Chapter 1

59 1 3
                                    


Beep*

1 text message received...

From: Kaiser ♥

let's meet at rooftop after your class...

Napangiti ako, this guy is so amazing. Napaka bossy pa din kahit kailan. Mareplyan nga.

To: Kaiser

Why? missed me already?

Send

Napangiti na naman ako, it's been two months since I began to smile this often. Iba yung pakiramdam kapag naranasan mo 'yung ganitong feeling. Para bang FIL lang, feeling in love. Ganito pala 'yon,yeah this feeling is new for me. This is unlike me, I mean because he was my first kaya lahat ng pagbabago sa akin, siya ang dahilan. Before, I was timid  pigil na pigil ang mga pagtawa ko pero simula ng nakilala ko s'ya nagbago ang lahat which is good naman.

By the way, I'm Alyana Cristobal. 4rth year BSBA major in Marketing Management student. I'm 19 years old and I'm the eldest, 4 years lang ang gap namin ng kapatid kong si Aldrin. My parents are both inclined with business that's why I took up Marketing but we are not the type of super yaman, sakto lang infact we are just an ordinary. I live my life as simple as I wanted to not until I met Kaiser Dela Fuente a BA major in Political Science student and the son of the Governor. Two months na ang relationship namin,hanggang ngayon di ko mai-magine na magiging kami. Madami na din kaming obstscles na pinagdaanan because of his popularity and fortunately going strong pa naman. Confident ako na kahit anong problema ang dumating malalagpasan at malalagpasan namin ito. Oo, ganun ako ka-confident. Bakit? Simply because we love each other. Oops! Here he goes, nagtext na ang mahal na duke :)

From: Kaiser ♥

:), I have something to tell...

bakit iba yung dating sa akin? Parang kinakabahan ako pero ganun pa man, nag reply pa din ako ng

"okay, c u".

Natapos na ang huling subject ko kaya mabilis kong iniligpit ang gamit ko para mabilis na makaalis...

"oh aalis ka na?" - Innoh

Iyan si Innoh Madrigal, ang lalaking bestfriend ko na apo ng may ari ng school na to. Naging magkaibigan kami simula first year kagaya ni Danica na isang bestfriend ko naman parepareho kami ng kurso.

"oo magkikita kami ni Kaiser"

"tsssh..okay sige ingat"

Sa rooftop,

Ito na ang nagsilbing tambayan namin since dito din kami nag aminan, dahan dahan akong lumakad palapit sa nakatalikod na pigura, still the same, a dashing gorgeous kahit naka talikod? Iba talaga ang lalaking ito, hanep.Hindi ko maiwasang humanga sa kanya hanggang ngayon.

Itinakip ko ang aking mga palad sa kanyang mata.

"Guess who?"

"tsss, old style. Sino pa ba?"

 I pout

Inalis nya yung mga kamay ko ng hindi pa din sa akin lumilingon kaya tumabi nalang ako sa kanya at ginaya ang ginagawa, nakatingin sa malayo.

"Ano nga pala ang pag-uusapan natin" tanong ko sa kanya dahil simula ngayon may kakaiba sa kanya.

Hindi siya sumagot kaya nabahala ako

"may nangyari ba? Is there something bothering you?" - ako

"wala naman"

There you are, nagsalita na din s'ya pero bakit ang tipid naman ata at may nahimigan ba akong pagkalamig sa boses nya o imagination ko lang 'yun?

"then what is it?"

Mahabang katahimikan, kinakabahan ako ito ang unang pagkakataon na nakita ko syang ganito. Wala kang emosyon na mababakas.

Huminga sya ng malalim bago nagsalita,

"Let's stop this"

Ha? Ano daw?

"ano ang ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko. Ayokong isipin yung hinala ko kaya umaasa akong iba ang magiging sagot nya...

"Let's stop this...Let's end this, tigilan na natin to"

Ngunit nagkamali ako, ang pinaka kinatatakutan kong mga salita...

Nangingilid na ang mga mata ko, nagbabadya na ang mga luhang bumagsak ngunit di pa din ako nawawalan ng pag-asa.

"tigilan ang ano?" gosh garalgal na ang boses ko

"you know what I mean"

At doon pa lang sya humarap sa akin

"Let's break up"

Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko

"bakit? Masaya naman tayo ah, anong problema? Come on tell me, sabihin mo sa akin, may nangyari ba?"

"wala, walang nangyari"

"eh kung wala bakit humantong tayo sa ganito, is there someone else?" umiiyak na tanong ko.

"wala wala, alam mong ikaw lang Aly"

"eh p*tang*na, bakit ka nakikipag break sa akin? Ano ang dahilan? Dahil hindi ako manghuhula dito na kayang malaman kung ano ang tumatakbo dyan sa utak mo!" hysterical na ako.

"dahil ito ang mas makakabuti, sa akin at sa iyo"

"hin---di kita maintindihan,ikaw....ikaw ang makakabuti sa akin...anong pinagsasabi mo?"

"napag isip-isip ko na ito ang tama, ito ang kailangan natin"

Kinuha ko ang kamay nya

"pero ikaw ang kailangan ko, please Kaiser don't do this to me, nagmamakaawa ako"

"oh God, Aly"

Yun lang ang nasabi nya at niyakap nya ako

Umiyak lang ako ng umiyak, siya alam kong umiiyak na din

"mahal kita, lagi mong tatandaan yan. Mahal na mahal kita"- Kaiser

"Kai---ser"

I called his name between my sob.

Humigpit ang yakap nya at dahan dahan ding lumuwag

"Kaiser?"

"Let's end this Aly, okay. Good bye Aly"

"Good bye Aly"

"Good bye Aly"

"Good bye Aly"

Paulit ulit kong inunawa ang sinabi nya....

Wala akong mahanap na salita

Hinalikan nya ako sa noo at lumakad palayo, gusto ko man syang habulin at pigilan, wala akong nagawa parang nanghina ako para akong kandila na unti unting natutunaw.

"Kai--ser"

Ang mga katagang nasabi ko...

I Promise this time I Meant itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon