Chapter 4

10 0 0
                                    

Umalis ako at iniwan sila. As usual, cutting classes again. I went to a coffee shop at umorder ng lutang. I cannot even sip my coffee, stirring is the right word.

I cannot imagine that I will experience this kind of pain. Hindi ko akalain na yung inakala kong forever nagwakas lang sa isang kisap mata. Kaiser is my dream man though we started on an akward situation. As a girl, he is the guy who filled my emptiness. I experienced the best relationship with him yet the best painful battle. Hindi nga masasabing "battle" dahil ako lng naman ang lumalaban. Nakaharap lang ako sa labas na natatabunan ng makapal na salamin, pinapanuod ko ang paroo't parito ng mga tao at ang pagdaan ng mga sasakyan. Matagal akong nakatulala at unti unting napansin ang pagpatak ng ulan.

Ulan...Ulan na siyang nagpapaalala sakin kung paano kami nagsimula.

FLASHBACK...

It was a late thursday morning when the University declared a suspension of the class. What the freaking eff? Mula madaling araw umuulan na pinalusong pa kami sa baha sabay wala naman palang pasok, magdedeclare kung kelan malapit na kaming lumubog...hindi kami isda at mas lalong hindi kami immortal. Nasaan ang hustisya?tsk..tsk..

" oh yanah naka busangot ka dyan?"

"Adik tong university na to e, nawawala pa naman payong ko...buset talaga"

"Nawawala na naman...ikaw talaga pang ilang payong na yan ha?"

"Hmmm...I lost count hehe"

Biglang naputol ang munting chitchat namin ni Danica ng may tumawag sa kanya.

"Hello kuya"

"Oo pauwi na,nasa labas ka na?"

"O sige andyan na"

Binaba na nya ang cellphone nya at lumingon sakin..

"Pano yan yanah,andyan na si kuya"

"O sige ingat!see you when I see you" naka ngiti kong paalam at sya namang kaway na nito paalis...

ay shete!nakalimutan kong hiramin ang payong nya...hmmmp malas makaalis na nga.

Malayo pa naman na lakaran to bago ako makarating ng labasan, dadaan pa ako sa engineering building tapos botanical garden then parking lot bago main gate.Haysst! Hindi biro to.

"Hoy!"

"Ay pesteng palaka" sino ba tong herodes na to na nangugulat pa. Aba ang walanghiyang lalaki na to.

"Hoy hindi ako palaka noh"

"Alam ko,peste nga lang.tse!"

"As always..ms. sungit"

Binalewala ko siya at lumakad na...shete tatawid na ko ng building at ready na akong mabasa...ayan nah ang ulan! Ay teka...

Nakoo si mr. Herodes pala,naka payong! May kabutihan din pala sa katawan.

"Problema mo?!"

"Ikaw...ang sungit mo naman ikaw na nga pinapayungan"

"Tse! Makaalis na nga"

"Uuwi ka na?"

"Hindi papasok pa lang...malamang!"

Di ko namalayan na nakarating na pala kami ng parking lot...

"Hop in, I'll drive you home" alok nito

"Ano?"

"Di ka marunong umintindi ng english?"pilosopong sagot nito.

"Siraulo! Ang ibig kong sabihin..bakit? Bakit mo ako ihahatid...eh noong isang araw lang bad trip na ba bad trip ka sakin taz ngayon...ang bait mo na...yung totoo may hidden agenda ka noh...ano ipapasalvage mo ko noh?!"

"Ano ka loka loka?! Alam mo paranoid girl nagmamagandang loob lang naman ako dahil hindi na passable ang daan kung magcocomute ka...ikaw bahala kang lumangoy mag isa tsk..."

Napaisip ako...oo nga naman kung magcocomute ako aabutin ako ng siyam siyam sa paligsahan bago makasakay at sa tindi ng lakas ng ulan baka manghiram ako ng salbabida ng wala sa oras dahil hindi ako marunong lumangoy....PERO? bakit ako maniniwala sa mokong na to?

"Bahala ka kung ayaw mo wag mo....di din kita papahiramin ng payong" iniwan nya na ako at pumasok na sa loob ng land cruiser.

"Teka!"

Mabilis pa sa alas kwatro na binuksan ko ang passenger seat...

"Sasakay ka naman pala eh...pakipot ka pa...o towel magpunas ka"

"I have no choice,okay" I glanced at him

Matapos kong sabihin ang address ko...tahimik akong nakadungaw sa bintana...tahimik kami sa loob ng sasakyan mabuti nalang may matataas pa din na daanan papunta samin at di pa gaanong traffic kaya di kami gaanong natagalan.

"Kakaliwa ba or should i turn right"

Eh kung sabihin kong backward,kutusan kaya ako nito? Haha malamang, ang bait na nga e.

"Left"

Natatanaw ko na ang bahay namin.

"Oops dyan nalang sa may blue na gate"

Huminto na kami mukhang wala pang tao sa bahay...

"Salamat ng marami" nahihiya kong turan

"Your welcome, tsaka utang to noh"

"Utang ka jan...magkano aber"

"Hindi magkano kung hindi ano"

"Eh ano pala?"

"I'll just think about it" nakangiti nitong sabi...hala ka bat ang gwapo naman nito.

"Tse!teka di pa tayo magkakilala kanina pa tayo magkasama"

Nagtaka naman to

"Di mo ko kilala?"

"Hindi!! sino ka ba? epal to...dali na ano name mo?"

"Kaiser"

"Kaiser ano?"

"Why are you so interested?"

"Duh?! Pwede ba wag mong bigyan ng ibang meaning...kung ayaw mo wag mo"

"Teka linya ko yan ah...Dela Fuente ang surname ko...you?"

"Alyanah Cristobal"

"Nice to meet you Alyanah"

Ngumiti ako ng tipid at nagpaalam na...

"Thank you sa paghatid"

"Anytime"

END OF FLASHBACK

I Promise this time I Meant itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon