Chapter 7: Open Forum

66 0 0
                                    

Chapter 7: Open Forum

Clarise' POV

Hay nako ano kaya nangyari dun kay Dane at bigla nalang tumakbo.Kayo ba may idea? 

Kasi kanina nung bumagsak sila ni Jacob tapos lahat naman kami naging statue dahil sobrang lalim ng pagtitinginan nila parang sila lang yung nagkakaintindihan.Pagkatapos ng ilang minuto biglang tumayo si Danielle at tumayo palayo.Tinatawag ko siya pero di naman niya ako pinapansin.Pagkatapos ng activity pinabalik na kami sa kanya kanyang kwarto pero wala pa din dun si Dane san kaya yun?

Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nun si Danielle habang umiiyak.

"uy girl san ka ba galing nag-alala kami lahat sayo ah" pagtatanong ko sa kanya habang papalapit siya sakin.

" oh best bakit ka umiiyak?" nagaalala na talaga ako dito sa babaeng toh eh kungko lang toh mahal toh sinapak ko na toh.

" bakit ganun best  bakit ganito yung nararamdaman ko nung nagtama ang mga paningin namin ni Jacob hindi hindi pwede toh hindi pwede" sabi niya sakin habang humahagulgol ng iyak.

Tumabi ako sa kanya at hinimas ang likod niya " eh bakit naman hindi pwede wala namang imposible basta susundin mo lang ang puso mo hindi mo na pwede pang itago yan Danielle dahil mas masakit kung itatago mo lang yan mas mabuti kung i-confess mo sa kanya ang nararamdaman mo mas nakakagaan ng loob yun" 

Bahagya siyang napatigil sa pag-iyak " pano kung ireject niya di nakakahiya naman yun" sabi niya habang humihikbi.

" eh di irespeto mo ang desisyon niya basta ang mahalaga nasabi mo sa kanya ang nararamdaman mo ano naman kung ireject niya marami pang lalaki dyan girl makakahanap ka pa ng mas better pa kay Jacob tsaka hello ikaw si Danielle Lizardo ang unica hija ng pamilya niyo kaya wag mo isipin kung ireject ka niya itapon mo siya sa bermuda triangle at ipalapa sa giant crocodile"  sabi ko sa kanya habang kinocomfort siya.

Nung 1st year pa lang kasi kami eh may crush na si Danielle kay Jacob.Pero hindi niya masabi sabi dahil nahihiya siya kaya tinatago niya nalang ang nararamdaman niya para kay Jacob sa pagkukunwari na naiinis siya dito.Pero makikita mo naman kay Dane na iba ang nararamdaman niya para rito.Kaya nung nangyari yung scene kanina ganun nalang maka-react si Danielle dahil sa sobrang hiya at sobrang inis.

Nung sinabi ko kay Dane yun kanina bahagya siyang napangiti siguro dahil narealize niya na ito na siguro yung time na dapat malaman na ni Jacob ang totoo.Pero sana naman wag niya ireject si Danielle dahil sobra ang pagmamahal niya sa kanya.

sana nga.

****

change of POV's

Jacob's POV

Nandito kami ngayon ni Arvie sa garden ng retreat house namin.Di talaga ako maka-move on ikaw ba naman ang titigan ng babaeng matagal mo ng gusto diba?Yung kanina para akong nasa langit kasama ang angel na katulad niya.

" uyyyy kinilig ka noh umamin ka nga ano pakiramdam na naka face-face to mo si Danielle butterflies in my stomach ba ang drama mo kuys?" sabi sakin ni Arvie habang sinusundot ako sa tagiliran.Eto nanaman siya sa pangungulit sakin kanina pa yan sarap iuntog sa pader ng 100x para tumigil na eh.

" tsk tumigil ka nga isa pa sasapakin na kita ano" irita kong sabi sa kanya siya naman humagalpak sa tawa.Problema nito?

" HAHAHAHAHAHAHA kasi naman ikaw hahaha ikaw naman kasi HAHAHAHAHHAHAHAH" ano daw wala akong maintindihan.

binatukan ko nga ang loko "aray ko naman eh ikaw naman kasi eh para kang kamatis sa pula ng mukha mo sino ba naman di matatawa haha" tinignan ko lang siya ng masama.di nga nagbablush ako?Argh nakakahiya sa harap pa ng lokong toh ako namula. >.<

Habang nandun kami ni Arvie at nagpapahangin di ako maka move-on dun sa eksena namin kani ni Danielle.

{FLASHBACK}

Sack race namin ngayon at by pair ang larong ito.

" uhm Gaile pwede ba tayo nalang ang pair?" tanong ni prinsesa este ni Danielle kay Gaile

" sorry Dane pero partner na kami ni Julie eh" sabi niya dito.Sinadya ko talaga na hindi ako maghanap ng kapartner dahil alam niyo naman kung sino ang gusto kong partner diba?

Nung wala na siyang mahanap na partner eh lumingon siya sa direksyon ko.AYOS!!!

" ano ms.sunget pede tayo nalang partners?" sabi ko sa kanya habang taas baba ang kilay ko. 

napabuntong hininga naman siya  "haaay may magagawa pa ba ako eh alam ko naman na sayo rin ako babagsak" yes panalo toh exciting.\

"ayos so pano tara na punta na tayo sa may garden?" pagyaya ko sa kanya sabay akba.

anebeeee kinikilig ako.Shocks nagiging bakla nako dahil kay Danielle.

Nung makapunta na kami lahat ng pairs ng groups ay pinapila na para iexplain ang mechanics ng game.

" pairs meron tayong seven sacks bawat isa may tig-isang sako blah blah" di ko na masyadong maintindihan ang mga nangyayari dahil titig ako kay Danielle.Grbe ang ganda niya di ko alam kung anong klaseng babae toh at lakas ng tama ko sa kanya.

Nagsimula nang iwhistle yung pito bilang hudyat na simula na yung laro.nakita ko naman kay Danielle na tuwang tuwa siya pano  ba naman partners si Arvie at si Clarise.Aba naka 1 point ang loko.

tumabi ako sa kanya " haaaaay ang sweet nila noh bagay sila parang tayo" sabi ko sa kanya na halata namang nainis nanaman siya.

" bagay ka dyan mandiri ka nga oo bagay sila pero tayo hindi"

"tss ayaw mo lang aminin sakin n crush mo din ako" 

Sobrang ingay dito puro chants ng bawat grupo ang maririnig.Nung turn na namin ni Danielle nakaramdam ako ng kaba tumingin pa nga ako sa direksyon ni Arvie binigyan lang ako ng ngiti at nagthumbs-up pa parang sinsabi niya na " make a move bro" kaya naman kinundisyon ko ang sarili ko para di niya mahalata na kinakabahan ako.Nung una medyo naaaout of balance kami pero nung malapit na kami sa finish line bigla kami natumba at bumagsak bale nakapatong ako sa kanya at nagtma ang paningin namin.

Yung mga mata niya yung mga labi niya ang sarap tignan lalo na yung mga mata niya yung tipong hindi ka magsasawang tignan.Habang nakatingin kami sa isa't isa wala akong marinig na boses ng mga tao parang na speechless sila lahat dahil sa nangyari.

Pagkatapos nun ay bigla niya akong tinulak palayo sa kanya at tumakbo ako naman hindi ko malaman kung ano ang gagawin kodahil ako man din ay maspeechless sa nangyari.nung mawala na si Danielle ay tumayo na rin ako at inasar ng mga taong natira dun sa garden.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kanina takot,dahil baka iwasan niya ako saya,dahil nakita ko ng malapitan ang mukha niya.ARGH hindi ko alam pero isa lang ang alam ko.

mahal ko siya.

*******

Danielle's POV

Nandito kami ngayong sa session hall dahil may open forum daw? Yun yung magkakaalaman ang lahat tungkol sa nararamdaman ng bawat isa bale kapag narinig mo yung kwento niya icocomfort mo siya at kung interested ka naman na bigyan siya ng advice.Nagform na kami ng circle para makapag simula.Nung una wala pang nagtatangkang magsalita.Kaya naman bilang isang leader eh binasag ko na ang katahimikan.

" uhm sinong gusto muna magshare?" bigla naman nagtaas ng kamay yung isa naming ka grupo si Mikaela yata ang pangalan.

" uhm ako miss leader pwede ba?" sabi niya sakin.Habang nagshshare siya ng kwento niya di niya naiwasang maluha about kasi sa family niya yun kaya gaun.Nung natapos niya na nagsipagsunuran na yung iba kami nalang ni Jacob ang hindi pa.Kaya naman turn ko na toh para magshare.

" uhm yung story ko naman is about my lovelife ngayon ko lang ioopen toh dahil yung iba naman yun ang shinare.at nagsimula na akong magkwento. yung lovelife kong yun ewan ko basta i felt this stupid feelings to a person that loves to annoy me.ewan ko lang kung naririnig oh kung mararamdaman niya rin toh pero i can't fight this feeling anymore because of this open forum i can express my feelings to him i he can hear it i want to tell him that i love him since 1st year'"

My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon