CHAPTER 6

55 5 0
                                    

Sa mga nag daang araw ko rito sa mansion ay grabe ang pag hihirap ko sa mga kalokohan ni caleb.

Sino ba naman ang gustong makulong sa cr, mabuhusan ng malagkit na tubig habang nag lalakad, Uupo ka lang bigla kang matutumba dahil may nag tangal na pala ng upuan, ihahatid mo sya sa school kaylangan lahat ng gamit nya bitbit mo, nag tataka ng ako dahil pati mga hindi kaylangan sa school ay dala-dala nya, minsan ay bigla nalang may sasabunot sa buhok mo habang natutulog ka. At ngayun naman iniwan ako ng kotse pauwi dahil ayaw nya daw ako kasama sa kotse. Wahhhh.

Hindi nakikita ni JD lahat ng kalokohan ng anak nya dahil nasa ibang bansa sya at inaasikaso nya ang company nya.

Gusto ko na nga sumuko dito ehh, pero syempre hindi pwede baka magalit ang mga magulang ko at isa pa nangako akong hindi susukuan ang unanong masungit na yun.

Habang nag lalakad ay nagulat ako nang may humintong kotse sa aking harapan. Wait, parang kilala ko tong kotse na tohh. OMG kay clara tong kotse na tohh.

Pumunta ako sa harap ng bintana ng kotse at kinatok ito. Gulantang ako ng maibaba na ang salamin ng kotse, Woww naka shades pa ang gaga.

"Taray ni gaga ahh" saad ko at pinalo sya sa braso

"Who you?" Taas kilay nyang saad

Aba hindi na ko kilala ng gaga.

"Hoyy wag mo kong niwho who you, who you dyan gantong mainit ang ulo ko" saad ko sabay batok sakanya

"Aray ko naman tin"saad nya habang hinihimas ang ulo

"Papasok ako"saad ko

Pag pasok ko ay sinungaban ko agad sya ng yakad. Grabe miss na miss ko tong gagang toh.

"Hoyy tin wag kang OA HAHAHA"saad nya tumatawa

"Ehh kase naman miss kita eh"saad ko sa pabebeng boses

"Hala sya, nako tin gutom lang yan HAHAHA"saad nya habang natatawa "Tara kain tayo"pag yayaya nya

Pag kasabi nya nun ay kasabay naman ng pag tunog ng aking tyan. Tumingin ako sakanya at sabay kaming natawa.

"Tara gurl gutom na rin ako HAHAHA"saad ko

"Tamang tama, may bagong bukas na restaurant dyan sa malapit"saad nya habang sinisimulan ng paandarin ang sasakyan

Nang makarating kami ay umorder na agad kami.

"Kamusta nga pala ang bakasyon sa ibang bansa?"tanong ko habang iniintay naming dumating ang order

"Ayos lang, grabe gurl ang dami ng pogi dun"saad nya

"Sanaol" saad ko habang natatawa "Hindi pa tapos ang bakasyon bakit umuwi kana?"tanong ko

"Wala lang, miss na daw kasi nya ko"patili nyang saad habang kinikilig

"Hoyy son-"

Diko na natuloy ang sasabihin ko ng dumating ang order namin. Asar naman.

Lagi akong nalulusutan nitong babaitang tohh, nung nakaraan natakasan din ako, nakalimutan ko kasing bakasyon na kinabukasan kaya hinayaan ko tapos ngayun wrong timing naman ang pag dating ng pag kain.

"Tara kain na"nakangisi nyang saad

Nang aasar. Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Hoyy kung sa tingin mo malulusutan mo ko ngayun pwes nag kaka mali ka" saad ko habang nakatayo sa harapan nya"ngayun sagutin mo ko, Sino yang boyfriend mo?"

"HAHAHAHAHAHAHAHA"tawa nya habang nakaturo sakin

Tinignan ko sya ng masama.

"Ang OA mo tin, Oo may boyfriend ako" saad nya na may pag mamalaki

"Sino naman ang malas na lalaking yun"saad ko at umupo na

"Hoyy swerte kaya ni papa xaiver sakin HAHAHA"saad nya bago nag simulang kumain

"Si Xaiver yung mabaho nating kaklase?" Tanong ko

Nagulat ako ng bigla sya mabilaukan, nataranta pa ko at hindi alam ang gagawin sakanya mabuti at nakita ko ang tubig kaya agad kong inabot sakanya, agad nya naman itong kinuha at ininom.

Gulat ako ng bigla nya akong batukan.

"Hoyy hindi mabaho si xaiver"galit nyang saad sakin

Tinawanan ko na lamang sya at nag simula ng kumain, Hindi naman talaga mabaho si xaiver, niloloko ko lang sya.

Pag tapos naming kumain ay namasyal pa kami at dahil don ay hindi ko na namalayan ang oras. Pero ayos lang naman atang late ang umuwi dahil wala naman si JD sa bahay, sa ngayun mag eenjoy muna kong asarin si clara na mabaho si xaiver.

Hanggang sa maihatid nya ko sa gate ng mansion ni JD at pinipilit nya parin sakin na hindi mabaho si xaiver, tawa nalang ang sinasagot ko sakanya.

Habang nag lalakad ako papasok ay nakangiti ako.

Gulantang ako ng pag bukas ko ng pinto ay mukha agad ni JD ang bumungad sakin.

"Saan ka galing?"


"TO BE CONTINUED"

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon