Chapter 22: Enrollment

21 5 0
                                    

“Na sa University na ako Nile, magpapa-enroll ba tayo o hindi? Kung ayaw mo ma-una nalang ako. Bahala ka!” Bunton ko kay Nile pagka sagot niya ng tawag ko.

Nakakaasar na kasi, kanina pa ako dito.

Hindi naman sa nagmamadali ako, pero ang ganda ng usapan namin kahapon na 7:00 AM t'as 8:05 na. Asan ang hustisya dun? Kaya ayaw ko mag expect. Sakit sa panga.

“Ahm, Cass papunta na sorry, may hinihintay lang ako.Wag ma highblood umuusok na ilong mo nyan pfffttt~” Rinig kong pagpipigil niya ng tawa mula sa kabilang linya.

Napairap tuloy ako sa kawalan.
Langya to!

Balak pa talaga niya akong pagtawanan, eh kung bugahan ko kaya siya ng apoy na nakakasunog. HAHAHA natural nakakasunog nga naman ang apoy. Nakakag*g*!

Pero hinihintay? Sino naman yun? Hindi naman niya nabanggit kah–, ayts ano ba naman paki mo Cass. Wala kana dun. Pero ang mas nakakainis, may hinihintay siya tapos ako nag hihintay din sa kanya. Dapat ako lang huhu. Sabagay sino ba naman ako para hintayin, eh ako lang naman 'to, yung laging pinaghihitay.

♪♪That should be me~♪♪

Errr, eww I'm dead over him.

“Talaga lang ha, pag 'di ka pa dumating after 5mins. Ma u-una na talaga ako, at pakisabi na din sa hinihintay mo, pakibilisan.” Pagtataray ko.

Kapal niya para paghintayin ako! Kapal nilang dalawa!

Eh ansakit na kasi, masakit sa heart, charrott. Kanina pa ako nakatayo. Masakit na din ang sinag ng araw, kahit alam kong pampa-energy pa 'to. Ba't ganun, masakit pa din. Charrrrr.

Kung pwede nga lang, e-chika 'to si Kuyang Guard ginawa ko na e. Kung bakit ko pa kasi hinihintay ang kumag na yun, kung ganito lang pala na paghihintayin niya ako ng matagal.

How I hate waiting! Sana pala pumasok na lang ako sa University at dun na lang naghitay. Arrghh!

“Yess! Captain right away! Sorry talaga, ambagal kasi ng babaeng 'to. Cathy, bilisan mo nagagalit na girlfriend ko!” Rinig ko sa kabilang linya.

Errr, tsk girlfriend daw sapakin ko kaya 'to sa mukha. Duh, hindi naman ako slow para hindi maintindihan na ako yung tinutukoy niya na girlfriend 'kuno'. He's always like that since-- err, ayan ka na naman Cass. Assuming lang ang peg? Remember our mantra, ang assuming hindi sumasaya!

For sure, ang ibig sabihin niya ng girlfriend ay kaibigang babae lang. Oh, edi may masasaktan!

“Oh sige sige na! End ko na 'to. Bilisan nyooo masasayang oras ko sa inyo.” Ganda pa naman ng gising ko kanina, kasi enrollment.

Atleast nakalabas ako ng condo tas makakasama ko ulit si Nil–ha? Ano sabi ko? Nile? Nahh, you're out of your mind again, Cass. That's nonsense!

But there's a side of me na nag e-expect na magiging maganda yung araw ko ngayon. Pero anong nangyari wala diba? Sige, expect pa.

“Okayyy, sorry ulit I'll be there in a minute.” Sagot niya at pinatay ko na ang linya.

I really hate waiting, pero ewan ko sakin kung bakit pinipili ko pa ring maghintay. Palagi akong pinaghihitay, naghihitay, naghihitay, at naghihitay pa rin. At ito namang si Nile, parang ewan din.

Kung iniisip niyo kung bakit, hindi kami nagkasabay ni Nile papunta dito sa University ay dahil umuwi siya sa bahay nila kahapon. Hindi ko alam kung bakit, hindi rin ako nagtanong.

Inilagay ko na lamang sa shoulder bag ang cellphone ko, at nagpalinga-linga sa paligid nang hindi sinasadyang mapatingin ako sa kabilang kalsada kong saan may nakatayong puno.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PASSIONATE NIGHTMARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon