Chapter 18: Noah's A. and Adam's A.

1.5K 135 23
                                    




꧁༒༺🦉༻༒꧂

Adam:

Year: 2005, Metro Manila (Present)

Bumalik ako sa kasalukuyan. Wala akong suot na kahit ano pero baon ko sa aking pagbabalik ang matamis niyang oo.

Nakatupi nang maayos ang mga damit ko sa gilid ng banyo. Sa isang sulok ay nakita kong nakaupo si Noah na umiidlip. Marahan akong humakbang at isinuot ang mga damit ko. Pinagmasdan ko ang aking relo.

"Tatlumpung minuto na ang lumipas," bulong ko.

Nilapitan ko si Noah. Maayos ang pagkakasandal niya sa sulok. Pinagmasdan kong mabuti ang ang mukha niyang tila pagod. Ang noo niyang nakakunot. Ang mga kilay niyang magkasalubong habang malalim ang kanyang mga hininga.

Nakita ko ang maliit na journal na nabitawan ni Noah sa sahig. Naalala ko ang mga kuwento niya. Ang pag-aabang niya sa ilalim ng puno. Mula 1996 hanggang sa kasalukuyan. Napakagat ako ng aking labi. May kaunting kirot sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng awa para sa binatang buong buhay akong tinutulungan.

"Ito marahil ang listahan na tinutukoy niya," ani ko.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kanyang journal. Marahan ko itong pinulot. Natunghayan ko ang mga sulat kamay ng isang bata sa mga unang pahina na unti-unting umayos at gumaganda sa mga sumunod pa. Nakalagay dito ang mga listahan ng petsa kung kailan sila magtatagpo. May mga sticky notes din na nakadikit na halatang siningit sa mga ibang pahina.

Yumuko ako upang pagmasdan ang natutulog kong nobyo. Ang bago kong kasintahan. Mapupungay ang mga mata na parang kahit sa panaginip ay iniisip kung ayos lang ba ako sa timeline na aking napuntahan.

"You've been doing this for a long time?" tanong ko.

Marahan ko siyang hinalikan sa pisngi. Parang bagong bukang bulaklak kung imulat niya ang kanyang mga mata. Nakatitig lang siya sa akin bago ko siya nginitian.

"Uy! Hala! Ano? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" pag-aalala ni Noah.

Natataranta ito bigla. Sinimulan niyang kapkapan ang katawan ko. Tinignan niya kung may sugat ba ako mula paa hanggang ulo. Agad siyang napatayo upang mas lalong makita kung may natamo ba akong galos.

"I came from the music room," saad ko. Parang may tumatambol sa dibdib ko habang inaalala ang mga nangyari sa music room. "When we had the... you know, the talk."

Mabilis na nagkulay kamatis ang mga pisngi niya. Nagsimula namang mag-init ang mukha ko. Nakatitig ako sa kanya. Pinipigilan kong kiligin sa banyo. Abot-tainga ang aking ngiti habang ipinakita ko sa kanya ang journal niya.

Marahan niya itong kinuha. Bago pa niya maitago ay bigla ko siyang niyakap.

"Hey. Are you okay?" malumanay na tanong ni Noah.

"Thank you," bulong ko. Lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Idinikit ko ang ilong ko sa leeg ni Noah at nilanghap ito. Amoy vanilla. "Thank you for everything."

Matapos ko siyang yakapin ay nagtagpo ang aming mga titig. Ang bughaw kong mga mata at ang mga mata niyang kulay champorado ay maiging nagkatitigan. Dahan-dahang naglalapit ang aming mga labi. Umiikli ang pagitan ng bawat isa habang dumadaan ang bawat segundo.

Pareho kaming napahinto.

"Noah!" sigaw ni Nico sa labas ng banyo. Kinakalampag na nito ang pinto. "Noah! Isn't he back yet? Kanina pa pabalik-balik ang mga tao dito sa labas. Hindi ko na kayang bantayan tong 'clogged toilet' sign."

Ark and Apple (The Time Traveler's Boyfriend Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon