PROLOGUE

2 1 0
                                    

"AND THE WINNER IN THE FIRST VIRTUAL GAME HELD HERE IN SAN MARINO, ITALY IS MS. YRAHSVELT'S TEAM!" sigaw ng emcee sa madla, rinig ang mga hiyawan ng mga tao sa Arena. Akala ko ay hindi ako darating sa punto na pati paglalaro ko ay seseryosohin ko. Nagyakapan kami nila Diana at Gracy habang may ngiti sa labi.

Malayo na ang narating naming tatlo.

Ganap na akong Chemical Engineer at chef sa sarili naming restaurant dito sa Italy.

5 years ago ay iniwan namin ng pamilya ko ang pamumuhay sa Pilipinas at dito na ipinagpatuloy ang laro ng buhay.

Hindi nga laro ang buhay dahil ito mismo ang maglalaro sa'yo, isama mo pa ang kapatid niyang si tadhana.

I don't believe in faith at naniniwala ako no'n na ang simpleng laro ay para lamang sa kasiyahan at hindi dapat sineseryoso. I realized that I was able to tell and believe those things kasi hindi ko pa nasusubukang matalo... noon.

We all wanted to win over something to be validated, dahil panalo lang ang kinikilala, panalo lang ang may premyo, and you as a loser won't have a thing besides a lesson. A lesson where you should accept your defeat and learn from the wrong thing that you did and to move on and fight again.

Natalo kami sa laro ng buhay at tadhana and I chose to move on, sana ay gano'n din ang ginawa niya.

"HOY! Natulala ka, picture raw at autograph." Inuyog ako ng bahagya ni Diana dahilan para bumalik ako sa reyalidad. Huminga ako ng malalim at humarap sa mga tao, nagsisiksikan sila para sa litrato at simpleng pirma namin.

"Hi! Name?" tanong ko sa kanila isa-isa, pinipirmahan ang bagay kung saan nila gusto at pagkatapos ay ngumingiti sa camera na dala nila. Simula nang sumali ako kela Diana at Gracy ay naging taniyang ang team namin; "The Trio". Umalis man kami ng Pilipinas ay hindi ko iniwan ang paglalaro ngunit ginawa ko itong buhay katulad ng iba; pumupusta na rin ako at pinagkakakitaan basta legal. Kada may laro ay lumilipad dito sina Diana at Gracy dahil ma sarili namang private plane ang dalawa at hindi problema ang flight.

Kaunti na lang ang tao dito sa labas ng Arena, ginawa ko ang normal kong ginagawa. Tinanong ko ang pangalan ng lalaking lumapit sa table namin.

"Hi! Name?" saad ko at bakas ang kasiyahan.

"Riesci a scrivere 'Lui, chi vince' Yrashi?" Can you write,"He, who wins?

Agad na inangat ko ang tingin ko nang marinig ang pamilyar na boses ngunit baka nagkakamali ako. Ngumiti ako kahit na mata lang ang kita sa lalaking nasa harap ko. He lends me the shirt that he's holding while his other hand is on his pocket. I can't see his face because he is wearing a black face mask.

"Certo signore," Sure, Mister. Agad kong pinirmahan ang t-shirt nang may ngiti sa labi, inabot ko naman agad ito sa kaniya. Akmang tatayo ako para sa picture ngunit tumalikod na agad ito pagkasabi ng thank you.

Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi na mahagilap ng mata ko ang lalaki. Bumalik ako sa upuan ko at tinuloy ang pag autograph. Maga-alas sais na nang matapos kami. Kinausap namin ang higher-ups sa larong aming sinalihan at kinuha ang premyo.

"Wala ka pa rin bang balak bumalik sa Pilipinas? Kahit bisita lang gano'n?" Kasalukuyan kaming nakain nang itanong ito ni Gracy.

"I still don't know, I don't have a reason to go there naman," saad ko at uminom sa wine ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ng dalawa.

"I'm sorry..." I said, almost wisphered.

"Where are you from?" Rinig kong tanong ng babae sa katabi namin na table.

"Philippines," sagot ng lalaki. That voice, natulala ako saglit. Nang nagkaroon ako ng lakas ng loob na humarap sa kabilang table ay babae na lang ang naroon.

"Dov'è l'uomo qui?" Nasaan na ang lalaki dito. Tanong ko sa babaeng naiwan, kahit nagtataka ay tinuro niya ang lalaking papalabas na nang restaurant na kinakainan namin.

Sa pangalawang pagkakataon ngayong araw ay hinahanap siya ng mata ko ngunit kahit anong pagikot-ikot nito ay hindi ko siya mahagilap.

Pinaglalaruan na naman ba kami ng tadhana?

"Huy! Kanina ka pa parang nawawala sa sarili!" Hinawakan ako ni Diana sa balikat, si Gracy naman ay agad akong niyakap.

"Nababaliw na siguro ako? Siya na lang lagi ang naiisip ko, kahit anong takbo ko ay hinahabol ako ng alal-ala," ani ko, hinawakan ko ang pisngi ko, hindi ko namalayan na basa na pala ito kaya agad ko itong pinunasan. Nakatayo pa rin kami sa tapat ng restaurant habang yakap-yakap nila ako.

Humiwalay ako sa kanila at nagpunas ng mukha. Inaya ko na silang pumasok ulit sa kainan at kwinento ko kung ano ang nangyari simula kanina. Nagkatinginan silang dalawa, pinaningkitan ko sila ng mata ngunit tanging iling lang ang sagot nila.

Umuwi kami sa bahay, tuwing narito sa Italy ang dalawa ay dito na sila nags-stay kahit pa may sari-sarili silang penthouse, para ko na silang kapatid kaya naman ay may sarili silang kwarto rito, malaki naman ang bahay kaya ayos lang kila mama at papa.

"Isabi mo na sa anak mo ang totoo Aye, ang sakit na makita ang anak natin na halos gabi-gabi umiiyak. Kung natatakot ka na mangyari sa kaniya ang nangyari sa'yo no'n ay hindi mo buhay ang buhay ng anak natin!" Dinig na dinig ko mula dito sa tapat ng pinto ng kwarto nila mama at papa ang pinaguusapan nila. Rinig ko ang mahinang paghikbi ni mama at ang mahinang pagmumura ni papa.

May tinatago sila, alam kong may kinalaman ito sa nakaraan na pilit nilang tinatakbuhan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha.

Pinihit ko ang door knob at naglakas-loob na magpakita sa kanila.

"A-Anong tinatago niyo sa akin?" saad ko na animo'y bulong lang sa hangin. Alam kong narinig nila dahil nagbago ang ekspresyon nila.

"A-Anak," saad ni mama at lumakas na ang pagiyak nia kaya kinailangan siyang alalayan ni Papa.

Tumingin siya kay papa at tumango lang ito sa kaniya.

Habang natulo ang luha namin ay binuksan niya ang drawer niya at may inilabas na envelope, agad ko itong binuksan at mariing pumikit.

"Ginawa ko ang lahat para sa'yo anak," saad ni mama.

"Ma, it's my life, my choice and my game," ani ko at nahihirapan nang huminga.

"Kung sa una lang ay nagpakatotoo na kayo at hindi nagsinungaling e 'di sana ako nasasaktan ngayon, mas nasasaktan ako sa mga nangyayari at pagsisinungaling ninyo kaysa sa ikinakatakot ninyo!" singhal ko sa kanila sa unang beses na pagkakataon.

Tumalikod na ako, hawak ang envelope at ang laro ng buhay ko sa aking kamay.

Isa lang ang nasa isip ko, uuwi ako sa Pilipinas.

Hindi pa tapos ang laro ko, naguumpisa pa lang.

Its either Ill play or Ill get played. Again.

PLAY WITH MEWhere stories live. Discover now