WARNING: TYPO AND ERRORS AHEAD
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐓𝐡𝐫𝐞𝐞
𝐊𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Seryusong tanong ng babaeng nabangga koSorry na, eto lang ako!
Kung makalakad naman kasi, akala mo nasa red carpet eh noh?
"Sorry po, eh hindi ka naman po tumitingin sa dinadaanan niyo eh!" Saad ko
"So kasalanan ko pa pala?" Sarcastic niyang tanong
"Hindi naman sa ganun-"
"Eh parang ganun na din yun!" Putol nito sa sasabihin ko
Kung di kaya ako patapusin nito eh noh?
Maganda sana, kaso hambog naman!
Ganun siguro mga anak mayaman. Mga spoiled kumbaga!
"You just ruined my day!" At umirap ito sa kawalan at nag walk out palabas ng building
"Tss" Bulong ko sarili ko at nagpatuloy nalang sa paglalakad
Kababaeng tao ang yabang yabang!
Kulang ba siya sa aruga?
.
.
.
.
.
Nandito ako ngayon sa office kung saan ang sinasabi ni Justin na paga-applyan koShocks, nandito ako sa pinakatuktok. Inshort, sa Penthouse!
Nakakalula, ayuko na!
Halos tanaw na tanaw ko na ang buong Manila!
"So you're Mr. Ken Suson?" Tanong ng isang lalaki na ang tantiya ko, nasa around 30s pa lang siguro?
Di ko masabi, mukhang bata pa eh!
"Yes Sir!" Sagot ko rito at agad itong nakipag kamay sakin
Grabe, nanginginig ang kamay ko! Nakakahiya..
"You're Mr. De Dios' friend?" Tanong muli nito kaya tumango ako
"Ako nga po!" Tumatango kong saad
"Don't be nervous Mr. Suson, I don't bite!" Pabirong saad nito kaya lihim akong tumawa "I am Mr. Tristan De Villa by the way!" Pagpapakilala nito kaya ngumiti na lang ako
Bait niya pala, parang ang gaan na ng loob ko sakanya!
"Maybe I'm already familiar to you if I'm not mistaken?" Saad pa nito kaya tumango ako
"Yes Sir, you're already familiar to me!" Taas noo kong sagot "Di ba po kayo ang may ari ng building na toh?" Paninigurado ko kaya agad naman siyang tumango
"Yes you're right Mr. Suson!" Sang ayon nito at tinanaw ang bintana kung saan tanaw mo na ang lahat ng gusali na makikita mo
Swerte nila!
"I bet... It's your first time here?" Tanong muli sa kawalan ni Sir Tristan kaya tumango ako
"Yes po sir. Di ko po akalain na... Malaki pala talaga ang building na toh." Puri ko "Maswerte po kayo kasi dito kayo nakatira. Tinitingala kayo ng bawat tao!"
"Thanks for the compliment Mr. Suson" Sagot ni Sir Tristan kaya ngumiti na lang ako
Kinakabahan pa rin ako!
Feeling ko babagsak na lang ako sa sahig bigla kapag tumingin ako ng matagal sa mga building sa baba
Para akong nasusuka na ewan!
"Tanggap ka na Mr. Suson!" Nagulat ako sa sinabi niyang yun kaya tiningnan ko siya
"Talaga po Sir?" Paninigurado ko kaya tumango ito
Eh?
"Ang bilis naman po ata..." Kamot batok ko
"Why? Ayaw mo ba?" Tanong nito sakin
"Ayy, hindi naman po. Ang bilis lang po kase!" Sagot ko rito
"Based on what you act. I think puwede ka na maging secretary ko!" Sagot nito
"Salamat po ng marami Sir!" Nakangiti kong saad
"And I think, magkasi-edad lang kayo ng anak ko!"
Ows, may anak na pala:)
"Ayy, may anak ka na pala Sir?" Tanong ko kaya tumango ito
"Yes, I do... And she has the same age as you!" Sagot nito "And I think magkakasundo kayo!"
"Di po halata Sir"
"Many people say that! Di na ako magtataka!" Saad nito "My daughter is not here kasi, for sure kasama nun yung tropa niya!"
"Come with me Mr. Suson, ipapakilala kita sa asawa ko!" At tinapik niya ang balikat ko at inakbayan ako
Wews, nakakailang!
Sanay naman ako na inaakbayan ng mga kapwa lalaki ko. Pero iba tong pakiramdam ko kay Sir Tristan!
Di ko maipaliwanag-
𝐋𝐨𝐫𝐚𝐢𝐧𝐧𝐞'𝐬 𝐏𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐎𝐟 𝐕𝐢𝐞𝐰
Nandito ako ngayon sa mall para magpa-chill. Hindi ko ma take sa Penthouse! Boring naman ehTch, ba't parang hindi pa ako sanay?
Come to think of it... Kahit naman nandiyan ang mga magulang ba't feeling ko hindi pa rin ako belong?
Kahit anong pagu-usap ang gawin namin, wala pa rin!
Kesyo... Mahal daw nila ako! Para daw sa kinabukasan ko toh
Baka para kamo sa kinabukasan ng Penthouse.
Muntanga lang?
Ang dami ko ng problema sa buhay ko. Tapos dumagdag pa yung dayo dun sa Penthouse!
Pero infairness sayo, kahit moreno ka. Guwapo ka pa den!
Kaso ang bad na ng impression ko sayo!
𝐄𝐧𝐝 𝐎𝐟 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐓𝐡𝐫𝐞𝐞
DISCLAIMER:
📌 Pure fanfiction only
📌 Don't take it too serious
📌 This story is based on the authors imagination
📌 None of these happenings happened in real world
📌 I don't tolerate of reposting my works. Nakamamatay yan. Kidding!
📌 @madambibe for a/a
📌 You can add/follow me on Facebook Archanian Ji Ah Ajero
BINABASA MO ANG
Forbidden [SB19_KEN]
FanfictionA young lady who lives in a Luxurious Penthouse And a man who live such a simple life Two lifes will cross paths. And two hearts cross paths 𝘋𝘦𝘴𝘵𝘪𝘯𝘺? 𝘉𝘶𝘵 𝘯𝘰𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶...