasabihin ko na,yes i have a crush on him pero ayoko munang ipaalam sa kanya i know that there will be a right time for telling those stupid feelings"
"you call that stupid love?alam mo Danielle wala naman masama kung magmahal ka normal lang yun sa isang tao pero nung tinawag mong stupid yang pagmamahal mo kay Jacob that's a big X pagdating sa love dahil walang stupid o imposible pagdating dyan"
" pero diba stupid naman talaga yun paano magkakagusto ang isang babae sa kanya kung mahiig siyang mang-asar o kaya mambwisit"
" that's what you call the more you hate the more you love bigla naman naging seryoso yung muka niya gusto mo ba ilakad kita sa pinsan ko?" Napalunok naman ako bigla.Magpinsan sila ni Jacob?Bakit di ko alam yun?
" really?magpinsan kayo?pero paano?"
"yung Mom ko kasi kapatid niya yung Dad ni Jacob pero mas older yung Mom ko kaya ganun alam mo na?"
" talaga edi may dugong Esguerra ka rin pala kaya pala pareho kayo ng ugali ni Jacob eh"
" hahaha madami nga nakakapansin but were not that close konti lang nung bata pa kasi kami kapag nagbabaksyon kami dito lagi kaming naglalaro minsan bumibisita pa kami sa lolo at lola namin sa probinsya eh"
" talaga ngayon ko lang nalaman pero ssshhh ka lang ha wag ka muna maingay sa nalaman mo tsaka gusto ko pa ng madaming informations about sa kanya kaya magtatime na kelangan na natin bumalik sa loob baka maparusahan tayo"
" i think that's a great idea let's go?" Nagulat ako nung inilahad niya ang kamay niya sakin para alalayang tumayo habang nakangiti.Ngayon ko lang napansin gwapo rin pala tong si Lewis.sabagay di naman kasi kami madalas magkita kaya di ko masyadong napapansin yung kagwapuhan niya.May hawig sila ni Jacob sa tangos ng ilong at sa ngiti.
" yeah let's go"
Habang naglalakad kami nagtatawanan lang kami.Nadaanan nga namin si Jacob na parang masama ang tingin samin.Bakit kaya?selos siya? A-S-A naman ako noh.pero kung di dahil dito kay Lewis hindi ko malalaman na mag pinsan sila kaya gusto ko na siyang friend hihihi *^____^*V
haaaaaaaaaaaay thanks to you Lewis Matthews.
BINABASA MO ANG
My Mortal Enemy
RomansaA story of a boy and a girl who secretly inlove to each other.To hide their feelings they treated each other as strangers or enemies. A roller coaster romance and adventure story of Danielle and Jacob.