Chapter 1

192 2 0
                                    

Loyola Heights Subdivision....
Maraming magagarang sasakyan na nakaparada sa malawak na bakuran ng isang mansyon. Sa kinapaparadahan ng mamahaling brand ng mg kotse ay maririnig ang tugtuging galing sa malaking bahay. Hindi maikakaila na may nagaganap na kasayahan sa loob.
Meron ngang party na nagaganap sa lob ng malaking bahay. Sa malawak na bulwagan ay may kanya-kanyang grupo na nagsidalo sa party na iyon at ang lahat ay nabibilang sa matataas na antas ng lipunan.
Nagpatalbugan ang mga dalagang naroroon sa ganda ng mga mamahaling damit at alahas. Ang mga lalaki nama'y nagpapagalingan sa porma. Sa gitna ng kasayahan ay may isang hindi pa naman katandaan ang edad at sa kilos at pananamit ay kagalang-galang. Pumagitna ito sa bulwagan at tinawag ang pansin ng mga naroroon bagay namanna kinalingon ng lahat.
"Beloved ladies and gentlemen, just a moment," panawag pansin nito. Tumikhim muna ang nagsalita na walang iba kundi si Don Fazil Taleon. Tumikhim ito sa hawak na kopita bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Bagamat nasa kalgitnaan pa lama g ng ating pagsasaya bilang pagseselebra sa kaarawan ng aking unica hija ay panay na ang pangungulit sa akin upang ihayag ko ang bagay na ito. Ang aking anak na kilala na ninyong lahat na si Dawn Zulueta," sa pamamagitan ng senyas ng kamay ay tumayo ang tinuran nito. NAng makalapit kay Don Taleon ay nagpatuloy muli sa pagpapahayag ang Don. "Gusto kong mabatidninyong lahat na ang aking anak ay ikakasal na kay attorney Michael Cordia."
Nang tumayo ang lalaking tinuran ang pangalan ay sabay din na nagtayuan ang mga panauhin at nagpalakpakan.
Ang mga kabarkada ni attorney Cordia ay nagsigawan pa habang pumapalakpak. Ipinapakita ng mga ito ang kasiyahan sa pagpapahayag ng Don sa pagkikiisang-dibdib ng binata kay doktora Dawn Zulueta.
Nang matapos ang pagpapahayag na iyon ay muling bumalik sa dating pwesto ang mga panauhin habang naglibot naman at nakikipagkamay sina Michael at Dawn.
Liyad na liyad ang dibdib ni attorney Michael dahil ito ang naksilo sa puso ng nag-iisang anak at heredera ng mAyamang Don Taleon.
Sa paglilibot at pakikipagkamay ng magkasintahan ay sari-saring bersiyon ang lumalabas sa bibig ng mga bisita.
Sa panig ng mga kalalakihan, may mga nasisiyaham lalo na ang mga kabarkada ni Michael. Meron din namang naiilang sa inggit at iba'y napapaismid. "Kahit pa sabihing abogado ang Cordia na iyan ay para paring langaw na natungtong sa kalabaw," wika ng isang tipong mayamang binata. "Walang gaanong kabuhayan kundi ang napag-aralan," dagdag pa nito. "Gwapo lang kasi ang tarantado eh" iling na may halong inggit na sambit ng katabi nito.
"Gwapo naman tayong lahat ah" inirapan ng nangungutya ang katabi nito. "Wala ngang kwenta kung ihambing sa atin ang patay-gutom na abogadong iyan."
"Oo na, alam ko naman na kursunada mo si Dawn, at hindi mo matanggap na si Michel ang pinili kaysa sa iyo." bungisngis ng kausap nito. Nagkuyom na lang ng labi ang una at tinungga ang hawak na kopita dahil totoo ang tinuran ng katabi. Marami rin ang nagtaasan ang kilay sa panig ng mga babae.
"Kung ako si Dawn, hindi ko papatulan yang pipitsugin at hamak na abogadong itan," ismid ng isang dalaga habang nakatutok ang tingin sa dalawa.
"Don't say that Janine," kalabit ng isang kagrupo nito. Alam ko naman na crush mo ang mala-donis na si Michael."
"Ritz, geapo nga, kumukulo naman ang tiyan,eh huwag na," irap ni Janine.
"Janine , sweetheart," sumabad ang isa nilang kagrupo na panay ang tikim sa hawak nitng kopita. Medyo mapungay ang mga mata nito. "Alam mo kung sa ganang akin lng, wla namang kwenta kung anuman ang background ng isng lalaki basta gusto ko. Kung mahirap man siya eh bakit? Kaya ko namng buhayin ah."
"Ikaw talaga Vennie, palibhasa bumubuli ka ng lalaki kaya nasabi mo yan." wika ni Janine.,
"Pakialam mo" tumayo si Venice na sinundan ang isang waiter.
"Pero kung ako lang? Babayaran ko si Michael pumayag lang na pakasal sa akin. Sulit naman dahil gwapo siya eh." Sabatng isa pa nilang kagrupo.
"Leslie, huwag mong sabihing kagaya ka na rin ni Vennie? Kilala kita," umangat ang kilay ni Janine na tiningnan si Leslie.
"As I've said, i don't care whoever he is. Pakasal lang sa akin si attorney Michael Cordia ay sa kanya na ang kayamanan ko."
"Huwag mong sabihing balak mo pang agawin kay Dawn si Michael." Halo ni Ritz sa usapan.
"Well, I think, I can buy that human being. Tumuon ang tingin ni Leslie kay Michael na kasakasama si Dawn.
"How much can you bet?" Hagikhik ni Ritz.
"Ten million," tinungga ni Leslie ang kopita nito saka pinalakpakan ang umiikot na waiter at nag order ng isa pang shot.
"For me, eleven," muling hagikhik ni Ritz.
"Twelve !"
Biglang napatingin sina Ritz at Leslie sa nagsalita na nakasimangot.
"Hey, Venniedarling," tumawa si Leslie. " huwag mong sabihin na alam mo ang topic namin?"
"But of course naririnig ko yata." Naupo ito sa harapan ng mga kasama. "You know, I got some information about him," sa pamamagitan ng mata ay itinuro nya si Michael.
"Baka ang nalaman mo'y ang nalamin din namin," biglang singit ang kanina pang tumatahimik na si Janine. "Na iyang Michael na iyan ay isang middle class citizen lamang. Walang kayang ipagmayabang kundi ang kagwapuhan. Can you eat that?"
"Well, kung yung pinakbet ay pumapasok sa aking tiyan, why not him?" Kindat ni Leslie.
"At saka obvious na ang kagandahang lalaki ang ginusto ni Dawn sa Cordia na iyan, hindi na inisip ang katayuan sa buhay. Kung tutuusiy hindi nababagay ang Michael na iyan sa ating sosyedad," pormal na wika ni Janine.
"Anong hindi, eh tingan mo ngat nakikihalubilo sa mga katulad natin." Parang binabalewala ni Leslie ang sinasabi ni Janine.
"It's because of Dawn," sagot ni Janine.
"Teka , teka," awat ni Ritz. " paano ba nagkakilala si Dawn at Michael na iyan?
"Ikaw talaga Ritz, mahina ka sa impormasyon."
"Paano naman Janine, paminsan-minsan akong nawawala sa circulo."
"Abroad ka kasi ng abroad, e. For your information, 'yang Cordia na iyan ay mahilig makipagbarkada sa mga kapantay natin. Hindi nakikipagbarkada sa mga kaantas niya sa buhay.ang alam ko, sa isang party sila nagkakilala ni Dawn at doon na inumpisahang akitin ang kaibigan natin," pagbabalita ni Janine.
"Huwag na nga ninyong kalkalin ang buhay ng isang tao," sabatni Leslie. "Para sa akin, kung papayag si Dawn ay babayaran ko si Michael sa kanya."
"Bakit sasabihin mo pa kay Dawn?, deretsuhin mo na si Michael. Tapalan mo kaagad ng pera at gawin mo na habang may panahon pa dahil baka maunahan kita." Wika ni Vennie.
"Para namang tinatraidor ninyo ang kaibigan natin sa mga binabalak ninyong iyan." Wika ni Ritz
"Hindi naman " sagot ni Leslie. "Baka makatulong pa nga ako kay Dawn kung sakaling pumayag si Michael na bumaling sa akin. Doon natin makikita na pera lang talaga ang habol ng lalaking iyan sa ating kaibigan."
"Sabagay may punti ka dyan, pero kung pumayag si Michael sa gusto mo, ano ang isusunod mong hakbang?"
"Edi syempre akin na sya," sinundan ni Leslia ng tawa ang winika.
Nailing nalang si Ritz.
"Ipinapahalata ninyo na nahihibang din kayo sa panlabas na anyo ng Cordia na yan." Inagos ni Janine.
Naghagikhikan sina Vennie at Leslie nang bigla ring natahimik dahil dumako si Dawn sa kinaroroonan nila.
"O, kamusta na kayo rito. Are you enjoying yourselves?" Iniakbay niya ang kamay sa mga kaibigan.
"But of course," ngiti ni Leslie. " why dont you give us some sort of minutes? Nagtatanong kasi si Ritz e hindi naman namin masagot."
"Ano ba iyon Ritz." Umupo si Dawn sa tabi ng Mga ito.
"Kung bakit mo raw nagustuhan si Michael sa kabila ng katayuan nito sa buhay," si Vennie ang sumagot.
"Ah, iyon ba?" Mababakas sa mukha ni Dawn ang say. " i love Michael more than myself."
Nagkanya-kanyang direksyon ng tingin ang mga kaharap ni Dawn maliban kay Ritz na nakatutok ang mata sa kanya.
"Ano ba ang nakita mong katangian niya maliban sa pagiging gwapo?" Tanong ni Ritz.
"Ang nakabighani sa akin ay ang pagiging totoo nyang tao. Mula noong makilala ko siya ay wala pa akong nakikita o nararamdamang pagkukunwari't anumang kaplastikan. Mabait at hindi sinungalinh sa akin kahit minsan. Wala pa siyang naipangako na hindi nya natupad," mahabang wika ni Dawn.
"Meron akong alam na npangako na hindi nya natupad," sabad ni Leslie.
"Wala akong alam ah." Kunot noo niya.
"Meron. Noong ipinangako nyang susungkitin nya ang bituin para ibigay sayo," hagikhik ni Leslie.
"Noong nanliligaw sa akon si Michael ay wala siyang pinangako kundi ang katapatan ng kanyang pagmamahal." Hindi pinansin ni Dawn ang pagbibiro ni Leslie. "At ang talagang nakaakit sa akin bukod sa pagiging gwapo nia ay ang kababaan ng loob. Isinasaalang-alang niya ang mga mahihirap palibhasay nakakasalamuha niya ang mga ito. Panay pa nga ang hikayat sa akin paminsan - minsang magbigay ng libreng konsultasyon sa mga indigent people."
Nagkibit-balikat sina Vernie at Leslie sa sinabi ni Dawn samantalang lumabi naman si Janine.
"But I heard na ang gustong kabarkada ng nobyo mo ay ang mga katulad nating mayayaman. Kagaya na lang nina Lester , Ruppert, at Sims," wika ni Janine.
"Totoong kinakaibigan ni Michael ang mga sinasabi mo, pero hindi sa sariling kapakanan. Kailangan niya ang tulong nina Lester sa mga binabalak niyang projects," paliwanag ni Dawn.
"Nahahalata ko na nahuhumalong na ang kalooban mo sa mga yagit," wika ni Vernie, " Marami din ang mga mayayaman na higit pang dumi o salot ng ating lipunan. Ang mga mayayamang ito ay hindi mahahalatang tinik sa proseso ng bayan dahil may mga perang pinapaikot sa palad upang ipambili ng batas. Ngunit ang mahihirap? Saan sila patungo kung hindi natin sila tutulungan? Sila, kung ihahambing sa daga, kaya mang gumawa ng lungga'y kulang naman para isiksik ang katawan."
"Wew, maiiyak yata ako ah." Ngisi ni Ritz.
"Masyadong emotional."
"Si Michael ang topic natin, bakit napunta diyan?" Puna ni Vernie.
"Dahil ibinibilang ninyo si Michael sa mga iyon, hindi ba?" Wika ni Dawn. " oo, mahirap si Michael pero matapatsa sarili. Ito ang nagbukas sa aking mga mata upang makita ko ang aking sarili na sa tayog ng aking kinaroroonan ay dapat pala akong lumingon sa ibaba upang makita ang kagaya niya. Ang mga inakala kong yagit noong una ay nilalang din pala ng Diyos na may karapatang umibig at ibigin ang kapwa."
"Kahit pusali ay nilalang din ng Diyos ha?" Ismid ni Janine.
"Iba ang nilalang sa nilikha," agaw niya."nilikha ng Diyos ang lupa ngunit nilalang niya ang tao."
"Sa lupa din galong ang tao ah," wika ni Leslie nang mapalingon sila sa lumalapit sa kanila.
"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo ah," wika nito na dumako sa may likuran ni Dawn at isinalikop ang mga kamay sa balikat ng dalaga.
"No. Not really," ngumiti si Dawn na tiningala ang nobyo." Kamusta na kayo ng mga katropa mo?"
"Ok lang naman, naiclose na namin ang usapan na magdadaos kami ng libreng serbisyo sa may squatters area. Nangako sina Lester na sila na ang bahala sa gastos. Kayo sweetheart, sana ay sumabay kayo sa amin para magbigay din naman kayo ng free medical checkup," ngumiti itong isa-isang tumingin sa mga kausap ng dalaga.
"Hindi ako doktora," wika ni Vernie.
"Hindi ako abogada," si Leslie . "But I donate money. Magkano ang gusto mong i donate ko attorney Cordia?"
"Kung magkano ang nasa bukal ng iyong kalooban Leslie," tugon ni Michael. "And that would be very much appreciated."
"Hmmm, gusto ko rin ang mag donate pero kailangan naroroon ako. Tatawagan ko ang kaibigan kong reporter sa isang kilalang tv station para i-cover up tayo,"sabad ni Ritz.
"Maraming salamat sa inyong concern," wika ni Michael na tumingin kay Janine.
Nagbaling ng paningin si Janine ngunit ng salita.
"Pakitang tao lang ang mga iyan," wika nito.
"Kung pakitang tao man, bakit hindi ka mag donate nang hindi nalalaman ng madla?" Wika naman ni Ritz.
"Bawasan mo naman ang kayamanan mo, sumuporta ka sa proyekto nina Michael at Dawn. Maano g mag abuloy ka kahit piso?"
Naghagikhikan ang grupo.
Wala mang salota na lumabas sa bibig ni Janine, nagbukas naman ito ng wallet at naglabas ng tseke. Pinirmahan nito sa harap ng grupo saka inabot kay Michael.
"maraming salamat dito," ngumiti si Michael at ipinamulsa ang tseke. "Marami itong matutulungan.
"Hmp naisip ko lang na nakapagpapatalo ako sa casino ng milyon kaya bakit hindi ako magbigay ng sentimo sa mga sinasabi ninyo?" Ismid ni Janine.
"Talagang sentimo lang sa inyo ang libo ," wika ni Michael. "Pero malaking bagay itong ibinigay mo Janine."
"Thanks," walang reaksyon sa mukha nito.
"Well, dito muna kayo ,ga amoga at kakausapin naman namin ang iba ," tumayo si Dawn at umabresiyete kay Michael.
"Can I talk to you some other time Michael, doon ko na rin ibibigay ang donation ko," wika ni Leslie..
"Lahat ng panahon ay nakalaan sa iyo Leslie, sabihin mo lqng kung kelan ," wika ni Michael.
"I'll give you a ring," wika naman ni Leslie.
"Okey" iyon lang at nagpaalam na ang magkasintahan.

"Napakapalad mo Michael," wika ni Lester. Binabagtas na nila ang daan pauwi sa tinitirhan ng binata. Nakasakay sila sa kotse nito. Wala pa kasing kotse si Michael, kaya nakiangkas muna ito sa kaibigan.
"Bakit mo naman nasabi na mapalad ako?" Nilingon niya ang nagmamaneho.
"Bakit hindi? Napaibig mo si Dawn. Siguradong instant millionaire ka kapag nakasal na kayo."
Ngumiti langang binata sa sinabi nito.
"Iba talaga ang matindi ang karisma," patuloy ni Lester. Nahahalata kong may kursunada rin sa iyo si Leslie. Kung sakali at akitin ka niya , pagbibigyan mo ba?"
"One-woman-man ito ou," tumawa ng mahina si Michael. Hindi ko pwedeng ipagpalit sa iba si Dawn."
"One-woman-man daw?" Humalakhak ito. "Parang wala tayong pinagsamahan, tumino ka lang naman ng makilala mo si Dawn , ah. Nagsisi pa nga ako kung bakit naipakilala ko pa siya sa iyo. Sana'y ako ang nakaligaw at naging kasintahan niya."
"Lester, akin na si Dawn. huwag mo ng pag ilusyunan pa, pwede?"
"E, sino naman kasi ang hindi mag-iilusyon kay Dawn? Bukod sa napakaganda na ay napakayaman pa? Napakalawak pa ng lupain ng mga iyon sa Mindanao."
"Ow, hindi pa nabanggit ni Dawn sa akin iyon ah." Wika ni Michael.
"Why don't you ask her about it?"
Natahimik si Michael . Pinag-isipan ang sinabi ng kaibigan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------❤️❤️❤️----------
(End) please wait for the chapter 2.. Im still typing it.. Thanks , I hope you like it😊

You're the ONE ( Chardawn Loveteam )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon