Chapter 2

12 0 0
                                    

Tapos na kaming magswimming ni beshy. Kaya naglakad na kami papunta sa sasakyan nya. Ay may itatanong pala ako sa bruhang to.

"Beshy, bago mo bang boyfriend yung kanina?" I asked.

"Huh? Sino?"

"Yung nagpaalam sayo kanina at talagang Jacqueline ang tawag sayo ah hahaha." Natawa ako kasi hindi nya gustong tawagin sya sa tunay nyang pangalan kasi nga DAW panget at hindi babagay sa maganda nyang mukha.

"So, sino nga yun?" I asked again.

"Kuya ko yun ano kaba." Ay kuya nya? Eh sa halos tatlong taon naming pagkakaibigan hindi ko alam na may kapatid sya.

"May kapatid ka pala besh?"

"Oo, 1yr lang gap namin. Sa states kasi sya nag aral ng highschool umuwi siya kasi dito daw sya mag co'college" She said. Ay nako kahit gwapo yung kuya ni beshy, parang masungit naman ang bastos pa.

"Hoy, anung nangyari sayo?" Tanong nya. Kaya ayun sinabi ko sakanya ang nangyari kanina. At ang pagkakataon nga naman tinawanan lang nya ako.

"Hahahaha, ganun talaga yun sa mga hindi nya kakilala" She said.

Argghh. Kahit na ang bastos parin. Salamat naman at nakarating na kami sa bahay. Inaya ko syang pumasok pero tumanggi siya kasi daw baka bumalik na yung kuya nya.

"Dumating narin ang mahal na prinsesa." Sabay silang tatlo.

"Hello rin mga kuya, okay naman ako. Salamat sa pag aalala" sarcastico kong sabi.

"Trix, malapit na ang pasokan. Wag ka ng maglalakwatsa." Kuya Mason said. Ay oo nga pala 3days nalang pasokan na.

4th year highschool na ako sa pasokan, ay kami palang dalawa ni beshy. Classmates kami ni beshy since 1styr.

"Sige kuya, akyat muna ako." Sabi ko.

"Wait wait, may nanliligaw ba sayo?" Tanong ni kuya Max. Hala? Pano napunta dun? E pasokan ang pinag uusapan namin.

"Bakit mo naman naitanong kuya?" I grinned. Gusto ko kasi silang lokohin haha ang dali kasing mapikon.

"Nako Trix, pag ikaw nagdala ng lalaki dito kakalbuhin talaga kita!" Kuya Toff shouted. At tumawa yung kambal. Takot kasi ako kay Kuya Toff :3

"Kuya naman. Diba sabi ko sa inyu binabasted ko yung mga manliligaw ko, studies first" I winked at him.

"Good. That's our girl." Sabi ng kambal. Napangiti ako hehe.

Yeah, since 1st yr madami na akong manliligaw kasi maganda tong lola nyo haha pero binabusted ko kasi takot akong kalbohin ng mga Kuya ko pero hindi ko rin naman gusto yung mga manliligaw ko.

Sabi nga ni beshy sakin. "Abnormal kaba besh? Bat wala kang crush? At ang gagwapo ng mga nanliligaw sayo at binabusted mo." Ako na po yung abnormal. Bakit? Required ba na mag ka crush? O magka boyfriend? Hindi naman dba?

So heto ako ngayon nag aayos na ng mga gamit ko para sa school kahit malayo layo pa. Tinext ko na rin si beshy.

To Jackie

Ready for senior life? Or ready to break someone's heart? -T

From Jackie

Both hahahahah. -J

Haha eh kasi naman cassanova yung babaeng yun. Madami ring nanliligaw sa kanya, sinasagot nya naman pero after 1or2days break agad. Opposite talaga kami ni beshy.

A/N. Johnson siblings on the side ;)

That's My GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon