#2.
I'M INLOVE WITH THE ONE I USED TO HATE
"Kyxer, ano ba tabi nga! hinaharangan mo na naman ang dinadaanan ko."Naiirita kong sabi.
Sira na tuloy ang araw ko, may pangit kasing bungad. Malas.
"Oh miss byutiful, ang agang kay sungit na naman ba?" nakangising sabi niya.
Ewan ko ba naiirita talaga ako sa lalaking 'to wala pa ngang ginagawa naiinis na ako. Kaya dating namin araw araw ay puro bangayan hinde halos magkasundo para kaming apoy at gas kapag pinagsama sisilab.
"Hoy, unggoy!" tawag ko sa kay Kyxer.
"Ang gwapo ko namang unggoy kung ganon, Tam." birada niya.
"Kahit ano pangsabihin mo, unggoy ka parin." sabi ko sabay irap.
Tumawa naman ang mga kaklase namin, sanay na sanay na sila sa amin kahit walang araw na hinde kami nagbabangayan inis ako sa kanya tas iniinis niya naman ako. Aba kasalanan niya yon pinanganak siyang pangit eh, buwisit yung pagmumukha niya eh.
"Mr. Kyxer Feliciano and Ms. Tamarra Samaniego! Ano hinde na ba talaga kayo titigil kakabangayan? Araw-araw nalang."
"S-orry M-am." sabay namin sabi kaya inirapan ko siya.
"Grabe ang taray mo talaga whenever Tam, bagay talaga sayo ang tawaging tamaraw parang galit lagi itsura nun eh." sabi niya na agad naman nagbungingisan ang mga kaklase namin.
"Aba't ano, loko ka ah. Do I look like a tamaraw to you?!!" Singhal ko sa kaniya.
"Uh, Hinde ah. Actually you aren't look like one, but you act like one pero buti nalang maganda ka Tamarra." he smiled and wink at me like, i should take that as a compliment.
The nerves of this guy. Arghh!! Kainis talaga. Pero mas lalo lang akong nairita nang umalulong ang hiyawan ng aking mga kaklase. Then, I suddenly felt my stomach a weird feeling at his sudden gesture.
Nagtuloy tuloy ang ganung pang-aasar ni Kyxer saken nang may kasamang banat and kahit anong tanggi ko sa sarili ko may nararamdaman akong kakaiba sa sistema ko at ang nakakainis di ko iyon mapangalanan at nagkakaganun lang ako tuwing nandiyan siya sa malapit, inaasar ako at tuwing bumabanat siya. And I think I'm doom.
One day, dahil Kyxer and I are seatmates. Mrs. Anciento gives us a task and that is to make a LOVE-HATE campaign and that is presented soon. Kahit naman mapang-asar 'to si Kyxer di ko naman maipagkakaila na isa siya sa mga nangunguna sa aming batch.
"Tamara, may mini lib kami sa bahay and di naman masyadong gamit yon ng parents ko kaya dun nalang tayo para mas safe na rin." Sabi niya kaya tinanguhan ko nalang siya para wala nang daming sabi.
——————————
"Bukas na pala, kaya natin 'to inaral naman natin eh tsaka mag-apply na rin tayo ng mga personal experience kung meron, sya nga pala uwi na ako gabi na rin eh." sabi ko pagkatapos sa 5 oras na ginugol para sa aming proyekto.
"Sige, hatid na kita delikado madilim na sa daan." sabi niya at naunang maglakad palabas ng gate.
"May mabait ka rin palang side, ano Kyxer no?" natatawang komento ko sa paghatid hatid niya.
Matagal bago siya nagsalita at ikanagulantang ko ang sinabe niya.
"Mabait naman talaga ako eh, manhid ka lang kaya puro mali para sayo ang nakikita mo saken eh, wala naman akong ginagawang masama sayo, pero eto pakinggan mong maigi Tamara Kycine Samaniego gusto kita ay hinde mahal kita noon pa, nung unang dumapo ang mata mo saken." parang naf-frustrate niyang sabe.
His sudden outburst made me stiff in shock. Parang nawala ako sa sarili ko at nasabi ang salitang.
"I'M INLOVE WITH YOU TOO, KY"
————————————
"Kyxeeeerrr!!! wala ka talagang kwenta si Kyra nadapa puro ka nalang ml!!!"
"Atleast, ml lang pinagkakabalahan ko hinde paghahanap ng iba, misis ko." sabi niya sabay kindat.
—————————————
"Dada Lo, kwento niyo nga ulit yung love story niyo ni Mimi La."
Natawa naman kami ni Kyxer sa utos ng aming apo, na ilang beses na niyang narinig pero inulit parin namin.
"Yes, Estella. I'm inlove with your Lolo the one whom I hated a decades ago."
-NOV. 5, 2021.
revibindream | rvd
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES COMPILATION
Short StoryTHIS CONTAINS OF MY ONE SHOT STORIES THAT I HAVE POSTED ALREADY ON MY FACEBOOK ACCOUNT. HOPE YOU LIKE IT.