CHAPTER 1

1 1 0
                                    

Bago pa man ako makapasok sa kusina ay narinig ko ang pagtatalo nina mama at papa. "Bakit ba ayaw mo pang ipasara ang Felifaizah?" Mahinang ngunit madiin na sabi ni papa kay mama. Sasagot na sana si mama ngunit napansin niya akong nakasilip sa pinto kaya agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha niya; mula sa malungkot ay ngumiti ito at hindi man lang halata na may pinagtatalunan sila kung hindi ko pa naring.

Ayaw kong malaman nila na may narinig ako tungkol sa restaurant namin kaya ngumiti rin ako at umaktong walang nangyari. "Good morning ma, pa," saad ko at hinalika sila sa pisngi. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos, ramdam na ramdam kong may problema.

"Good morning kuya Joseph," bati ko sa family driver namin at pumasok na sa kotse. Pagkaupo ko ay agad kong pinakawalan ang kanina ko pa pinipigil na hininga.

"Ang lalim no'n Faizah ah, may problema ba 'nak?" Tiningnan ako ni kuya Joseph sa salamin, umiling ako at ngumiti. Para ko nang pangalawang tatay si kuya Joseoh kay naman ay malaki ang tiwala namin sa kaniya.

Nakarating kami sa Adamson University kung saan ako nagaaral. I am 3rd year college student and I'm taking BS Chemical Engineering at the same time cullinary class to help our family business.

"Hi Fai!"

"Girl, I love your hair!"

"Good morning Faizah."

Iilang bati sa akin habang naglalakad ako papunta sa building namin, pamnsan-minsan ay bumabati ako pabalik at minsan ay ngiti na lang ang naigaganti ko. Maraming nakakikilala sa akin since I'm the only one Dean's Lister sa block namin plus I'm one of the president sa organization here sa university.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na ako sa room namin, nginitian ko ang iba akong kablock. Umupo ako sa upuan malapit sa bintana at inayos ko na ang gamit ko para sa first subject.

Habang wala pa ang professor namin ay inilibot ko ang paningin ko sa room namin, halos lahat ay may kaniya-kaniyang grupo ng kaibigan. May nakakumpol at may tinitingnan sa cellphone ng kaibigan, mayroon namang nagaabutan ng make-up at suklay, ang ibang lalaki ay nagtatawanan sa pinanunuod nila at ang iba ay nagsasayaw.

Iniwas ko ang paningin at itinuon na lang ang atensyon sa labas ng bintana kung saan makikita ang mga bulaklak na iba't iba ang kulay. Counted as kaibigan ko naman na ang mga nakapalibot sa akin pero iba pa rin ang may pinagk-kwentuhan ka kapag punong-puno ka na, iba pa rin kapag may tinatawag kang sariling kaibigan at totoo sa'yo.

Even though I'm always telling myself I'm fine with what I have, I always feel that something is missing.

Nawaksi ang pagiisip ko nang marinig ko na ang malalim na boses ni Mister Gonzago, ang alam ko ay babalikan namin ang Solid Mensuration na topic ngayon. Buti na lang bago ako maglaro kagabi ay nag advance study ako.

May mga nagpatulong sa akin sa activity na binigay ng prof namin, I helped them since they needed it, ayos lang naman sa akin ngunit ang iba ay umaabuso na. It's wrong to give them your fish, dapat teach them how to fish and that's what I did, tinuro ko kung paano at sila ang gumawa at nagsagot.

Lumipas ang dalawang subject at vacant na namin, pwede na maglunch. I am not a loner, I just feel out of place everytime I'm in the cafeteria kaya nagbabaon na lang ako ng lunchbox at dito sa room nakain o kaya naman ay sa rooftop.

Ilang beses pa akong inakit ng iba kong kablock na sumabay ako sa kanila mag lunch but I declined. Nang kaunti na lang ang tao sa room at mga kakain na lang ang naiwan ay inilabas ko ang pagkaing laman ng paper bag ko. Pork adobo and a few side dish ang baon ko ngayon, tinext ko si mama para mag mag pasalamat at tinabi na ang phone ko.

After I ate, sumabay ako kanila Audrey na kablock kong pumunta nang cr.

"Paano mo naha-handle ang responsibilities mo here sa University at sa bahay niyo, Fai?" tanong niya sa akin, ngumiti muna ako. "Hindi ko rin alam e, siguro I'm just used to it na rin," ani ko at pumasok sa isang cubicle.

Naghugas ako ng kamay at inilabas ang pouch ko sa bulsa ko. Nagtoothbrush ako at habang inaayos ang sarili ay nakikipagkwentuhan lang ako sa mga kasama ko.

Makailang minuto pagkabalik namin sa room ay dumating na ang prof namin para sa last subject, bago lang siya rito sa Adamson at ang pagkaka-alam ko ay fresh graduate lang si sir sa masteral niya at dito unang magtuturo, Sir Michael Ferrer. May pagkabata ang guro namin na ito at agaw pansin din ang makisig niyang anyo kaya hindi maiwasang hindi magkagusto ang karamihan sa estudyante rito sa Adamson.

Habang sinusulat niya sa whiteboard ang takdang aralin namin ay huminto siya at nakita kong pinakiramdaman niya ang kung ano man ang nasa bulsa niya, inilabas niya ang cellphone at may binasa roon. "Ms. Yrahsvelt, sumama ka raw sa'kin sa Dean's Office," ani nito sa klase at inayos na ang gamit. Kinuha ko na rin ang bag ko dahil vacant na ang susunod na subjct dahil may meeting ang higher-ups.

"Sanaall makakasama si Sir," saad ni Gabrielle na may halong panunukso kaya pabiro ko siyang sinamaan ng tingin. "May iuutos lang siguro ulit si Dean o baka matatangal na ako sa Dean's List," saad ko naman para hindi na nila ako tuksuhin. Lumabas na si Sir kaya sumunod na ako.

"Do you have a boyfriend, Faizah?" Dahil sa gulat ko sa tanong ni Sir ay hindi ako agad nakasagot. Pansin ko ang pagtitig sa akin ni Sir kaya sumagot na ako, "Wala po." Tumingin ako sa gawi niya nang marinig ko ang pagtawa niya.

"Gusto mo ba ipakilala kita sa kapatid ko?" saad niya na ikinatawa ko rin.

Medyo assumera ako sa part na akala ko ay may gusto sa akin ang professor ko, irereto lang pala ako sa kapatid.

"Tsaka na po, marami pa ho akong responsibilidad bilang mag-aaral at anak," ani ko at tumingin sa maamong mukha ng guro ko. I don't know but amusement is all I can see in his eyes.

"Oh siya, dito ka na sa Dean's Office, may ipapagawa yata si Dean sa'yo," saad nito at naglakad na palayo.

Hindi naman kasama sa trabaho ng Dean's Lister ang paminsang-minsan na pag utos ng Dean pero isa ako sa pinagkatitiwalaan nito na estudyante kaya sa akin sila nakikisuyo. Ayos lang naman sa akin hangga't

PLAY WITH MEWhere stories live. Discover now