CHAPTER 13

54 5 1
                                    

Simula ng sinagot ko si JD ay parang laging kumpleto na ang araw ko, pag gising ko sa umaga ay mukha agad nilang mag ama ang bumunbungad sakin dahil napag pasyahan namin na matulog tatlo sa iisang kwarto, papasok at pauwi sa school ay hinahatid nya pa kami ni Caleb, tuwing weekend's ay lagi kaming lumalabas para mamasyal, at tuwing matatapos ang araw ay makikita sa mga mata namin ang saya. Bawat araw na lumilibas ay hindi kami nag kukulang na iparamdam sa isa't isa ang pag mamahal, minsan may mga problema ngunit hindi limilipas ang araw na hindi ito naaayos.

"Hoyy kumpleto mona requirements mo?"tanong ni clara

"Dadalawa nalang ang kulang ko kaya hindi ako namomoblema"sagot ko

Nandito kami ngayun sa canteen dahil wala ang isa naming professor kaya na pag pasyahan naming kumain. Malapit na ang graduation namin kaya nagiging busy na rin kami sa pag hahanda.

"Sakin ay marami pa pero madali nalang yun gawin"saad nya "Uyy gurl kamusta pala kayo ng pamilya mo?... Nice hindi pa nakaka graduate pero may mag ama ng gwapo."pag bibiro nya pa

"Gaga... ayos lang naman kami."sagot ko habang nakangiti

Naikwento ko kase sakanya na kami na ni JD at ang gaga ay kilig na kilig habang nag kwewento ako, hindi ko naman sya masisisi dahil kahit pag naaalala ko ang ginawa ni JD ay hindi ko maiwasang kiligin pa rin.

Pag tapos naming kumain ay bumalik na rin agad kami sa classroom dahil oras na ulit ng klase.

"blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah"saad ng professor namin na wala kong maintindihan dahil hindi naman ako nakikinig.

Pagkasabing pakasabi ng professor namin na pwede nang umuwi ay ako agad ang nangunang lumabas sa classroom. Dumiretso na agad ako sa sakayan ng taxi dahil tumawag kanina si jd at hindi daw ako masusundo, hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko naman ay may importante syang gagawin kaya hindi nya ako masusundo. Ilang oras pa ang tinagal ko run bago ako nakasakay ng taxi.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa pinto ay boses agad ni Caleb ang aking narinig, siguro ay nandito na rin si jd. Agad na gumuhit ang ngiti saking mga labi.

Balak ko sana silang gulatin pag pasok sa sala ngunit ako ata ang nagulat. May babaeng nakatalikod mula sa gawi ko at masayang nakikipag kwentuhan sa mag ama ko.

"Sino sya?"

Bulong lang sana yun ngunit mukhang napalakas ata ang pag kakasabi ko dahil sabay sabay silang napatingin sa gawi ko.

"Mommy"sigaw ni Caleb habang tumatakbo papunta sa gawi ko

Agad naman akong pumantay sakanya at sinalubong sya ng yakap. Pag angat ko ng tingin ay nandon ang dalawa sa harap namin. Agad akong tumayo ng maayos matapos humiwalay sa yakap ni caleb.

"Love"nakangiting saad ni jd matapos humalik sa pisnge ko

"Ahh love si tris-"

Hindi na natapos ni jd ang sasabihin nya dahil naunahan na agad sya nung babae.

"Trisha Amaria Yanez, jd's ex wife"nakangiting saad nya habang nakalahad ang kamay sakin

Ex wife?

"TO BE CONTINUED"

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon