Chapter 37

25.6K 376 33
                                    

“Hey, dearest cousin. Saan ka galing? Hindi ka man lamang nakipagkwentuhan muna sa amin.”, salubong ni Dave sa kanya nang bumaba sya. Kasama nito ang sina Nicole at Kuya Tho nya.

“Later, D. I have to cool down.”

Napakunot ang noo nito nang makita ang mukha nya.

“Bakit ang pula mo?”, tanong nito. Hinawakan pa nito ang noo nya. “Shoot! Ang init mo pa! May sakit ka ba?”

Pinalis naman nya ang kamay nito.

“Kaya nga kailangan kong magpalamig dahil naiinitan ako. At madadagdagan ang pag-iinit ng ulo ko kapag kinulit mo pa ako.”

Dumiretso sya sa kusina. Andoon pa rin ang papa nya at si Luke at ang papa nito kaya nagpakayuko-yuko sya para kumuha ng tubig.

“O Isang. Anong ginagawa mo dito? Akala ko dun muna kayo sa entertainment room? Nasaan ang sweetheart ko?”, tanong sa kanya ni Luke. Ito lang ang nag-abalang pansinin sya dahil abala ang magkumpare sa pagluluto. Ito naman ay tumutulong lang sa paghahanda ng ingredients.

“A-andoon pa sila. Nanonood sila ng boring na movie.”, hindi lumilingong sagot nya dito. Nag-aalala syang mapansin nito ang pamumula nya e. Nahawaan pa naman ito ni Jia ng mala-psychic powers nito kaya siguradong katakot-takot na pang-aalaska ang aabutin nya dito pag nalaman nito ang ‘pagkabitin’ nya.

Abala sya sa pagsasalin ng malamig na tubig sa baso nang lumapit sa kanya si Luke.

Nagitla sya nang ilapit nito ang mukha nito sa kanya.

“O-oy. Makita tayo ni ate Jia! Baka ipa-salvage ako non!”

“Bakit ang pula mo?”, tanong nito. Sinalat nito ang noo nya. “Ang init mo pa.”

Hindi sya nakasagot.

Luke eyed her suspiciously.

“Bakit ganyan ang mga mata mo? Parang pang-manyak.”, sabi pa nito.

Nanlaki ang mga mata nya.

Nahawaan na talaga sya ni ate Jia!

“Wag mo sabihing....Kasama nyo ba talaga sina sweetie ko at si Andie sa entertainment room o hinila mo sa kung saang kwarto si Dennise?”

“W-wha—what the hell are you saying? Nasa entertainment room kami kasama sina ate Ji at Andie.”

Tiningnan sya nito nang pailalim.

“Alam ko yang hitsura mo, Alyssa ha. Nangyari na rin sa akin yan minsan.”

Inilapit nito ang bibig nito sa tainga nya.

“Pinagtangkaan mong pagsamantalahan si Dennise, ano? Pero hindi sya pumayag at nagtatakbo sya palayo sa’yo habang umiiyak. At nagalit sya sa’yo. Ayaw ka na nyang makita kahit kailan dahil isang kang manyak.”, mahabang litanya nito sa kanya.

Itinulak nya ang mukha nito palayo sa kanya.

“Napakalawak ng imahinasyon mo, Lukasyo. Bakit hindi mo sinubukang maging writer?”, sarkastikong sabi nya dito.

Tinalikuran na nya ito bago pa man ito makapagsalita ulit.

Nadatnan nya ang mga pinsan nya na nagkukulitan. Kahit wala sya sa mood makisali sa mga ito ay wala na rin syang nagawa nang tawagin sya ng kuya Alex nya na kararating lang.

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon