Chapter 5

50 1 0
                                    

"Ohhh! Saan ako naroroon?" Agaw dilim at liwanag ang unang nabanaagan ni Dawn sa pagmulat ng kanyang mga mata. Nakaramdam siya ng bahagyang kirot sa batok. Naghalukipkip pa siya dahil sa malamig na dapyo ng hangin na tumatama sa kanya.
"Salamat at nagkamalay na kayo, maam," napatingin si Dawn sa nagsalita, na napagsino niyang si Richard na kanilang piloto.
"Ano ang nangyari....?" Tanong niya na iginala ang paningin sa paligid. Nahahalata niyang umuulan parin pero nang tumingala siya ay nakita niyang nalalambungan sila ng tela na sa pagkakaalam niya ay ang parachute.
"Gumawa ako ng pansamantala nating silungan , maam," anang piloto. "Hindi ako makapagsiga dahil wala akong mahagilap na tuyong kahoy."
"Ano ba talaga ang nangyari kanina?"
"Tamang-tamang natapatan natin itong mataas na bundok nang pabulusok tayo. Swerte pa rin dahil may kapirasong patag na siyng napag-crush landingan natin."
"Si Michael? Nasaan si Michael?" Kaagad niyang hinanap ang kasintahan.
"Ayun ho," turo nito.
"Huh!" Nanlaki ang mga mata ni Dawn nang makita ang kasintahan na nakabalot sa isa pang parachute. Kaagad na napabulalas ng iyak at ngumuyngoy na tila nanlalambot. Nang tapunan niyang muli ng tingin si Michael ay parang gusto na naman niyang mawalan ng malay. Isang bagay lamang ang rumehistro sa kanyang isip nang makitang balut na balot ng parachute ang kasintahan.
"Michael...! Michael...! " Taghoy niya na gustong lapitan ang binatang nakabalot sa parachute pero hindi niya magawang ikilos ang mga paa.
"Sandali nga pala maam, titinganan ko ang loob ng eroplano at baka meron akong makuhang tuyong bagay doon na pwede nating sunugin," wika ng piloto na mabilis na pinuntahan ang tinuran.
Hindi nagtagal at bumalik din kaagad si Richard. Bitbit na nito ang upuan ng eroplano. Kaagad niyang tinastas saka naglabas ng lighter at sinunog.
Bahagyang naginhawaan naman ang katawan ni Dawn ng madama ang init, pero sumasalit parin ang malamig na ihip ng hangin.
Hinubad ni Richard ang jacket niya at isinaklob sa dalaga.
"Pasensya na ho kayo maam, hindi ko pa pokasi nahahanap ang mga tumilapon ninyong bag. Nabuksan po kasi ang baggage compartment." Paumanhin nito. "Di bale ho, at maiinitan narin ang katawan ninyo dahil may siga na tayo.."
"Michael....! Michael...!" Taghoy muli ni Dawn na tila walang narinig sa mga sinabi ng piloto.
"Bakit maam? Ano po ba ang sinasabi ninyo? Tanong nito.
"ano pa kundi ang nangyari sa Michael ko." Tinapunan niya ng tingin ang nakabalot na binata.
"Wala naman hong nangyari diyan eh, tulog po iyan. Giniginaw kaya ibinalot ang katawan." Paliwanag ni Richard
"Ha? Akala ko ay, oh God, salamat...," isal ni Dawn na napatingala. "Akala ko ay may nangyari ng masama sa magiging asawa ko, akala ko ay patay na siya."
"Siya ho maam?mammatay? Sa takot lang niyan." Ismid ni Richard . "Ni hindi nga nawalan ng malay kahit parang ibinabad na sa suka ang mukha eh. Kauna-unahan pa nga pong lumabas ng eroplano, takot na baka sumbog daw ito."
"Kung ganoon ay ikaw ang naglabassa akin?" Tanong naman ni Dawn.
"Oho, pagkatapos ko pong magawa ang tent na ito," sagot nito. "Nagpapatulong nga ho ako saka ya eh pero wala hong ginawa kundi pagkurukurutin ang sarili, tinitiyakkung buhay ba talaga siya. Nangmatapos po itong tenteh nagbalot na ho ng tela, at sinabakan na ng tulog."
"Kawawa naman ang sweetheart ko," usl niyang napatingin sa pambisig na orasan pero hindi na gumagana kasi bitak na ang salamin nito". " Anong oras na ba Richard?"
"Mag aalas-onse na ho ng tanghali maam," anito na tumayo. "Diyan muna kayo at hahanapin ko ang mga bag ninyo."
Tumango lang si Dawn na sinundan ng tingin ang pilotong lumabas ng tent.
Pagbalik ni Richard sa eroplano ay kaagad nitong hinagilap ang reserbang jacket na naroon bago hinanap ang mga bagahe. Nakailang ikot din ito sa paligid bago nakatagpo ng dalawang bag. Binitbit nito ang nahanap saka babalik na sana sa tent nang mapansin ang isa pang kargamento. Isang kalakihanh kahon, na dala rin ng dalawang pasahero.
Hindi gaanong nawasak ang kahon, kaya't iniwanan muna nito at unang dinala ang bag sa tent.
"Tingnan n'yo itong bag maam, baka may tuyo pang damit diyan at nang makapagpalit kayo," inilapag ni Richard ang bag sa tabi ni Dawn. "Babalikan ko pa ang iba kong nahanap."
Walang imik ang dalaga na binuksan ang mga bag. Nagbalik ang piloto sa kinaroroonan ng kahon, binuhat at dinala sa kubol.
Hustong katatapos namang magbihis ni Dawn nang magbalik si Richard. Inutusan nya itong gisingin si Michael.
Tumalima lang ang piloto. Tinangka nitong gisingin si Michael ngunit hindi magising - gising ang lalaki. Dinama ni Richard ang leeg at noo nito.
"Maam, mainit ho ang kasama ninyo at nanginginigsa ginaw", wika nito.
Kaagad na tumayo si Dawn at sinuri si Michael.
"Buksan mo ang kahon na iyan, may mga nakasama diyan na gamot", wika ni Dawn na pilit ginigising ang kasintahan. Kumuha pa siya ng ilang basang damit at ibinalabal sa kasintahan para sa pamamagitan ng lamig ng basang damit ay maibsan ang init ng katawan "nito.
"Maam, pawang mga delata, gatas at kape ang naririto. Wala akong makitag gamot", wika ni Richard.
"Hanapin mo ang isa pang kahon, may mga gamot doon," utos niya. "Hanapin mo, madali!"
Mabilis na tumakbong palabas ng tent si Richard at tinungo ang eroplano, hinanap ang medicine kit at nang makita ay binalikan" si Dawn.
"Maam, tingnan ninyo kung may magagamit kayo riyan. Hahanapin ko ang kahon na sinasbi ninyo," pagkawika nito ay mabilis uling bumalik sa labas. Hindi naman nagtagal ay nakita nito ang ipinapahanp ng dalaga. Kaagad nitong binuhat at dinala sa tent. Pagdating doon ay kaagad nitong binulat"lat.
May mga nabasag na gamot," nanghihinayang na wika nito.
Hindi umimik si Dawn. Hinalukay niya ang laman ng kahon. Nakita niya ang kanyang kailangan. Gamot at heringgilya. Kaagad nitong inayos at saka itinusok sa kasintahan.
"Tulungan mo akong bihisan itong si Michael," utos nya kay Richard.
Pinagtulungan nilang bihisan ang may sakit nilang kasama at nang maisaayos na nila ay saka lang muling nakahinga nang maluwag si Dawn.
Iiling-iling na pinagmasdan si Richard ang pasyenteng matiwasay na sa paghinga.
"Wala kasing pakialam sa mga kasama at sarili lang ang inisip kaya yan ang napala," wika nito.
"Dala lang siguro sa pangyayari kaya nasabi mong iniwan tayo kaninang bumagsak ang eroplano," pagtatanggol ni Dawn sa katipan. "Mabuti syang tao, matulungin."
Nagkibit-balikat na lang si Richard. Dinagdagan ang apoy ng kanilang siga. Pagkatapos ay muling bumalik sa eroplano para maghagilap ng maari nilang sunugin. Sa pagbabalik nito ay nanguha pa ng maliliit na kahoy na madaling matuyo at magbaga. Pagdating sa tent ay muling inayos ang siga dahil talagang sumisigid ang lamig. Kung walang proteksiyon sa katawan at init na mararamdaman ang isang tao sa lugar na iyon ay maaaring mamatay sa lamig.
"Baka ginugutom na kyo, maam. Kung gusto nyo ay ipagbubukas ko kayo ng de-lata, mayamaya'y wika ni Richard.
"Sige," aniya na tinitigan ang temperatura ng kasintahan sa pamamagitan ng pagdampi ng palad sa noo nito. Umepekto na ang gamot, paggising nito ay maayos na."
"Heto na maam, kumain na kayo." Iniabot ni Richard ang binuksan nitong de-lata sa dalaga.
"Ikaw, bakit hindi kapa kumain?" Puna niya nang makita itong muling lalabas sa tent.
"Maghahagilap ho ako ng maaring panalok ng tubig, hindi pupweding wala tayong inumin," sagot ni Richard na tuluyang lumabas. Muli itong bumalik sa eroplano at hinagilap doon ang parating itinatabing service firearms na 38 at jungle knife. Umakyat sa ibabaw ng eroplano at niyupi ang pinakabubong niyon.
"Makakasalo rin ng tubig ulan ito," sa loob-lob nito.
Tinanggal din nito ang basag na ilaw ng eroplano at kinuha ang korteng mangkok na parte ng ilaw. Nilinis iyon at ginamit na pansalo sa tubig na tumutulo mula sa mga dahon ng halamang naroroon. Nang mapuno nito ang hawak ay bumalik sa tent at ibinigay kay Dawn.
Nauhaw din ang dlaga kaya uminom. Ipinagpatuloy niya ang pagkain.
"Kumain ka na rin", wika niya.
Nagbukas ng isang pang de lata si Richard atnag umpisang kumain.
"Ilang taon ka nang nanunungkulan sa amin, Richard?" Tanong niya.
Isang taon pa lang , maam," sagot naman nito.
"May pamilya kana?"
"Kung sa sarili ay wala pa, maam."
"Bakit , ilang taon ka na ba?"
Interview? Sa loob loob nito. "32 , maam."
"Hmmm, umabot ka sa ganyang edad na wala pang pamilya?"
"Iyon nga yata ang isang bagay na nakalimutan ko, maam."
"Bakit naman? Ano ba ang ibang naging trabaho mo?"
"Noong makatapos ako ng highschool ay nagtrabaho ako sa konstraksyon hanggang sa magsawa ako. Naisipan kong magsundalo kaya't sinubok kong mag training sa Fort Magsaysay. Matagal din akong nadestino dito sa Mindanao, sa Magat Valley sa Luzon hanggang sa naisipan ko ang lumipat sa Marines."
"Matagal din ba ang nagugol mo sa pagiging sundalo?"
"Matagal din ho , maam."
"Paano mo natutunan ang pagiging piloto?"
"Nag aral ho ako sa Nichols at nang grumadweyt ako ay naging sibilyan na ako,," wika nito.
"Kaya ka napasok sa amin?"
"Ganoon nga ho," sagot nito na napatingin sa pasyente nila dahil dumi,at na angmga mata. "Gising na ho yata si sir."
"Hi Michael, you're now in heaven," pilit nagbiro si Dawn
"May rescuer na ba? Ligtas na ba atyo?" Iyon kaagad ang namutawi. Sa labi ng bagong gising.
"Kung sa ligtas ay ligtas nga tayo pansamantala," sagot niya na dinama ang katawan ng kasintahan. "Nasa tamang temperatura kana pero wala bang masakit sa iyong katawan?"
"W-wala naman," wika nito, nang mapansin ang delata na kinainan ng dalawa. "Pakain."
Ipinagbukas ni Richard si Michael.
"Richard, wala ka bang makuhang pupwede nating pag initan ng tubig?" Tanong ni Dawn sa binatang piloto.
Nag-isip muna ang tinanong ngunit mayamaya'y tumayo ito. Dahil may naalala. Nagpaalam ito sandali at nagbalik sa sirang eroplano. Hinagilap nito ang itinago noon na helmet na bakal. Kaagad iyong hinugasan saka pinuno ng tubig, sa naraanan ay dumapot din ito ng tatlong bato na katmtaman ang laki saka tuluyang bumalik sa tent.
"Pakihawak nga, sir?" Wika nito kay Michael, pero umirap lang ang pinakiusapan.
"Akina," wika ni Dawn na sinambot ang helmet na puno ng tubig.
Hindi umiimik si Richard. Inayos na lang nito ang talong bato para magsilbing kalan. Nang maayos ay ginatungan sa pamamagitan ng mga kahoy na nahagilap kanina. Nang magkaroon na ng apoy ay ipinatong ang helmet para makapagpakulo ng tubig.
"Nasaang lugar na ba tayo?" Pagkuwa'y tanong ni Michael.
"Hindi ko pa sigurado. Pero sa pagkakaalam ko, nandito tayo sa pinakamataas na bundok ng pilipinas," sagot ni Richard.
"Mt. Apo?" Sabay na tanong nina Michael at Dawn na napakunot noo.
"Hindi kaya peligroso dito?" Dagdag na tanong ni Micha.
"Kahit saang gubat ay may peligrong matatagpuan, lalo na sa mga mababangis na hayop. Subalit alam naman ng mga hayop ang kanilang bibiktimahin hindi katulad ng mababangis na hayop sa syudad na walang sinisino."
Napatingin si Michael sa piloto at bahagyang umasim ang mukha.
"Bakit pati sa syudad ay idinadamay mo? Ang intindihin mo ay kung papaano tayo makakaligtas dito, iyan ang responsibilidad mo!"
"Sinasagot ko lang ang tanong ninyo," salag ni Richa.
"Sa palagay mo Richard, matutunton kaya tayo rito ng rescuers? Alam na kaya nila na may nagyari sa atin?" Sabad ni Dawn.
"Siguradong naglunsad na sila ng rescue operatin dahil wala na tayong kontak sa anumang airport," sagot ng tinatanong. "Kung sa matutunton tayo, palagay ko ay matatagalan dahil bukod sa malayo dito ang kinamatayan ng makina ng eroplano nang huli akong makontak sa control tower ayfoggy pa ang kinaroroonan natin. Magsiga man tayo nang magsiga ay hindi rin makikita ang usok."
"Di wala tayong pag asa, ganoon ba?!" Galit na biglas ni Michael.
"Kung pag-asa ay meron dahil buahy pa naman tayo. Gagawa tayo ng paraan, huwag kayong mag-alala," wika ni Richard.
"Kung ganoon, umpisahan mo na." Utos ni Michaelsa piloto.
"Mahirap ang padalus-dalos kapag tayo ay nasa gubat. Kinakailangang planuhin natin ang mga hakbang na gagawin. Pansamantala ay magpalakas muna tayo o palipasin muna natin ang magdamag na ito at bukas, kapag wala ng gaanong ulan ay umpisahan na natin ang pagbaba sa bundok."
"Bakit hindi pa ngayon? Bakit ipagpapabukas pa?" Galit na tanong ni Michael.
"Matatarik ang ilang parte ng bundok at hindi natin kabisado, maulap pa. Baka kung ano alng ang mangyari sa atin." Payapang wika ng piloto.
"Baka naman natatakot ka lang sa mga hayop na sinasbi mo," pasaring ni Michael.
"Pabayaan muna natin na si Richard ang magdesisyon sa pagkakataong ito, sweetheart," wika ni Dawn sa kasintahan. "Mas kabisado niya ang bundok dahil naging sundalo pala siya".
"Pero...."
"Kung gusto ninyo'y mauna na kayong bumaba sir, susunod na lang kami ni maam," napipikon na ang piloto.
"Tama na, Richard," saway ni Dawn na bumaling kay Michael. "Sweetheart, maliligtasan din natin ito kaya huwag ka nang mag-apura."
"Pero sweetheart, kapag nagtagal tayo rito, papano ang mga naghihintay sa akin na asunto sa Maynila, ang kasal natin?"
"Makapaghihintay lahat ang mga iyan, keysa naman magpadalus-dalos tayo ng aksyon,e baka iyon pa ang makapagpapahamak sa atin. Naligtasan na natin ang naunang sakuna, papayag ka bang malagay na naman tayo sa peligro?"
Hindi na nakipagtalo pa si Michael na minabuti na ang manahimik kahit nagkukukot ang kalooban dahil sa kanilang sinapit. Wala nang imikan ang tatlo hanggang sa sumapit ang gabi.
Nang matapos silang maghapunan ng mga de-lata ay lumatag na sila ng higa. Tahimik ang kapaligiran maliban sa mga huni ng panggabing hayop at kuliglig.
Nahiga si Richard sa isang tabi ng tent samantalang magkasukob ang magkasintahan sa parachute bilang kumot. Nagkasya na lamang ang piloto sa pagyakap sa mga bag.
Malalim na ang gabi nang unti-unting kumikilos si Michael..
✖️✖️✖️✖️✖️✖️✖️✖️ ( SPG guys !) not really SPG.. PG nalang pala.. ✖️✖️✖️✖️✖️✖️✖️
Niyapos nito si Dawn at kinabig paharap. (Yuck! Gusto ko si Papa 🙊)
Umungol nang bahagya si Dawn at nagmulat ng mga mata.
"Sshhhhh," ipinakuros ni Michael ang hintuturo sa mga labi ngdalaga.
Naghalikan sila ng mariin at ninamnam ang tamis ng mga labi sa isat-isa.
Bumilis ang kanilang paghinga na sinundan ng impit na ungol. Kumaluskos ang higaan na nasapinan lang ng karton at maliit na lona.
"Sweetheart, ngayon na natin abutin ang langit ," (😱🙈) anas ni Michael nang bahagyang maghiwalay ang kanilang labi.
"Kapag kasal na tayo. Tamana na muna ang ganito," paanas ding sagot ni Dawn na naunawaan ang nais mangyari ni Michael.
"Huwag mo akong ibitin, sweetheart. Gagwin din naman natin ito ,e," pangungulit ni Michael. Mahigpit nitong niyakap ang katipan. Inumpisahang pagapangin ang mga kamay sa maseselang parte ng katawan ng dalaga.
"Michael please, not in this kind of place," tutol niya. Kung tutuusin ay nadadarang na siya sa ginagawa ng binata ngunit hindi niya masikmura na sa ganoong klaseng lugar sila magniniiig.
Naging makulit si Michael, muli siyang hinalikan nang mariin habang unti-unting kinakalas ang jacket na suot niya. (Ang bigay ni papa😍)
"Michael, there you are again", pilit na pinigilan ng dalaga ang kamay nito. Nailakas pa niya ang boses.
"Sweetheart, obey what Flavier says, let's do it," patuloy na pangungulit nito.
"Ayoko!"
May narinig silang sunud-sunod na pag-ubo na kanilang ikinatahimik.
Bumangon si Richard, inayos ang siga, pinalakas ang apoy sabay bubulong-bulong na, "napakaingay naman ng mga asong-gubat, ululong ng ululong?"
Nagtakip ng ilo si Dawn, napahiya.
Nag-angat naman ng ulo si Michael atsinita ang piloto, "hindi ka pa ba nakakatulog?"
"Makakatulog na sana ako, pero ang mga hayop kasi sa gubat, panay ang huni. Kaya nilakasan ko itong siga para matakot sila at lumayo," pangangatwiran ni Richard.
"Masmagandang patayin mo na iyan at doon ka sa eroplano matulog," inis na utos ng binatang abogado.
"Kung kayo na lang kaya doon?" Sagot ni Richard.
"Bakit ako pa anguutusan mo? Gago ka pala eh!" Bulyaw ni Michael.
"Huwag naman kayong ganyan, sir. Mabait ako at hindi gago," sagot ng piloto.
"E, kung hindi ka makatulog dito ay bakit hindi ka lumipat ng peesto!" Mura uli ng abogado.
"kayo, bakit hindi pa kayo natutulog? Dhil ba sa mahaba ang tulog nyo kanina?"
"Aba at ang tarantadong ito't----" bumangon si Michael. "Hoy, tauhan ka lang kaya wala kang karapatang sagut sagutin ako ng ganyan, ha!" Anitong dinuro si Richard.
"Kelan ninyo ako naging tauhan?" Nang-iinis na ganti ng piloto.
"Sweetheart, ano ba iyan? Matulog na tayo," sabad ni Dawn.
"Hoy, pagbalik natin sa Maynila, humanap ka na ng iba mong mapapasukan," hindi inintindi ni Michael ang pagsasawata rito ni Dawn.
"Si Don Severino angamo ko at siy langang may karapatan na magsabi sa akin ng ganyan".
"Dawn, tingnan mo ang asal ng hayop na ito! Tingnan mo!" Galaiti ni Michael. Nagngingingit kasi dahil naistorbo ang nais nitong gawin sa kasintahan.
"Sino kaya ang dapat tingnan ang asal sa ating dalawa attorney?" Nang-aasar pa ring sagot ni Richard.
"Tarantado ka talaga!" Galit na dumampot si Michael ng kahoy at ipapalo sana kay Richard, pero nabitin sa ere ang kamay nito. Napatitig sa inilabas ni Richard mula sa bulsa.
"Malinis nga itong baril para kung may hahara-hara na hayop ay mapagpraktisan," ngingiti-ngiting wika nito na sinipat-sipat pa ang trigger.
Napaurong ang duwag na si Michael at walang nagawa kundi mahigang muli sa tabi ni Dawn.
"Natahimik ata ang aso na aalu-alulong kaninan, a," kunwari'y sisilip-silip si Richard sa labas ng tent.
"Puwede bang magpahinga na tayo para may lakas tayong lulusong pababa sa bundok na ito bukas," wika ni Dawn. "Wala na sigurong asong -gubat o baboy-ramo na iistorbo sa tulog natin," hindi napigilan ni Dawn ang mapahagikhik.
"Shit, shit!" Bubulong-bulong na mura ni Michael.
Nangingiting nagbalik sa higaan si Richard. "Ayaw na ngang pagalaw e, pinipilit pa?" Nasambit pa nito na ang tinutukoy ay sina Michael at Dawn...

-end-

Haayyyy, salamat at natapos na din ang chapter na to.. Pasensya na kung natagalan guys ha? And sa bad words at sa SPG.. Pasensya na...✌️ .. Don't forget to vote and comment..
And btw, nag change pala ako ng username sa instagram. (@msleasalongaa) yun na ang bagong username ko. Pero i still post pics nina mama and papa (chardawn) i do love mr and ms babes din kasi eh (teamBabes) ..basta, if you have some time, you can visit my IG account and we can be friends.. 😁 have a nice day everyone. Godbless! 🙏

Just waitfor the next chaptiee, I'll type it pa. Thanks for the patience 💋

You're the ONE ( Chardawn Loveteam )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon