Chapter 9: Arrival

30 6 0
                                    


Nakabusangot ang mukha ko habang naglalakad papasok ng gate namin. Wala ako sa mood dahil sa balitang natanggap ko. Nakakainis, akala ko ba next week pa ang dating ni Lolo,
bakit napa-aga yata? Lolo talaga more on surprise. Sana na-delay na lang hindi yung ganito na napa-aga pa.

'Huhuhu'

Iniiwasan ko talaga 'to e, pero kahit anong pilit kong iwas ay siya namang lapit nito sakin. Nakakainis 'to, kahit anong gawin ko wala akong takas kay Lolo. Hindi naman sa pine-pressure ako ni Lolo na sumama sa kanya pero nahihiya na ako kakatanggi.

Lolo had no idea what was my real reason why I really wanted to stay here. Or maybe alam niya talaga.

Bumukas ang pinto at hindi ko inaasahan ang bumugad sakin. Nakangiti siya habang nakataas ang isang kamay as if gesturing 'hi' at nakatingin sakin.

Hindi ko siya pinansin at nilampasan lang siya. Naramdaman kong sumunod siya sakin hanggang sa mailapag ko ang mga gamit ko sa sofa saka ako pabagsak na naupo doon. Hindi pa din siya pinapansin.

"Aren't you happy to see me here?"alam kong naka pout na ang labi niya kaya hindi na ako nag aksayang tignan pa siya.

Nanatili akong nakatingala sa kisame. Nai-istress ako sa pressence ng taong 'to.

"Come on Cass, why are so stubborn!"

Tsk, stubborn mo fizlack mo.

"Shut up!"sabi ko at umayos ng upo habang hindi pa rin siya tinitignan.

"Cassy!!!"parang bata na sabi niya. Wait--Cassy?! What the. Nakakunot ang noong napabaling ako sa kanya.

"Tigilan mo nga ako!"inis na sigaw ko.

"Bakit ba ganyan ang pakikitungo mo sakin ha Cassandra "Cassy" Sheridan?! Are you not happy to see me here ? Am I just a ghost here that is invisible in your eyes?"napangiwi ako sa mga sinabi niya.

Kailan pa naging Cassy ang nickname ko! Ang sakit sa tenga pakinggan. Ewan! Hindi ko alam kong anong nakain ng taong to ngayon at ganito ang trip nito ngayon.

"Hoy--!"

"Are you still blaming for what happed huh?!"nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.

Marahas akong napatayo mula sa pagkaka-upo. Masama ang tingin na ipinukol ko sa kanya at tatalikuran na sana siya ng-

"Hindi nga ako! Hindi ako ang dahilan kong bakit iniwan ka niya!"sigaw niya.

My God anong drama ba to? Seryoso, para siyang baliw! Napapikit ako at napatigil sa paglalakad. Inis akong humarap ulit sa kanya. At inis na hinagis sa direksyon niya ang isang throw pillow mula sa sofa.

"What are you talking about?! Baliw kana. Kalalaking mong tao tsk!"asik ko at tuloyan na siyang tinalikuran. Naglakad ako papunta sa kusina.

"Hahahahaha. Nagbibiro lang Cassy!"pahabol na sigaw niya at humabol din sakin sa kusina.

"Drop the Cassy. Bading!"

Hindi ko siya pinansin at kumuha na lang ng tubig sa ref. Uminom ako ng tubig at ibinababa ang glass pagkatapos at bumaling ulit sa kanya.

"Tigilan mo nga ako. Hindi ka parin talaga nagbabago isip bata ka parin"iling-iling kong sabi ng makarating siya kusina at umupo sa chair sa harap ko.

"Ikaw din short temperd pa din. Nakamove-on--!"hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil mabilis na inihagis ko sa mukha niya natitirang tubig sa glass na ininuman ko.

"Ooops! Sorry"mahinang bulong ko habang nagpipigil ng tawa. Nakita ko ang pagpalit ng reaksiyon ng mukha niya.

Pikon talaga!

PASSIONATE NIGHTMARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon