Epilogue

34.7K 531 74
                                    

“Hey, baby. ‘Morning.”

Hmmn.”

Dennise felt Alyssa kissing her neck.

“’Morning babe. Bangon ka na. Sabi mo ipagluluto mo ako ng breakfast ngayon diba.”, Alyssa said as she trailed kisses up to her cheek.

Hinigpitan naman nya ang yakap dito.

“Five minutes.”

“Babe naman e. Pangsampung five minutes mo na yan.”

Kumawala si Alyssa mula sa pagkakayakap nya at dahan-dahan syang ibinangon.

Marahan nitong hinalikan ang nakapikit nyang mga mata.

“Open up your eyes, baby. C’mon. I want to taste you. I mean, I want to taste your new recipe. Hehe.”

Bigla syang napamulat ng mata sa sinabi ni Alyssa. Hinampas nya ito sa braso.

“Ikaw. Napakabastos mo talaga.”, kunwari’y naiinis na sabi nya dito.

Aray. Haha. Nagkamali lang naman ako ng sinabi e. Haha.”

Hmp. Napakamanyak mo.”

Iniwan na nya ito sa kama at nagdiretso sya sa banyo.

“’Love you babe!”, pahabol pang sigaw ni Alyssa sa kanya.

Nang makalabas sya ng banyo ay wala na si Alyssa sa kwarto nila. Maayos na rin ang kama.

Nakita na lang nya ang isang note sa ibabaw ng bedside table nila.

-Just gonna take Sword and Claymore for a walk., sabi nito sa note.

Tinamaan na naman ng sumpong yung babaeng yun. Hindi naman aso sina sword at claymore e. Pusa sila, Ly. Pusa.

Naiiling na nangingiti na lang sya dahil sa kakulitan ni Alyssa. Sinong mag-aakalang ang tahimik at halos hindi ngumingiting si Alyssa ay ganito kakulit kapag sila na lang dalawa ang magkasama.

Nagdiretso na lang sya sa kusina para magluto habang wala pa ang makulit nyang asawa.

Yep. Asawa na nya si Alyssa. They are married for almost two years now.

Right after their engagement, they flew to the states for the supposedly wedding nina Andie at ng boyfriend nito. Turns out kasal pala nila talaga ang mangyayari.

She was totally surprised. Sure Alyssa told her before na kapag inaya sya nitong maging girlfriend, gusto nito kasal na agad ang sunod. Pero hindi nya alam na tototohanin pala talaga nito ang sinabi. And she didn’t asked her to be her girlfriend. Well, technically. Dumiretso na agad ito ng pag-aalok ng kasal kaya hindi nya iyon inaasahan.

She was speechless when she saw Andie outside their hotel suite carrying her wedding gown. With two beauticians in tow.

Andie told her how they were able to pull off their wedding without her knowing. It was her dream wedding. Every detail ng pinangarap nyang kasal ay nangyari. Naroroon din ang papa nya at ang buong pamilya ni Alyssa pati ang mga kaibigan nila.

Pero kahit na sobrang saya nya nang araw na iyon ay hindi nya naiwasang pagalitan si Alyssa sa gitna ng pagpapalitan nila ng wedding vows.

Nakakainis ka, Ly. Bakit hindi mo sinabing ikakasal tayo ngayon. Hindi tuloy ako nakapagready nang maayos. Nakakainis kang topak ka.”, sabi nya noon sa gitna ng pag-iyak.

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon