CHAPTER 14

44 3 0
                                    

"Ex wife?"gulat kong tanong

"Yes, don't worry wala kaming feeling sa isa't isa at isa pa arranged marriage lang kami"paliwanag ni trisha

Napatango na lamang ako dahil sa kawalan ng maisagot.

"Love, kumain kana ba?"tanong ni jd habang nag lalakad kami papuntang kusina

"Hindi pa"sagot ko

"Ohh tamang tama, kakatapos lang ni manang mag luto"nakangiting saad ni trisha

Problema nito? Bat ngiti ng ngiti?
Tango nalang ulit ang naisagot ko.
Nang makaupo kami sa upuan ay pag sisibihan ko sana si Caleb ng makakain ngunit nauna na si trisha.

"Ohh I'm sorry, nasanay lang"natatawa nyang saad

Nakitawa nalang din ako kahit halata namang peke. Hinayaan ko nalang syang pag silbihan si caleb at nag simula nalang kumain. Habang kumakain ay napaisip ako. Kung ex wife sya ni jd ibig sabihin ay sya ang tunay na mommy ni Caleb? Pero ang sabi ni jd ay patay na ito. O baka naman sinabi yun ni jd dahil galit sya kay trisha nung panahon na yun dahil iniwan sila ni trisha at pinatay nya na si trisha sa...

"Love, are you okay?"

Bumalik ako sa ulirat ng mag tanong si jd.

"Ahh o-okay l-lang"nauutal kong saad

"Are you sure? Hindi mo kase ginagalaw ang pag kain mo."nag aalala nyang saad

"Ahh may naisip lang"saad ko at nag simula na ulit kumain

Nag tataka man ay tango nalang ang naisagot nya at nag simula na ulit kumain.

------------------------------

"Hoyy kanina kapa tulala dyan"saad ni clara habang nag lalakad kami sa hallway ng school

"Huh? Wala toh"saad ko

"Hoyy gaga, wag ako. Anong problema mo?"saad nya

Napabuntong hininga nalang ako. Wala namang masama kung sabihin ko sa best friend ko ang bumabagabag sakin.

"Dalawang linggo na kasi simula ng dumating si trisha at sa dalawang linggo na yun ay lagi nang busy si jd, kung umuwi na rin sya ay madaling araw na."saad ko

"Yung trisha yung ex wife ni jd diba?"tanong nya na agad ko namang tinanguan "ohh anong kinalaman nya sa late na pag uwi ni jd?"tanong nya habang nakataas ang isang kilay

"Yun na nga yung bumabagabag sakin, pag tinatanong ko kase si jd kung bakit late na sya umuuwi ehh ang sagot nya lagi ay kasama nya raw si trisha."paliwanag ko

"Ohh ano naman?"taas kilay nyang saad "Wala kabang tiwala kay jd?"tanong nya pa

"Meron"mabilis kong sagot "pero kase pag iniisip kong mag kasama sila diko maiwasang mag over think... Na baka nag kakamabutihan na sila at naisip nilang hindi sila dapat maging mag kaibigan lang, dapat silang maging pamilya or kung hindi naman ganon baka biglang bawiin nalang ni trisha si Caleb at ilayo samin."saad ko habang nakayuko

"HAHAHAHAHAHAHA ang galing mo talaga sa mga ganyan tin, yung mag isip ng kung ano ano."tawang tawa nyang saad "alam mo, gumala nalang tayo sa friday nang mabawasan yang pag iisip mo nang kung ano ano tutal wala naman tayong pasok sa friday "pag aaya nya pa

"Hindi ako pwede, ihahatid ko si Caleb sa school sa friday dahil busy daw sa office si jd."saad ko

"Edi ihatid mo muna tapos tsaka tayo gumala."pag dadahilan nya pa

Sabagay kaylangan ko rin naman yun dahil puro si jd at trisha ang nasa isip,
Gusto ko ring mawala yun kahit panandalian.

"Sige"pag payag ko




"TO BE CONTINUED"

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon