Chapter 5

10 0 0
                                    

Chapter 5

Nagising ako sa malalim na pag-iisip nung nakita ko ang isang taong sagot sa mga katanungan ko.

 

“Kaiser”

 

Halos pabulong kong sabi, taimtim syang nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Nakaramdam ako ng habag sa nakikita kong ekspresyon ng kanyang mukha halos bagsak ang mga mata mababakas ang ilang gabing walang tulog. Gustong gusto ko na syang yakapin, hindi ito illusion o imagination. Sya ang nakikita ko, akmang tatayo na ako ng biglang lumihis ang kanyang tingin at nagmamadaling umalis.

“Kaiser! Sandali Kaiser” sigaw ko. Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga dahil sa mga iilang customer na pinapanood ang pag panic ko. Nakalabas ako, muli akong sumigaw.

“Kaiser!!! Hintayin mo ako” ngunit mas lalo lang bumilis ang mga hakbang nya. Sinugod ko ang ulan, wala akong pakealam.

“Kaiser”

Hindi sya lumilingon.

“Kaiser! Please mag-usap tayo for the last time.”

Halos maputol na ang litid ko makahabol lang sa kanya. Huminto sya, O my God! Huminto sya. Naging excited ako kaya di ko namalayan na may nakaharang na basurahan sa dinadaan ko. Natumba ako, mahapdi ang tuhod ko dahil sa pagsuporta sa katawan ko. Nakita ko syang lumingon, bumakas ang saglit na pag-alala at mabilis din napalitan ng malamig na tingin. Pinilit kong itayo ang sarili ko ngunit walang lakas ang mga binti ko parang namamanhid.

“Pinapahirapan mo ba talaga ang sarili mo?”

“Kaiser”

Nilahad nya ang kanyang kamay at maingat akong tinayo.

“Kaiser, mag-usap tayo parang awa mo na” humihikbi na ako.

“Stop crying. Don’t waste your time for me” malamig nyang turan.

“Kaiser please, gusto kong malaman kung bakit ka nakikipag break?”

“It’s done already, Nakipag break na ako remember? Everything between us is closed already.”

“Pero hindi ako pumapayag! Sa relasyong ito dalawa tayo ang magdedesisyon. Bakit ikaw lang? May karapatan ako! Hindi ako makikipag kalas sayo kahit anong mangyari! Bakit Kaiser, ano ba ang nagawa ko? Am I being nagger? pwes hindi ko na gagawin yon! Napre-pressure ka ba sa akin? Pwes hahayaan kita kung anong gusto mong gawin. Nawawalan ka ba ng oras sa sarili mo ng dahil sa akin? Pwes hindi ko aagawin yang oras mo, maghihinaty ako hanggang sa may free time ka na. Maghihinaty ako kung pwe - - -.”

“Pwede ba! Tama na Alyannah! Tapos na tayo! Mahirap ba intindihin yon? Gusto mong malaman talaga? Pwes! nachallenge lang ako sayo, ti-nry ko kung saang level ka bibigay sa akin and I succeeded. Biruin mo ang amazona sa campus na uto ko, nag uumpisa pa lang ako napa-ibig na kita. Alyanah you’re such a gullible!”

“Hindi! Hindi totoo yan! Sinasabi mo lang yan para umalis ako sa buhay mo. Hindi ako naniniwala sayo Kaiser. Mahal mo ako. Alam ko!” humahagulgol na ako.

“Look Ms. Cristobal! I DO NOT LOVE YOU! I DIDN’T LOVE YOU IN EVERY SINGLE TIME! HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SAYO! MUKHA KANG BASAHAN! YOU ARE FAR FROM ME! HINDI KO AKALAIN NA BUKOD SA UTO-UTO KA! ASSUMERA KA RI --- ” hindi ko na sya pinatapos. Sinampal ko na sya.

“I didn’t expect it from a man who has dignity! Ganyan pala kababa ng tingin mo sa isang tulad ko! Don’t worry Mr. Dela Fuente. We will not see each other again. I’ll assure that. Thanks for the experience. NICE MEETING YOU”

Nilagpasan ko sya, unti unting narinig ang hikbi na kinina ko pa pinipigilan. Ang tanga tanga ko! Umibig ako sa isang manloloko! Nagpa-uto ako! Lord di ko ata kaya! Ang sakit sakit na po. Feeling ko mapupunit ung dibdib ko sa sobrang sakit. Bakit po Lord? Sa dinami dami ako pa. Tuloy tuloy ako sa paglakad natigil lng ako sa mga sigawan ng tao at hindi ko inaasahan ang dilaw na sasakyan patungo sa akin.Nanigas ako sa kinakatayuan ko. I give up. I QUIT.

“Lord. Take me!”

 

 

 ----------------

I Promise this time I Meant itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon